School year 0003

35 1 0
                                    

[Danica's pov]

"Ate."

"Eonni."

"Sis."

"Psst!"

"Ireona!"

"HOY BABAE!"

Bwiset tong kapatid ko!

"ANO BA PROBLEMA MO?! Nasaan ako at bakit ang sakit ng ulo ko?!" Asar na sabi ko.

Napaupo ako sa pagkahiga ko sa kama.

"Ate, dinala ka ni Eunseok oppa dito kagabi. Lasing na lasing ka."

WHAT THE HECK?!

"T-teka! Paanong nalasing ako kagabi?!"

Nung naalala ko na ang mga nangyari kagabi, napasapo nalang ako sa aking mukha.

"Eh aba malay ko ba sayo!"

"Teka nga! Ang sakit ng ulo ko!" Yung feeling na parang pinasukan ng mga sampung langgam? Ganun yun.

Ay de joke ang oa naman.

"Oh eto gamot! Tsk tsk. Ano ba kasi nangyari kagabi?"

Ininom ko na yung gamot at napaisip ako bigla.

"Uhmm, may date kami tapos kumain at uminom ng soju tapos..... AH BASTA! Di ko na alam sumunod na nangyari." Nakayuko kong sabi.

"Hay nako. Magpahinga ka nga muna. May pupuntahan pa tayo mamaya." Sabi ni Euanne at iniwan na ako sa kwarto.

Kinuha ko yung cellphone ko at chineckkung may nag text.

From: 중은석
Jagiya, nakita mo na yung news?

Anong news?

To:중은석
News? Saan?

Matapos ang ilang minuto, nag reply na rin siya.

From:중은석
Mabuti naman at di mo alam. Wag mo nang alamin at wag kang lalabas ng bahay niyo hanggat maaari. Saranghaeyo. Stay safe.

Anong nangyayari?

Hindi ko na siya nireplyan pa at chineck ang kakao ko.

"A-ano to?" Gulat kong tanong sa sarili

Isang video na hinahalikan ko si Eunseok.

"T-teka! Ginawa ko to?! Andwae!"

Ano nanaman ba to?!

Chineck ko yung comments

Ang daming nagsasabing maharot daw ako, malandi, ahas. Yung ibang comments naman ng lalaki ay masarap ba daw ako, patry din daw, etc.

So ano yung point nila para pag sabihan ng ganyan? At tiyaka boyfriend ko naman siya eh. Anong masama dun?

Unti unting tumulo yung luha ko. Dahil sa inis, galit at pagtataka.

Wala naman akong ginawang masama sa kanila ha. Lasing ako at understood na yun. At dahil boyfriend ko naman siya, wala na silang pake alam sa pribado naming gagawin.

Once upon a kissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon