Eto ako ngayon naglalakad sa kawalan, oo nilakad ko ang SM hanggang samin ipagluluksa ko ang pagkuha sa first kiss ko, di ko parin matanggap kapag naaalala ko yun naiiyak nalang ako Huhuhuhuhu :'( Ipinapangako ko hahanapin ko yung manyak na unggoy nayon sisiguraduhin kong pagbabayaran nya ang paglapastangan sakin. Pumasok na ko sa loob ng apartment at humiga sa sopa.
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH", sigaw ko habang ginugulo ang buhok ko jusko nababaliw na ko.
"Hoy Rein anung drama mo ngayon?", kaibigan ko po yung nagtanong, tumayo ako mula sa pagkakahiga ko. At inakap ko si Corine
"Huhuhuhuhuhuhuhu Corine, nilapastangan nya ko",para akong batang nagsusumbong kay corine
"Ha? Anu? bakit? Ni-rape ka ba nila?", napa-alis ako sa pagkakayakap sa kanya at
Boink*
"Arayyyyyyyyy para saan yung batok ha?", angil ni Corine habang hinihimas pa yung binatukan ko sa kanya, umupo ako sa sopa
"Utak mo kasi masyadong marumi Rape agad-agad?",
"ano ba ang gusto mong isipin ko, sabi mo nilapastangan ka ha? malamang rape agad sasagi sa utak ko", inirapan pa ko ng loka
"My first kiss, kuinuha nalang sya ng isang stranger, di naman kami close kanina ko lang sya nakilala tapos hahlikan nya ko agad, Baliw na yun diba?", naka kunot noo ako habang nagsusumbong sa kanya
humingang malalim si Corine
"Gwapo ba?", tumango nalang ako
"mayaman ba?", medyo napa-isip ako dun
"siguro?" di naman ako kasi kung mayaman yun
"Ayun naman pala dapat nagpa-rape kana, mayaman, gwapo wala kanang hahanapin pa d--
Boink*
Aray Rein ah' nakakadalawa kana sobra na!!", panong di ko sya mababatukan para syang di kaibigan sa mga pinagsasabi nya
"ewan ko sayo, di ko maintindihan kung kaibigan ba talaga kita jan kana, matutulog na ko", lumakad na ko palayo kay Corine baka pag di ako nakapagpigil mapatay ko pa yun
"Hoy Rein san galing Hoodie mo?", inoobserbahan nya ng mabuti yung suot kong hoodie hinarang ko naman yung kanan kong kamay
"Sandali lang", hinubad ko yung Hoodie at inihagis ko sa pagmumuka nya
"ummmmmmmm ang bango naman, Best sino nagbigay nito ha?", nag puppy eyes pa, tinaasan ko naman sya ng kilay
"Yung lumapastangan sakin, sige tulog na ko, baka mapatay pa kita", pumasok na ko sa room ko,pipikit palang sana ko nang makahiga ako sa kama ko
"Waaaahhhhhhhhhhhhh" kaya napalabas ako ng room ko bigla bigla nalang kasi sisigaw yung isa na yon
-______________________________-
ganyan lang naman reaksyon ko nung makita ko Corine Bakit? akap akap nya yung hoodie at gumugulong pa sya sa carpet sa sala namin.
"hoy Corine anung trip mo ha?", nakapamewang pa ko tumayo sya at inakap ako ng sobrang higpit yung tipong papatayin na ko.
"Corine ano ba di ako makahinga bitawan mo na ko", bumitaw naman sya at may matatamis na ngiti
"Best sabihin mo si papa David pa nagbigay sayo nito ha?", niyugyog pa nya ko
"Di ko alam kung sino, ok? at sino bang David yun Tatay mo?", inis na inis kong sabi
"Si David ang isa sa mga prinsipe, kasama sila My BebeLoves Juls at ang ideal boyfriend na si Niel at itong Hoodie na to kay David to, bakla!", napa facepalm nalang ako bakla nalang pinagpapantasyahan pa nya!
