Chapter 15

1.1K 37 26
                                    


[I wanted to tell everyone reading this na sobrang dami pang mangyayari sa kwentong ito. Nagsisimula pa lang tayo. Marami pang mga karakter ang darating. And I'll try to update more often para hindi kayo bumitaw. Hehe. Maraming salamat sa suporta! I love you all! Mwaa]

**

Napapadalas na ang paglabas naming tatlo nina Kuya Sandro at Cassie. Kung minsan at tinotopak si Ate Jamie ay hindi niya kami sinasamahan. Dinadahilan pa niyang sanay naman na raw kaming magkasama kaya hindi na ako maiilang pa kay Kuya Sandro. Minsan nga naiisip kong sinasadya niyang huwag nang sumama, eh. Hindi ko alam kung anong dahilan niya. Sa pagkakaalam ko kasi ay against na against siya sa posibleng pagbabalikan namin ni Kuya Sandro. Pero imposible naman iyon. Ikakasal na siya kay K. Kaya lang naman kami nagkakasama—ng patago—ay dahil kay Cassie, sa anak namin.

Hindi na pati ako umaasa. Ako lang din naman ang masasaktan sa huli, eh.

Tumagal ng almost one week 'yong unang outing namin sa private resort na pagmamay-ari ni Kuya Sandro. He told me things that I could not comprehend. Sabagay, iyong pagpasok pa nga lang niya ulit sa buhay ko, eh, hindi ko na maintindihan, eh. Lalo na siguro 'yong mga sumunod na mga pangyayari. Hindi na ako nagtanong dahil mukhang wala namang balak si Kuya Sandro na sagutin ang mga tanong ko, eh. Kesyo hindi pa raw ito ang tamang panahon. Kumplikado raw ang lahat. Ang hirap daw i-explain. Pero isa lang ang naiintindihan ko. He's engaged to K. Totoo iyon at hindi pagkukunwari lang. Kaya nga patago lang kami kung magkita, eh. Sikat kasi si K at sikat na rin si Kuya Sandro. Pagmamay-ari na ng publiko ang buhay nila. Bawat galaw nila ay pinapanood ng lahat. Ni ultimo paghinga nila ay may tsismis na mabubuo. Ang lungkot siguro ng buhay nila, 'no? Wala silang privacy. Wala silang kalayaang gawin ang kahit anong gusto nilang gawin. Kuya Sandro might think that I am his escape. Na sa kabila nang magulo at maingay niyang buhay with K, may isang Leslie at Cassie na handa siyang tanggapin kapag pakiramdam niya ay ayaw na niya.

If that is so, then why did he choose this kind of life?

Bakit hindi na lang niya ako pinaglaban? Bakit hindi niya ako sinundan sa States? Bakit tinalikuran niya ako nang tuluyan? Bakit mas pinili niyang saktan ako? Ano bang mapapala niya kay K? Why did he choose her over me? Bakit kailangang maging ganito?

Right. Nagsawa na nga pala siya sa akin. He fell out of love to me and he fell in love with her. It's that simple. Nagising na lang siya isang araw na hindi na niya ako mahal. Na wala na siyang nararamdaman para sa akin. Na lahat ng pangako at pangarap niya ay bigla na lang nawalan ng saysay. Na hindi na ako ang makakapagpasaya sa kanya. After everything that I have done for him, for our relationship, hindi pa rin sapat ang lahat ng iyon. Iyon ang natutunan ko. Hindi garantiya ang lahat ng kaya mong ibigay sa kanya para manatili siya sa buhay mo. You can give him all. You can sacrifice everything for him. You can choose him. But still, he will leave you. Without second thought. The only thing that will make him stay is if he wanted to stay. Believe me, I should've known. I've been there.

Paalis na kami ng resort at dahil tapos na akong mag-impis ng lahat ng ginamit namin ay napagpasyahan kong pumunta na sa sasakyan. Nasa loob pa kasi sina Cassie at Jamie dahil mag-pho-photoshoot pa raw sila ng huling beses. Nang malapit na ako sa sasakyan ay nakita kong may kausap si Kuya Sandro sa phone. Hindi na dapat ako lalapit pa pero parang may puwersang nagsasabi sa aking lumapit ako. And so I did. Narinig ko ang ilan sa mga usapan nila ng kausap niya.

"Nandito ako sa mansiyon. Nagbakasyon lang ako. Medyo toxic na, eh. Pero pauwi na ako ngayon, love." Narinig kong sabi ni Kuya Sandro sa kausap niya. Base sa tawag niyang love, in-assume ko agad na si K ang kausap niya. But, did he really have to lie to her? So ano 'yon, hindi lang pala siya sa akin nagsisinungaling. Maging sa fiancée niya. How terrible was that?

You're Still The One (Sanlie, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon