"Ma okay lang po ako. wag kang mag alala. kung may problema man tatawagan kita agad". sabi ni Katana sa kanyang ina na nasa kabilang linya.
Pagkatapos ng tawag na iyon ng kanyang ina ay nagpatuloy na sya sa paglalakad papunta sa classroom nya.
Malapit na sya sa classroom ng maramdaman nyang parang naiihi sya kaya pumihit muna sya at pumunta sa common CR ng school, total malapit lang naman iyon sa kinaroroonan nya.
When she entered the CR, napangiwi sya ng may marinig syang kalampag at ungol na nagmumula sa dulong cubicle ng CR. malamang na may naglalandian na naman. kadiri talaga.
Hindi nalang nya pinansin yun at pumasok sya sa loob ng cubicle para umihi. mabilisan nalang din ang ginawa nya dahil naririndi sya sa naririnig nya. at pakiramdam nya ay masusuka sya any minute now.
Lumabas na sya ng cubicle. sakto namang lumabas yung dalawang naglalampungan sa dulong cubicle.
Hindi na sya nagtaka ng makitang si Shin ang lalaking kalandian ng babaeng hitad.
Kilala kasi bilang playboy si Shin at para lamang itong nagpapalit ng damit kong magpalit ng girlfriend. pati ata posteng sinuotan ng palda ay papatulan nito.
Mabilis naman syang tumalikod at umalis doon sa CR. narinig pa nyang tinawag sya ni Shin.
Pero bakit naman sya tinawag nito? ni hindi nga sila magkaibigan o personal na magkakilala para tawagin sya. tsaka namamalikmata lamang ba sya sa nakita nyang gulat at pagsisi na rumihistro sa mukha ni shin?
She heaved a sigh and just shrugged off the idea. umupo naman sya agad pagkarating nya sa loob ng classroom.
"Uy bes! bat parang lutang ka?". napatingin naman sya kay Ana her bestfriend ng tapikin sya nito sa balikat.
"Huh? hindi ah. may iniisip lang". sagot nya tsaka inayos ang kanyang bag at isabit sa gilid ng kanyang table.
"Hay, naku bes. kung si Shin lang naman ang iniisip mo, quit it. nagsasayang ka lang ng brain cells". Ana said with a sour face.
Hindi naman sya umimik sa sinabi nito. she can't counter back what Ana has said, lalo pa at alam nitong matagal na syang may gusto kay Shin. nga lamang ay playboy ang lalaki at malabong mapansin sya nito bilang isang babae na seseryosohin.
Yung kanina nga lang na naabutan nyang eksena sa CR ay masakit na sa pakiramdam. lalo pa at wala naman syang karapatan para magalit kay Shin at sa babaeng kalandian nito.
"Alam mo Katana, maganda ka naman e tsaka matalino pa. pero bakit ang tanga mong pumili ng magugustuhan? at si Shin pa talaga". saad nito tsaka naupo sa table nya.
Wala pa naman ang instructor nila kaya malaya silang nakikipagkwentuhan. malaya ring nakikipagkulitan at harutan ang mga iba nilang kaklase.
Napabuntong hininga sya. "Puso ko ang kusang pumili, hindi ako".
She give me a Duh-i-dont-believe-you look.
"So ano to, yung puso mo na pumili sa Shin na yun ay hindi bahagi ng sistema mo?". sarkastikong tanong nya.
"Katana".
Sasagot na sana sya ng biglang may tumawag sa pangalan nya. napatingin silang dalawa ni Ana sa gawi ng pintuan ng classroom.
"Speaking of the devil". bulong ni Ana sa kanya sa tonong naiinis.
Habang sya naman ay hindi mapakali. hindi nya malaman kung ano ang mararamdaman. kung matutuwa ba sya sa paglapit nito o masasaktan dahil aasa na naman sya dito.
"Katana can we talk?". agad na tanong ni Shin sa kanya ng makalapit ito.
Agad namang tumayo si Ana mula sa pagkakaupo sa table nya at lumipat sa kanyang sariling upuan. pero pinandidilatan sya nito.