Chapter 4: Feelings Swing

329 2 0
                                    

Laking gulat na lamang ni Ethan nang makitang nakabulagta si Jasper sa baba ng kaniyang kama.  Si Jasper,  lasing na lasing, at umiiyak.

 Humahangos ito.

 “Pare, ang sakit. Karen and I broke up……”

***************************************************************

“Kape tsong.” abot niya sa nagmumukmok na si Jasper. Makikitang haggard na haggard ang pagmumukha ng huli, mabuti na lamang ay hindi nagdalawang-isip si Ethan na punasan ito sabay palit na rin sa sinukahan nitong polo shirt. Sa kwarto na niya ito nakatulog nang hindi nito nakayanan ang kalasingan noong nakaraang gabi.

Hindi ito nagsasalita. Maga pa rin ang mga mata nito habang nakatutok lang sa kawalan. Tila wala ito sa sarili.

Katahimikan.

“Saan ba ako nagkulang?”

“Ha?” tanong ni Ethan sa kaharap kahit alam niya kung ano ang pinapatungkulan nito.

“Ano bang kulang sa akin pre?” segundang tanong ni Jasper sa kanya. “Meron ba akong ginawang mali this time?”

Minabuti ni Ethan na huwag na lang sagutin ang tanong nito.

Unang-una, mas maigingmakinigna lamang siya. Malaki na si Jasper, at mas akma para sa sitwasyon nito ang taong tagapakinig kaysa sa taong tagabigay ng opinyon. Hindi niya alam ang buong kwento at hindi niya ugali ang magbigay ng mga kurokuro sa mga pangyayaring hindi siya sigurado. Ang ayaw niya sa lahat ang magbigay ng nonsense na sagot.

Pangalawa, hindi niya alam kung saan ilulugar ang sarili- mahal niya si Jasper ngunitsobrang mahal naman nito si Karen;nagkahiwalay ang dalawa ngunit ayaw naman niyang samantalahin ang pagkakataon. Komplikado. Delikado.

Kitang-kita ni Ethan ang paghihirap ng kaibigan. Alam niyang sobra-sobra ang  nararamdaman nitong sakit. Ang hindi niya maintidihan ay kung ano ang dahilan ng biglaang break-up ng mga ito. Maayos namang nakapagpaalam sina Jasper at Karen sa isa’t-isa mahigit dalawang buwan na ang nakakaraan. Hindi rin nakakaligtaan ng mga ito na tumawag at kumustahin ang lagay ng isa’t-isa.

“And balak ko pa sana ay mag-propose na ng kasal next year. Then all of a sudden…”hindi na nito natapos ang sasabihin ng hindi nito napigilan ang humikbi.

Katahimikan ulit maliban sa mga impit na iyak ni Jasper na halos nagpabingi kay Ethan. Hindi niya  kayang nakikita itong nasasaktan.

“Kape, pare.” muli niyang alok dito. Alam niyang hindi pa ito kumakain sapagkat wala itong naisukang pagkain kagabi maliban sa pagkarami-raming laway at alak.

Bigla itong tumayo at lumabas ng kuwarto. Sinundan naman ito ni Ethan.

“Alam kong hindi ka pa kumakain. Tara, sabayan mo na akong mag-breakfast. May fried rice at bacon strips akong niluto kanina.”aya ni Ethan.

“I’m sorry na nagambala kita kagabi pare. And thank you. But I need to be alone.” malamig na saad ni Jasper sabay pasok sa kwarto nito. Wala nang nagawa si Ethan kundi ang bumuntung-hininga.

----

Hindi na pumasok pa si Ethan sa  kanyang klase sa araw na iyon. Masuwerte naman kasing nag-broadcast text ang kanilang professor na ililipat na lang sa susunod na linggo ang kanilang lab exercises, at sa halip ay nagpabigay na lang ito ng readings. Mas mainam iyon dahil mababantayan niya nang mabuti  ang lagay ni Jasper.

Hindi pa rin ito lumalabas ng kwarto simula ang mahimasmasan kaninang umaga. Ni hindi nga ito kumain ng tanghalian nang muli niya itong ayain.

Pinipigilan ni Ethan ang sarili na tawagan si Karen para tanungin ito kung ano ba ang totoong nangyari. Gustuhin man niyang tulungan ang mga ito sa kanilang problema ay batid niyang hindi na marahil kailangan ng mga ito ang kanyang payo sapagkat siya mismo ay walang karanasan sa larangan ng pag-ibig. Alam rin niyang hindi maganda para sa isang lalaki ang mag-usisa ng buhay ng may buhay. Mas pinili niyang si Jasper na mismo ang kusang magbukas ng kwento.

Hopeful Heart (Bromance)Where stories live. Discover now