You're my FEM

9 3 0
                                    

ONE SHOT PO ITO. INSPIRED BY FEM. YUNG CRUSH KO. HIHI. HOPE YOU LIKE IT. :)

--
Maan

"FEM! We are late. Where are you?" I heard his car engine being started. The hell! Paalis palang sya ng bahay nila. Humanda sya sakin mamaya.

"Im coming Femmy. See you." He ended the call. Hes always late, whats new.

--00O00--

Fem. Short for famous. Maki is famous. Famous because of his looks. Scientifically perfect ang itsura nya. Hindi sya kagaya ng iba na porket gwapo, mayabang na. Yung tipong akala mo lahat ng babae gusto sila. Ibahin nyo si Maki. Nahihiya pa nga sya kapag sinasabihan sya na gwapo sya.

Crush ko sya. Sino ba naman ang hindi dahil talagang kapag nakita mo sya, wala kang maipipintas. Boyfriend material talaga sya.

Tinitingnan ko lang sya sa malayo. Kahit anong angulo, ang gwapo nya. Dumagdag pa ang salamin nya sa kagwapuhan nya. He also has braces at maputi. Turn on pa man din ako sa ganung looks or dahil ganun ang look ni Maki. Ewan.

Nahihiya pa nga ako sa kanya kasi di naman ako maganda kaya di ko sya kinakausap noon.

Until one day.

Naglakas loob akong i-add sya sa facebook. Naririnig ko na hindi sya snob so nagtry ako. Inaccept naman nya ito na ikinatuwa ko. Nagbasa ako ng info about him and it turns out na birth day nya nung panahon na yun.

Nagmessage ako sa kanya ng "Happy birthday Famous." Nakita kong online sya tapos nabasa nya ang message ko. Ilang oras ang nakalipas, wala man lang syang reply. Seen kung tawagin.

I guess Maki received tons of message coming from his admirers. Hindi na ako nagtaka na seen lang ang message ko. Pero naisip ko nalang na friend na kami at okay na yun.

The next day, Lynda bumped me and said that shes going to attend Maki's birthday party this coming weekend. Kaklase ni Lynda si Maki, kaibigan ko. May boyfriend na ito kaya hindi na pinapansin si Maki. Sabi nya sa akin na kapag sinabi daw ni Maki na hiwalayan nya ito ay gagawin nya. Nagagawa nga naman ng isang Maki Reyes. Pero alam kong nagbibiro lang sya.

Mabait si Maki. Dahil dito ay talagang napakadaming nagkakagusto sa kanya. Makikita mo nga lang sya na nakikipagtawanan sa mga fangirls nya eh. Sa hallway, makikita mo sya na nagrereview habang kumakain. Nagpaprank din sya sa mga kaklase nya. Hindi sya nagpapanggap na porket gwapo sya ay ganito dapat sya. Kung ano talaga sya ay ganun ang pinapakita nya.

Kaya hindi na siguro bago ang ginawa ko. Magmessage sa facebook.

Saturday ang birthday party ni Maki. Tuesday palang ngayon. Kalat na sa school ang party nya at swerte mo kung naimbitahan ka. Iniisip ko na sana imbitahin nya ako pero naisip ko din na bakit nya gagawin yun. Hindi naman nya ako kilala. He even seen my message to him.

Nag open ulit ako ng facebook at napansin ang bukod tanging nakahighlight sa account ko. May message ako. Hindi ko alam ang mararamdaman ko ng nalaman kung kanino galing yon. Galing kay Maki. Hindi ko pa din makita kung anong message nya kaya naman natutuwa at kinakabahan ako. Tama nga sila. Hindi sya snob.

"Hi. Sorry I wasnt able to reply you the other day. Marami akong ginawa. You know, birthday sucks. By the way, thank you! :)" Kinilig ako. Kinikilig ako kay Maki! Grabe. I can feel the butterflies on my tummy going wilder and wilder. Hay nako Maki Reyes. Anong ginawa mo sakin.

Nang nag sink in na sa akin ang mga nangyayari, naglakas loob akong magreply. Wala naman mawawala kung itry ko ulit. Feeling ko ang fc ko na. Feeling close kay Maki pa talaga.

YOU'RE MY FEM [ONE SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon