Chapter 16 Part 3

20K 466 39
                                    

Note:Para po sa bagong story na ipo-post dito sa wattpad,every tuesday po ang update noon.Abangan din po sana ninyo.Salamat.

P.S Available pa rin ang Cold Eyes Saga 2:One Heart,Two Hearts in all Precious Pages Stores.

DAHAN-DAHANG iminulat ni Janice ang mga mata nang maramdaman ang sunod-sunod na paghalik sa kanyang mga labi.Agad na nabungaran ng kanyang mga mata si Martin na nasa ibabaw at kasalukuyang nagpupush-ups. Tuwing bababa ito ay dinadampian ng halik ang kanyang mga labi.

Kunwari ay naiinis siyang napaungol. “Bakit dito ka pa nagwo-work out?” tanong niya, nakalabi. “Gusto ko pang matulog.”

Tumawa si Martin at ibinagsak ang katawan sa kanya. “Ginigising lang kita dahil marami pa tayong gagawin.”

Inirapan niya ito. “Ano'ng oras na ba? Siguradong hinahanap na tayo nina Stefie.”

Umungol si Martin, isinubsob ang mukha sa leeg niya. “Mamaya na tayo lumabas.”

Napatawa na lang si Janice. Wala na rin namang nagawa nang simulang pag-initin ni Martin ang kanyang katawan. Magtatanghali na nang magawa niyang makaalis sa ibabaw ng kama. Subalit kahit sa loob ng shower ay hindi pa rin siya pinagpahinga ng nobyo.

Nakatayo siya at nakatuon lamang ang mga kamay sa dingding ng shower area habang walang tigil sa pag-ulos si Martin na nasa likod niya. Patuloy lamang din sa pag-ulan ng tubig ang shower sa kanilang mga katawan.

She liked it so much every time he took her from behind. Their moans and groans were the only sound that could be heard inside the bathroom. Hanggang sa sabay na naman nilang maabot ang kasukdulan. Mahigpit siyang niyakap ni Martin sa baywang mula sa likod. Pareho silang naghahabol ng hininga.

Matapos mag-ayos ng mga sarili ay nauna na siyang lumabas ng hotel room kahit medyo nahihirapan na naman sa paglalakad. Kasunod niya si Martin. Subalit napatigil sa paghakbang si Janice nang makita si Stefie na nasa labas na rin, marahil ay hinihintay ang asawang si Bernard.

Kitang-kita niya ang pagkagulat na bumahid sa mukha ng kaibigan nang makita sila, lalo na nang mapatingin ito kay Martin na ibinubutones pa ang suot na white polo. “A-anong— B-bakit—” Hindi makapaniwalang ibinalik ni Stefie ang tingin sa kanya.

Pakiramdam ni Janice ay biglang nagyelo ang kanyang mga paa sa kinatatayuan. Nakatitig lamang siya sa kaibigan. Hindi alam ang gagawin. Hindi alam ang sasabihin.

Napasinghap si Stefie nang mapadako ang tingin sa labi at leeg niya. Alam ni Janice na kakikitaan pa rin ng bite marks at red spots ang kanyang leeg, may sugat din sa ibabang parte ng labi.

Napuno na ng galit ang mukha ng kaibigan. “H-how dare you?” naiiyak na wika ni Stefie. Nang mga sandaling iyon ay nakalabas na ng silid nito si Bernard at nakalapit sa asawa. “That’s my brother, Janice. I hate you!” Pagkasabi niyon ay nagtatakbo na palayo ang babae.

“Stefie,” tawag ni Bernard bago sinundan ang asawa.

Akmang susunod din si Janice pero napigilan na siya ni Martin. Napatingin siya sa nobyo, may mga luha na sa kanyang mukha.

“Hayaan muna natin siya, nagulat lang ‘yon.” Hinaplos ni Martin ang pisngi niya. “Maiintindihan din niya.”

Lumapit si Janice sa nobyo at niyakap ito ng mahigpit. Parang may tinik pa rin sa kanyang puso dahil sa nakitang emosyon ng matalik na kaibigang si Stefie kanina. Hindi niya nais isipin nito na ginusto niyang maglihim.

[Completed] Her Master (Published Under LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon