chapter 7

14 2 0
                                    

3rd person POV

Habang naglalakad si Joanna papuntang room nakaramdam siya ng konting kaba

Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan

"Sana Mali ang hinala ko " bulong ng isip niya

"Uyyy" nagulat ang dalaga ng tawagin siya ni nick

Gusto man tumumawa ng binata pero pinigilan niya dahil sa itsura ng dalaga

"Bakit ba kasi" naiinis na sabi ng dalaga

"Favor naman ohh" sabi ng binata

"Ge ano bayon" cold tone ng dalaga

"Pede ihiram mo ako ng libro sa science" nagulat ang dalaga sa sinabi ng binata

"Kailan ka pa nagkahilig sa science" medyo na papaisip ang dalaga

"Pretty please" nagmamakaawa ng binata

Tumawa ng bahagya ang dalaga

"Kanino ako hihiram ng libro" sabi ng dalaga

"Kay Aileen" kinabahan ang dalaga ng narinig niya ang Aileen

Tumango abg dalaga at tumakbo papunta sa bahay nila Aileen

Joanna POV

"Aileen" sigaw ko bat parang walang tao

Nakakapagtaka naman kasi pag dipapasok si Aileen nag rereview siya

Ahh Oo tama sa back door na lang ako dadaan sabi niya laging open ang back door

Agad naman ako pumunta sa back door

"Saan ba ung babaeng yun" bulong ko sa sarili ko

Shock ano to bat parang may awang ang pinto sa library parang pinilit binuksan

WTfudge

Angel POV

Naglalakad na ako pabalik sa room siguro tapos na sila mag usap ng kung ano ano

"Huh?" Nagulat ako ng magsitakbuhan sila palabas ng room

"Halika dito anobg tinatayo tayo mo diyan " nagulat ako ng hilaain ako ni Niko

"Ano ba kasing nangyayari " tanong ko

Huminto si Nick nagulat ako ng makita ko siyang lumuluha

"Wala na si Aileen" nagulat ako sa sinabi niya

"Ang totoo ba nyan mahal mo siya tama ba nick" Di ko alam parang may kung among kumirot sa puso ko

Nasasaktan ba ako ohh nahahawa

"Uyy anong.  ........" Hindi na natapos ang sasabihin ni Mae ng makita niyang umiiyak si nick

"Kailangan mo munang mag pahinga" malungkot na boses ni Mae

"Ayaw ko gusto ko makita ang taong mahal ko kahit na Hindi manlang naging kami" alam Kong masakit kapag nawala ang pinaka mamahal mo

SLAP

"Nag isip ka ba talaga" nagulat ako ng sampalin siya ni Mae

"Hindi " mahinahong sagot ni nick

"Mag isip ka muna alam Kong mahal mo siya pero oras na para magpaalam dahil. . ...... Dahil wala na siya kailangan natin tanggapin ang katotohana" naluluhang sabi ni Mae

Lumapit ako Kay Mae at niyakap ko siya para macomport ko siya

"Tara na hinihintay na tayo ni Joanna" sabi ni Mae

Agad kaming  pumunta sa bahay nila Mae

Di ako makagalaw sa pwesto ko ba. . ..bakit ganto ang pakiramdam ko feeling ko nangyari nato

"Kwentas" sabi ko pero Hindi ko hinihingi ang attention nila

Joanna POV

"Kwentas" sabi ni Angel

Tama siya nga ang tinutukoy Hindi Mali ang pakiramdam ko

Nagulat ako ng lumapit si nick sa bangkay ni Aileen pero Hindi niya ito mahawakan

"Alam mo Aileen mahal na mahal kita simulat sapol palang na alam Kong mahal kita magtatapat na sana ako sayo ang plano ko na manghiram ng libro at pag saule ng libro atsaka ako mag coconfess  kaya lang kinuwa ka kaagad sa akin ng demonyong killer na yan pero hayaan mo pag ako namatay Hindi na kita ibibigay sa iba dahil akin ka lang" lumapit ako Kay nick at hinimas ang likod

"Masaya na siya dahil sinabi mo ang nararamdaman mo " sabi ko para kahit papano matanggalan ko ng tinik ang nasa  puso niya

"Sobre" nagulat ako sa sinabi ni  Joshua kita ko sa mata niya ang pagod siguro tumakbo siya papunta dito

Agad naman kinuwa ni Mae ang sobre

Nagulat ako dahil ang ipinang sulat ay ang dugo ni Aileen dahil puro pa ito dugo

"Umm ang saya no anyway mahilig siya sa bulaklak at may aking talino sa ibang asignatura ohh isang araw lang" nagulat ako sa sinabi ni Mae

"Ako mahilig sa bulaklak" sabi ni angel

Nakita ko ang takot sa mukha ni angel

The Killer & ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon