The Barkada Trip

27 1 0
                                    

The Barkada Trip

Natapos na ang magbabarkada na maglagay ng gamit nila sa hired van at ngayon papaalis na sila. Halatang excited ang mga ito dahil di pa sila nakapagpapaalam sa momi ni Pey sumakay na agad sila sa van. Si Mha ang nsa tabi ng driver’s seat dahil sa pinsan niya ang van na nirentahan nila. Si Bev at Pey naman ang nsa likuran ng driver at ni Mha samantalang si Che at Ash ang nsa 2nd to the last seat samantalang si Ace at Dils ang nsa pinakalikuran. Isinara na ni Pey ang pinto ng van pagkatapos binuksan ang bintana ng para makita ang momi niya. Pinaandar na ng driver ang van at nakalabas na nga sila ng gate. May kanya-kanya silang business at di nagpapansinan dahil busy sa mga pinaggagawa nila. Si Mha, Bev at Pey hawak ang mga CP at nagtetxt samantalang si Dils lumipat muna sa part ni Ash at Che at naghaharutan at si Ace na hindi talaga mapipigilan ang kaadikan kahit saang magpunta’y nilabas ang laptop. Nagpapasalamat siya dahil nga nauso na ang broadband na kahit saan magpunta makakaaccess pa rin ng internet pero syempre depende sa lugar at parte ng lugar iyon, nakabase din kasi sa signal ng madaraanan nila. May ibang lugar din kasing di makasagap ng signal, may signal man minsan pero mabagal minsan pa nga wala ng access sa internet.

“Dun ka nga sa likod Delia banana”, ani ni Che na ang tinutukoy si Dils dahil nga nakikipagharutan siya sa kanila ni Ash.

“Wag ka ngang rude, teh! Pikon ka na naman at inaasar ka ni Beki.”, sabay tawang sabi ni Ash habang nagbabasa ng mga messages sa cellphone niya.

“Alam mo, girla. Si Jethzeliang(Che) kaya nagkakaganyan kasi ayaw niya malaman ung dark secret niya.”, ani ni Dils kay Ash na halatang may balak ibuking ang tinatagong secret ni zezelyang.

“Ano ba manahimik ka diyan, teh. Matutulog na nga lang muna ako at malayo pa biyahe natin” – sabi ni Che na halatang inaantok na at naghihikab na rin.

Tumahimik ang loob ng van, ang iba’y abala sa pagtetext at pagsulyap sa kanilang cellphone habang ang iba sa kanila’y natutulog muna. Itong si Ace na nabwibwisit at unstable ang broadband nya dahil may ibang part ng nadadaanan nilang lugar na walang signal kaya’t natulog na muna siya.

Author's Note:

Sorry guys, kung bitin ito kanina :)

Kakaupdate ko lang po sa next slide, may missing piece pala....

Dont forget: Pacomment at vote :)

Thanks...

Virtual WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon