Untitled Part 2

980 31 1
                                        


"Beh gising na kain na daw tayo ng hapunan." nagising ako sa mahihinang tapik sa mukha ko. Pagmulat ng mata ko si Bea pala yong ng gising sa akin. Nakauwi na pala sila ang tagal ko naman atang nkatulog umaga na pala.

"Hindi ka halatang pagod beh ang tagal mong natulog." tss anong oras kaya to nakauwi kagabi.

"Tumahimik ka dyan beh baba na tayo gutom na gutom na ako." sabay hila sa kamay nya di naman sya umangal kaya lumabas na kami sa kwarto na nakahawak parin ang kamay sa isa'tt isa pero nagulat ako nong nilagay nya ang kamay nya sa bewang ko at hinila ako papalapit sa kanya. Ang clingy talaga nito nasanay narin naman ako na ganito sya. Sa lahat naman kasi ata ng mga ka teammates namin clingy sya, ako lang talaga tong nabibigay malisya.

"Ayan na pala ang friendship goals ehh so tara na kain na tayo gutom na ako" sino paba edi si ate ella na naman.

Magkatabi kami ni Bea nasa kanan ko si ate ella at nasa kaliwa naman si Maddei at ang maganda pa don pinaglagyan ni Bea ng pagkain tss edi sila yong sweet.

"Neng kumakatingin kala mo papatayin mo na ahh" bulong sakin n ate ella at tumawa pa. Inirapan ko alng sya at kumain na. Bibilisan ko nalang kumain para d ko na makita yong kaharutan ng dalawang to.

Nauna na ako sa mga ka teammates ko na pumunta sa BEG may training kasi kami dahil malapit na ang UAAP 78. Hindi ko na hinintay si Bea dahil alam ko ang isasabay non si Maddie at baka pasabayin pa ako sa kanila, wag na no. Para iwas sa heartache mga friend.

May narinig akong mga ingay sa labas alam kung sila na yon pero wala naman akong ginawa nandito parin ako naglalaro ng games sa cellphone ko.

"Bebe Jho bat ka nauna ka samin? Bat di ka nalang sumabay sa amin?" tanong ni ate ly. Anong isasagot mo Jho? Na nauna ka dahil ayaw mong magselos ka kapag nakikita sila Bea at Maddie na sweet sa isa't isa ?

"Hindi ate ly nakipagkita pa kasi ako sa kaklase ko dahil may project kami na kailangang gawin." Haha bilib na ako sa sarili ko. Magaling na nga mag tago ng feelings magaling pang magsinungaling.

"Aysus maniwala ka dyan besh baka ng harot lang yan." ay nako iito talagang si ate ells alam ko naman kung bakit sya ganyan, dahil hindi ko pa napapalitan ang pizza na kinuha ko sa kanya.

"Tumahimik ka nga dyan nay ou na mamaya pagkatapos ng training bibili ako ng pizza." Ngumiti naman ng napakalaki ang loka haha. Basta pagkain talagatsk2

"Haha ou nga besh joke lang yon mabait yang anak ko. Basta sabi mo mamaya Jho ahh." Ou diba kitams kanina sinisiraan ako, ngayun mabait na daw ako haha. Napapailing nalang na nakasmile si ate ly sa besh nyang si Nanay Ells.

So nagsimula na yong pahiram sa amin drills dito, spike doon at dig naman dito. Haaaay buti nalang at natapos na. Kung tinatanong nyo kung sinong ka partner ko ang sagot ko do wala. Dahil ang partner ko sana ayon nandon sa kaharutan nyang si Maddie nakalimutan nya atang ako ang kapartner nya. Wala naman akong magagawa baka sabihin nya sakin na wala akong karapatan na ipagdamot sya.

"Beh" nakabalik ako sa realidad ng may humawak sa balikat ko. Si Bea pala.

"Ano yon ?"

"Ang sabi ko po sorry dahil hindi kita nakapartner kanina nanghingi kasi ng favor si Maddie dahil wala daw si ate Mae" paliwanag nya, tss ewan ko sayo beatriz nagtatampo ako sayo.

"Ok" tipis na sagot ko at kuha ng bag ko para makaligo na.

"Beh sorry na kasi wag kana po magalit sa akin babawi nalang ako sayo." sabi nya sabay pout, nako Beatriz hindi mo ako madadala sa pag ppout mo dyan.

"Sure ka ? Sabi mo babawi ka ha, aasahan ko yan beh." ay ano yon Jho kala ko ba di ka madadala sa pout nya. Ekasi naman bat ang cute nya pag ginagawa nya yon kaya yan tuloy nawala bigla yong tampo ko.

So it's youWhere stories live. Discover now