Chapter 5: Hanging by a Moment

460 13 4
                                    

“O ayan na pala si Mr. Genuis. Insan, meet Ethan, my bestfriend.” excited na pagpapakilala ni Tristan sa kanya sa babae. May nalalaman pa itong paakbay-akbay sa kanya kaya naman naamoy niya ang mabangong perfume nito habang nakadikit ang braso nito sa  kanyang balikat.

“Hi, I’m Jorge. Nice meeting you Ethan.”saad nitong nakangiti habang malagkit itong tinititigan ni Jasper.

*********************************************

“Pon, seksi ano?” pakindat-kindat na tanong ni Jasper kay Ethan.

Hindi pa rin nawawala ang mga ngiti sa mukha ni Jasper. Halatang kinikilig pa rin ito sa pagsama ni Jorge sa kanya kanina.

“Huh?” pagmamaang-maangan ni Ethan sa tanong ng kausap.

“Ang slow lang dude! Tinatanong kita kung seksi ba si Jorge.” pangungulit ni Jasper.

“Ayos lang.” walang kainte-interes na balik ni Ethan. Nawalan na siya ng gana na ubusin ang kaharap na pagkain nang hindi siya sabayan ng kaibigan na kumain ng hapunan. Anito, kumain na daw sila sa labas ni Jorge.

 “Weh? Mukha mo! Anong okey lang? Sabihin mo baka interesado ka rin dun. Naku tsong, di ako papayag n’yan. Magkakamatayan muna.”

Umiling na lang si Ethan sa biro ng barkada. Masama pa rin ang loob nya sa kausap.

“Aalis na ako. Maaga ang shift ko ngayon.” pagsisinungaling ni Ethan kay Jasper. Ayaw na niya itong kausap dahil “Jorge” na lamang ang lumalabas sa bibig ng huli simula ng dumating siya mula sa eskwela.

Nagdadamdam siya. Ni hindi nga siya nito natanong kung kumain na siya.

Dali-daling umalis si Ethan sa apartment. Balak niyang doon na lang matulog sa sleeping quarters ng kanyang pinagtatrabahuan. Pakiramdam niya ay  makakatulong iyon upang maibsan ang kanyang pagseselos sa pinsan ni Tristan.

Kung tutuusin ay mabait naman si Jorge. May sense kausap. Halatang matalino at may breeding. Napakaganda. Sophisticated. At higit sa lahat, pang-Georgina Wilson ang aura. Kaya nga naman naging Jorge na ang naging palayaw nito.

Nagkataong magkatrabaho pala si Jorge at Jasper sa pinapasukang company. Si Jorge ang tumatayong immediate team leader ni Jasper. Nagkakilala sila noong orientation ngunit nitong nakaraang linggo lang nalaman ni Jasper na pinsan pala ng dalaga si Tristan. Simula noon ay mas naging malapit agad sila sa isa’t-isa lalo na at may common denominator ang dalawa.

Ramdam ni Ethan na nabibighani si Jasper sa karisma ng babae. Halatang-halata sa mga kilos at mga titig nito. Sino ba naman ang hindi? Maputi at makinis na kutis, mahabang buhok na binagayan ng burgundy na kulay, at ang makurba na pangangatawan nito.  Ang curves, men! Kaya naman parang hindi nag-e-exist si Ethan sa mundo ni Jasper sa  tuwing nagsasalita si Jorge.

****

“Bestfriend, walang pasok sa trabaho? usisa ni Tristan sa balisang si Ethan.

Hindi napansin ng huli na nakapasok na pala ang binata sa kanilang unit nang hindi niya namamalayan. Simula noong naging magkakilala sila ay labas-masok na ito sa kaniyang nirerentahang apartment. Minsan nga ay nakikiburaot pa ito sa kanyang pagkain.

“Bestfriend mo mukha mo! Corny nito!”

“Eh ano tawag mo dun sa tawagan niyo ni Jasper ah?”

“Tado!”

“Di ba may point ako? Hahaha. So wala ka ngang pasok?” muling tanong ni Tristan.

“Actually meron. Pero ah- ano kasi, si Jasper, di pa nauwi. Eh aalis na ako papuntang trabaho. Baka magalit ‘yun kapag nalaman nung di ko na naman siya inantay bago umalis.”pagpapaliwanag ni Ethan sa kausap. Hindi siya mapakali dahil hindi pa nakakauwi si Jasper galing trabaho.

Hopeful Heart (Bromance)Where stories live. Discover now