IN THE RESTO...

18 1 0
                                    

BEV’s POV

“In fairness ang gwapo nung mga crew nila dito lalo na ung nagserve ng food natin, Oh My!” sabi ni Dils na halatang kinikilig dahil wala talaga akong masay may mga itsura nga ang mga crew nila dito hindi basta bastang naghire lang ata sila with pleasing personality nga ata.

Medyo matagal na rin ang lumipas at hindi pa dumadating tong si Acey, yung babae nga naman na yun lagging out of this world. Tsk.

“Ang tagal ni Acey baka nalunod na yun”, sabi ni Faye. Oh! Kitams kahit sila nahalata din nila na masyadong natatagalan ata tong si Acey at hindi pa dumarating.. Baka nga siguro nilamon na ng dagat ang babae na ‘yun.

“darating din ‘yun mamaya kaya hayaan na muna natin”, sabi naman ni Mha..

“Yeah, I agree. Kumain na lang tayo”, sabi ko naman sa kanila para ituon na lang namin sa pagkain ang isipan namin.

Habang kumakain kami itong si baklang Dils hindi talaga mapakali at panay ang sulyap sa crew na nagserve ng food namin. Dahil ako ang katabi niya siniko ko siya. “hoy wag mong papakin ng tingin ‘yung crew baka maubos. Mag iwan ka naman ng para sa amin”.

“Epal ka talaga! Minsan lang naman!”, sabay irap sa akin at patuloy kaming kumain sa di kalayuan parang natatanaw ko na si Acey na paparating. Finally, nagpakita din itong baklang to.

ACEY’s POV

“Acey”, Bev shouted while waving her hand.

Finally hindi ko na rin need na hanapin sila. Andami kasing tao rito sa resto and super pinupuntahan nga ng mga different bakasyonista. Hindi lang talaga ang beach ang maipagmamalaki nila pati itong resto na super sarap ng Filipino cuisine nila with Italian touch sa interior design. Pagkalapit ko sa kanila mukhang nagkwekwentuhan na naman sila about sa mga lalake around this resto. Sabagay pag lilingon ka naman kahit saang banda puro mga gwapo at magaganda talaga makikita mo. Pati kasi mga waiters and waitresses nila may mga itsura.

“wow, super sweet niyo naman pinagtabi niyo pa ako ng upuan”, sabi ko sa kanila habang paupo na sa vacant seat na nireserve nila sa akin.

“Duh? Be thankful at may super gaganda ka at super duper mababait na friendship ka kahit na KJ ka”, sabi ni Dils na super gnyan ever!

“Ano bang in-order niyo para sa akin medyo nagugutom na rin kasi ako.”, sabi ko na nangangalam na nga ang sikmura gawa ng walang kain sa byahe tapos kninang naglakad.

“tsk. Tagal mo! Tingnan mo halos pang last bite na lang ata tong food namin”, sabi ni baklang Delya habang nakahawak sa kubyertos at akmang susubo.

“Saan ka ba kasi nanggaling, ha at natagalan ka”, tanong naman ni Mha.

“Wala, nawili lang akong mag emote sa seaside”, sabi ko habang patingin-tingin sa kanila at hinahanap kung may nakapaskil na menu.

“Order ka na kaya!”, sabat naman ni Ash.

“Oo, nga naman para lumapit si fafa rito. Teka aketch na magtatawag baka malove at first sight siya sa akin”, pagkasabi niyan binatukan naman siya ni Jam na nsa left part niya habang si Bev ang sa right side niya. “ouchie, brutal ka msyado. I super hate you”, at hinampas niya naman sa braso si Jam.

“ako na tatawag I’m so hungry all ready”, at kinawayan ko yung crew na crush ata ni Dils. Di na ako nagsalita at mukhang nakita naman na ata nung crew ng resto.

“Yes, mam?”, tanong niya nang makalapit na, ‘Carlo’ pala ang name niya yun kasi ang nakalagay sa tag niya. Mga nasa 5’5 ata ang height niya medyo maliit para sa isang male height pero ang catchy sa kanya ang chinito eyes niya.

Virtual WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon