Nagsimula na naman ang aking mga ngiti
Ngiti na kay dami-raming ikinukubli
Lahat ng sakit na dito laging nananatili
Gusto ko itong isigaw, kahit na sandali .Ngiti, kahit sobra-sobra na kong nasasaktan
Ngiti, kahit pa ako na'y nahihirapan
Lahat ng sakit na aking nararanasan
Tanging sa ngiti ko na lang ito idinadaan.Halakhak saki'y madalas mong maririnig
Tawang halos kanino ma'y hindi padadaig
Ngunit luhang nakatago ay para ng tubig
Gusto na nitong lumabas sa buong daigdig .Sa mga ngiting ito ay kay daming nakatago
Nagngingilid na luha'y hindi na maglalaho
Buhay ko'y hindi na siguro magbabago,
Ngiti kahit nasasaktan na ko ng todo.#AtengMakata :)