nandito kami ngayon ni Corine sa room wala pa kasing teacher kaya ang ingay ingay ng mga kaklase ko parang mga elementary na nagkakagulo nagbabatuhan ng papel nagdadaldalan basta kanya kanya silang mundo tapos itong si Corine naman ang blomming kasi daw araw-araw na daw nya makikita si Juls hayyyy ewan ko dito ginising pa ko ng sobrang aga kanina mga 5am palang ata ginising na ko hindi obvious na excited syang pumasok hanu sobrang halata lang
"uy best mamayang time ni Ms. Funzal san gora mo ha?",hayyy oo nga pala problema ko pa si Teacher menopause
"kahit saan nalang ako mapunta",bahala na si batman sa 2 hours na paglalakbay ko mamaya
"hoy bumalik ka mamayang lunch ah sabay tayo mag-lulunch babawi ako kasi di na kita nakakasabay umuwi",ang drama naman nitong si corine nagnod nalang ako at dumating narin yung teacher. Lumipas ang oras lumabas na rin ako si Ms. menopause na kasi ang susunod baka maabutan ko pa yun eh mabv lang ako sa kanya. Pero san ako pupunta nito yumuko ako habang naglalakad san naman ako magpapalipas ng 2 oras ha? sa canteen baka maubos ko ang mga tinda dun tapos tumaba pa ko
BLAGGGGGGGGGGGG
"aray ko naman",napahawak ako sa ulo ko para kong nakabunggo ng pader ah naalog ata utak ko tapos kumaldag pa yung pwet ko ang sakit tuloy
"Sorry miss nagmamadali kasi ko sorry talaga ha",inalalayan naman ako ng nakabunggo sakin pero agad ko ding binawi braso ko sa kanya
"bitawan mo nga ko",tapos nilingon ko yung nakabungguan ko Sh*t napaka gwapo nya grabe para syang anghel na bumaba sa lupa para baguhin ako ang gawpo gwapo nya
"I'm really sorry sorry talaga",tapos yumuyuko pa sya habang nag-sosorry
"Stop that Its ok",mahinahon kong sabi dapat magpaka pilipina ko crush ko sya eh oo na crush at first sight ako eh
"sorry talaga",napahawak sya sa batok nya aw ang cute nya pag nahihiya ang cute cute nya grabe crush ko na talaga sya wag lang sya ngingiti baka mahalin ko sya nyan
"It's ok el",oh nagtaka kayo kung bakit ko sya tinawag na el kasi po nakita ko Id nya mabilis kasi mata ko
"El?",pagtataka nya
"Yup! i saw your Id Niel Justine Castro?", tinuro ko naman yung id nya
"ahh just niel", ohhh sya pala si Niel yung artistang transfer dito
"Just el nalang", cute yon bagay sa kanya kasing cute nya
"ok amm by the way bakit nasa labas ka class hour ngayon ah", para ipakita ka ng destiny sakin hahaha ang corny ko
"eh bakit ikaw din nasa labas?", baka para hanapin ang kinabukasan nya at ako yun
"may pupuntahan lang, eh ikaw?", kailangan ngingiti pa baka mahalin ko na sya talaga nyan
"ah suspended ako eh", diba poud ako kasi ako yan ako si Lorein at hindi ako mahihiya
"astig daig mo pa ko hahah", ngiting ngiting sabi nya
"by the way I'm Rein", pag-iiba ko ng topic kinuha nya yung Id ko
"Kristina Lorein Villanueva so ikaw pala si Ms. Villanueva nag maldita ng campus?", napataas ang kilay ko dun pero di ako naiinis dahil bukod sa crush ko sya totoo naman yun actually di lang campus eh University pa
"Yeah I know kaya wala nang bago kung ma suspend ako or ma DC", ngumiti ako ng bahagaya
"Ow sige una na ko Kristina Nice meeting you see you around!", at tinap nya pa yung balikat ko teka? Kistina? parang ang tanda pero ok lang crush ko naman sya eh. Naglakad lakad ako ng nakayuko ng makarating ako sa lumang gate sa likod ng school amazing my feet nadala nya ko dito ah. Lumusot naman ako salumang gate at nakita ko ang malawak na lupain maraming damong matataas pero agaw pansin ang punong mataas na matanda na nakatingin lang ako sa puno at patuloy na anglakad palapit roon
"ano tinitingin tingin mo jan ha?", napahawak ako sa dibdib ko sa gulat napatingin ako sa baba nakita ko ang taong ayaw kong makita nakahiga sa damuhan
"ikaw ano ginagawa mo dito?", bakit ba lagi ko nalang to nakikita?
"ano sa tingin mo diba nakahiga hindi ba obvious ha?", nice napaka gandang sagot awesome nakakaasar talaga oo, bigla naman nya kong hnila kaya napa-upo ako sa damuhan
"ano ba!",angal ko di naman kasi kailangang hilahin ako pwede namang sabihin nalang na umupo ako
"ikaw ba't andito ka?",tiningnan ko sya pero nakapikit lang sya
"suspended ako", napadilat sya at tumingin sakin kaya iniwas ko ang tingin ko
"ahhhh", yun nalang sinabi nya at pinikit uli yung mga mata nya, "paki gising nalang ako pag lunch na ah", wow muka ba kong alarmclock?
"ano ko alarm clock mo ha?", feeling close talaga sya
"sige ka isisigaw ko na--", bago pa nya ituloy ang sasabihin nya pinutol ko na
"OO na OO na!!", asar kong sabi nakita kong napangiti sya kaya napangiti rin ako ng bahagya humiga narin ako sa damuhan unti-unti akong nakaramdam ng antok masarap kasi ang hangin dito wag nyo nang tanungin lasa basat masarap yun na yon, pakiramdam ko tuloy makaktulog ako.
---
Nakaramdam ako nang may sumundot sa pisngi ko di ko nalang pinansin yon nakapikit pa rin ako lumingon ako sa kanan at parang may nabunggo yung ilong ko tapos may minit na hangin akong naramdaman sa muka ko napadilat ako at nakita ko ang malapit na muka ni ken seryoso itong nakatingin sakin napaka amo ng muka nito parang anghel
"wag mo ko masyadong titigan baka matunaw ako", naitulak ko naman sya agad at tumato
"Asa ka", at tinatanggal ko yung damo sa palda ko
"ang daya mo sabi ko gisingin mo ko pero ako pa gumising sayo daya talaga dami mo nang atraso sakin ah", at nagpout sya na ikinagulat ko umiwas naman ako ng tingin sa kanya
"eh sa nakatulog ako", tiningnan ko naman yung phone ko 5 minutes nalang lunch na nagtext na rin si Corine dumiretso na raw ako sa canteen
"hoy ikaw", napatingin ako sa kanya nakaupo parin sya sa damuhan, "alam mo na tempt akong halikan ka pero wag kang mag-alala I didn't kiss you I just stare of it", at tumawa pa sya ng ubod ng lakas di nakakatawa ah nakakainis sya tumalikod na lang ako sa kanya balak nya pang mag second kiss ko ang kapal naman ng muka nya grabe! hiyang hiya ako sa kanya ah'
"sandali lang", di ko na sya pinansin naasiwa ako sa pagmumuka nya grabe pero hinawakan nya ko sa braso na dahilan para harapin sya
"Oh ano nanaman?", nagulat ako ng hinawakan nya yung buhok ko, tinatanggal nya yung damo sa buhok ko na ikinahiya ko napayuko ako dahil naiilang ako sa tingin nya sakin para kasing may sinasabi sya, muli kong tiningnan ang muka na eye to eye kami ngayon napatingin ako sa mapupula at malalambot na labi nya feeling ko nakadikit parin ito sakin kapag tinitingnan ko napakagat ako sa ibaba kong labi, "Oh sh*T', tumalikod sya sakin umupo naman sya na parang natatae at nagsimulang guluhin ang buhok nya, umupo ako ng kapantay nya
"B-bakit?", grabe ano ba problema nito? humarap sya sakin
"Gusto mo bang halikan kita uli?", naitulak ko sya ng sobrang lakas dahilan para matuwad sya, sige nga di kaba magugulat sa sinabi nya manyak talaga!!
"Baliw k-kaba talaga?", nanginginig na ko sa ka manyakan ng lalaking to grabe
Alam mo ba kung gano kahirap magpigil na halikan ka? kanina pa ko nagpipigil alam mo ba yun? tapos mag-lilipbite kapa? nananadya ka lang?", tumayo sya pagkatapos ng mahaba nyang sinabi, ako pa talaga ang sinisi nya so? kasalanan ko to ha?
"jan kana manyak ka!", iniwan ko na sya dun bwiset nakakahiya na nakakaasar bakit ba kasi nag lipbite pa ko ha? nakaka inis naman, nakakahiya tuloy
________________________________
Si Niel po yung nasa picture ----------------------->>> <3
BINABASA MO ANG
SECRETLY INLOVE
RomanceKahit na mala kapatid nya yung tao sa ibaba dahil sa sama ng ugali nya nagmamahal din sya kaso sa dinami dami ng mamahalin yung mas malala pa sa kanya masungit suplado minsan napaka mysterious parang madami syang secret sa buhay napaka-bipolar ang k...