"Sino ba yang mga sinasabi mo ha? mga Loveteam ba yan ha? Love Triangle ha?", sarcastic kong sabi
-___________________________________________- reaksyon ni Corine
"Seryoso Rein di mo sila kilala ha? at anung loveteam ha? di sila bakla,ok??", halatang iritable na sya ang gulo naman nya sabi nya BAKLA tapos di daw bakla hayshhh
"Sabi mo bakla at sa tingin mo ba magtatanong ako kung kilala ko yang tatlo na yan?", nakakainis naman to dapat matutulog na ko eh
"ok sila lang naman ang pinapangarap ng bawat babae sa mundo, sobrang gwapo Best!! nakakahumaling silang lahat", nakatingin pa sya sa kisame habang sinasabi nya yan para syang may background na puro puso maging ang mata nya isipin nyo na may puso din
"OK tama na pagpapantasya mo, I'M NOT INTERESTED!! ok? sige tulog na ko, ikaw rin baka bangugutin ka nyan ng gising goodnight!!", pumasok na ko sa kwarto ko ang adik ng bestfriend ko, Actually matagal na nyang kinukwento sakin yang mga pinagpapantasyahan nya na yan kaso tulad nga ng sabi ko I'M NOT INTERESTED! mga playboy lang yan eh nanakit ng puso ng babae at ito namang mga babae nagpapakabulag sa ka-gwapuhan ng mga playboys. Kaya for me LOVE DIDN'T EXIST sakit lang sa ulo yan
KINABUKASAN
andito na kami sa Room ni Corine, wala ako sa mood mag-aral ang boring napaka Basic ng mga tinuturo ng mga teacher dito,
"Oy miss tulala, asan ba ang diwa mo ngayon ha? ayan na si prof ", kailangan talagang may hampas pa sa braso ko?
"kanina pa ba si prof ha?", walang buhay kong tanung
"oo kanina pa kaya mag-focus ka para di kana mapalabas uli ok?", inirapan pa ko ng bruha, kundi ko lang kaibigan tong isang to at yun nagsimula nang magmisa ang teacher namin, lecture lang ng lecture tapos ang basic pa ng mga quiz, feeling ko tuloy gusto ko silang palitan dun sa harap at ako ang magtuturo sa mga kaklase ko, yung iba kasi kunwari pang nakikinig pero ang utak nasa Mars.. Tsk. Tsk.
@canteen
"oy kanina kapa tulala ah' masyado mo sigurong iniisip yung first kiss mo hanu?", ngumiti pa ng nakakaloko tong si corine di ko na nga naaalala pina-alala pa nya tadyakan ko to eh
"Nothing just eat Corine", walang buhay kong sabi
"you know what best ang saya saya ko talaga why? kasi ang dreamboy kong si bebeloves juls dito na nag-aaral nagpatransfer sya para sakin haha ang ganda ko talaga hanu?", o sige bestfriend ko na assuming -___- oo nalang Lorein maki sang-ayon kanalang sa batang kaharap mo ngayon
"Oh my Gad Rein is this true o i'm dreaming pwede pasapok ako?", sinapok ko naman sya gaya ng utos nya
"Hala totoo ng a hahahahaha", tuluyan na pong nabaliw ang bestfriend ko matapos ko syang sapukin nagtatalon sya sa tuwa ano problema nun? pang mental na ata yang si Corine
"uyyy anong nangyari sayo?"lumapit sya sakin at inakbayan ako
"nakikita mo ba yung dulong table na yun?sila yun yung nasa dulo si Juls ang bebeloves ko yung katabi nya si Niel at yung katabi ni Niel si David yun", tiningnan ko naman yung mga sinabi nyang tao na nakaupo sa dulo ng canteen pero teka
O_________________________O
yung isa na katabi daw ng Niel ay yung lalaking nagnakaw ng First Kiss ko
-------------------------
pls.. vote po kayo :):):) ako lang nag-eenjoy sa story ko hahahaha
si david po yung nasa picture :)))
BINABASA MO ANG
SECRETLY INLOVE
RomanceKahit na mala kapatid nya yung tao sa ibaba dahil sa sama ng ugali nya nagmamahal din sya kaso sa dinami dami ng mamahalin yung mas malala pa sa kanya masungit suplado minsan napaka mysterious parang madami syang secret sa buhay napaka-bipolar ang k...