The Story Of A Loner

1.3K 17 15
                                    

P R O L O G U E

"I'm a loner. I don't have gigantic group of friends, neither enemies. People don't miss me. I'm never the first person anyone looks for in a crowded room. I'm just me, take it or leave it." ― unknown

"It's better to be happy alone that to be unhappy with someone - so far." ― Marilyn Monroe

"Let me tell you this: if you meet a loner, no matter what they tell you, it's not because they enjoy solitude. It's because they have tried to blend into the world before, and people continue to disappoint them." ― Jodi Picoult

Ilan 'yan sa mga quotes na nilike ko sa instagram at twitter. Nakakarelate lang kasi. Oo, isa akong loner. Hindi naman ako nerd, sa katunayan kahinaan ko ang Math, Science at History. Ang hirap kaya! Sobra!

Pero, kahit isa akong loner, may accounts ako sa social networking sites. Ina-add slash fina-follow ko naman din yung mga kaklase ko. Pero kung personal na talaga, as in kapag kaharap ko na sila, nahihiya ako.

Ayan! Nahihiya ako! Sobra akong mahiyain! Tahimik lang ako sa klase, wala akong kinakausap maliban sa teacher. Kaya wala akong kaibigan. Mag-isa akong kumain, mag-isa akong mag-cr, mag-isa akong umuwi, mag-isang pumasok, palagi mo akong makikitang nag-iisa.

Masaya? Oo! Sobra! Feeling ko kasi, napaka-independent ko. Napaka-individualistic ko. Hindi ko kailangan ng sino man sa buhay ko para lang sumaya. Kaya kong mag-isa. Hindi katulad ng iba dyan, kung umabsent lang yung kaibigan, halos mamatay-matay na dahil lang walang kasama maglunch. Ang ayaw ko lang sa pagiging loner, yung minsang ipapagroup kayo ng guro niyo sa lima para sa isang activity. At ayun, walang kumukuha sa akin. Kapag may problema ka, wala kang masabihan. Ikaw lang nakakaalam ng secrets mo. Ng crushes mo. (naman! nagkakacrush 'din ang mga loner! tao lang rin naman ako no!) Pakiramdam ko, isa lang akong display sa klase. Pakiramdam ko, lagi akong napag-iiwanan.

But sometimes.. naiisip ko din na bakit nga ba ako naging isang loner? Maganda naman ako sabi ng parents ko, ng yaya ko, ng friends nila mom and dad, ng relatives ko, ng cousins ko. At minsan tinititigan ko rin ang sarili ko sa salamin nang matagal, at maganda naman talaga ako. Nagpopost pa nga ako ng pics. ko sa fb and instagram. Hindi naman nakakahiya ang hitsura ko. Hindi rin ako abnormal. Wala naman akong sakit. Hindi naman ako mabaho. Naliligo ako araw-gabi. Maganda naman buhok ko at wala akong kuto. Mabait 'din naman ako. At hindi rin ako warfreak.

I still know deep inside me, gusto kong magkaroon ng kaibigan. Na gusto kong magkaroon ng bestfriend. Na gusto kong magka-barkada. And I need someone to care for me. To miss me. To call me. To share jokes with. Give advises. Magshare ng pagkain. Exchange gifts every Christmas at Birthdays. Gusto ko maexperience yung mga kalokohan ng mga schoolmates ko kasama friends nila. Gusto ko may kasabay umuwi at pumasok. Gusto ko magkaroon ng kasama magshopping. Pero tanggap ko naman na imposible 'yun. Allergic ako sa tao eh.

Haaays! Siguro hirap lang talaga ako makisama sa mga tao. Mula kasi bata ako, mahiyain na talaga ako.

Status? Alam niyo naman na poreber alone ang peg ko, diba?

...But then you came along.. For once, I thought, I'm tired of being alone..

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

Author's Note: Whoops! First story ito na hindi fan fiction. Oh my gosh! Sana suportahan niyo! Salamat! And nga pala, pa-comment po ng names na pwedeng gamitin. With surnames ah. Please please please please!!! Pavote!

PS. Based on a true story po. Hmm.. Mga 80% true. Hehe. This one is experienced by my classmate. Lagi ko kasi siyang inoobserbahan.

PPS: Rom-Com din po ito, HEHE. KILEEEG AKU!

The Story Of A LonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon