A picture of Song Euanne for you guys hihi.
_____What the...
"WOAHHHHHHHH!!!" Sigaw ng mga tao.
Ilang segundo na akong di gumagalaw sa pwesto at ganon din siya dahil alam kong magiging awkward. Ilang segundo na rin kaming pinag pyepyestahan ng mga tao at panigurado ay bawat segundo at angulo ay meron kaming picture.
Habang tumatakbo ang oras, unti unti na rin akong napapaluha.
Ano nanaman ba tong pinasok kong gulo?! Tangna naman eh!
"YA! BUMITAW NA NGA KAYO DIYAN!" Sabi ng katabi niyang member at ipinaglayo kaming dalawa.
Pagtapos niya kaming paghiwalayin, napahawak ako sa bibig ko at napatitig ako... Sa mata niya.
Napatingin naman samin yung mga kapwa members niya at mukha ring gulat na gulat. Napahawak na rin siya sa bibig niya at hindi namin maputol ang tingin namin sa isa't isa.
Napatayo si Euanne at hinawakan yung kamay ko.
"E-Eonni...mian--"
Hindi niya na pa nasabi ang dapat niyang sabihin dahil hinatak ko na ang kamay ko mula sa pagkahawak niya at tumakbo na paalis sa loob ng event
Yung first kiss ko na dapat kay Eunseok.......kinuha na ng isang lalaking hindi ko kilala.. At ng taong hindi ko naman mahal..
Patuloy parin ang pag-iyak ko at pinilit kong makipagsiksikan sa mga fans sa labas.
"A-ah, e-excuse me po." Pagpapatabi ko.
"Yah! Wag ka nang mag tulak!"
"Aish! Tumabi ka nga!"
"Aray! Wag ka ngang manapak ng paa!"
Dahil naipit na ako sa pagkukumpulan nila, tinakpan ko yung mukha ko para hindi ako mapansin pero mukhang huli na.
"Wait, Danica song? Yung malanding yeochin ni Eunseok oppa?" Sabi ng isa sa kanila
Heutangina.
"Walang hiya ka talaga! May boyfriend ka na nga, hahalikan mo pa si oppa! Nananadya ka ba?!"
Pagtapos sabihin ng isang babae yun ay nakaramdam ako ng paghatak ng buhok ko.
Ang sakit. Sobrang sakit.
Kinalmot kalmot nila yung mukha ko. Hindi ko alam kung sino sino ang mga nangangalmot sakin dahil lumalabo na ang paningin ko kakaiyak.
"T-tama na..." Mahina kong sabi.
Hindi na ako makalaban pa dahil nanghihina na ang katawan ko.
Dahil sa sobrang hina ng katawan ko, bumagsak na ako pero patuloy parin ang pananabunot at paninipa nila sakin.
"Bat ka pa kasi pumunta dito?! Malandi ka talaga!!"