Chapter Six

6 1 0
                                    

X's POV

Nakauwi na ako galing sa cafe. Pagkatapos naming ma- 'finally-introduced-each-other' ni Yandro ay madami pang nangyari. Isinabay pa ako nila sa dinner nila at kung minsan daw ay sana dumalaw ako sa kanila. Pero lahat ng yun ay hindi ko masyadong naintindihan dahil sa pesteng puso ko na ayaw tumigil sa pagtibok ng mabilis sa tuwing tumitingin sakin si Yandro.

Bakit ba kasi nakipag- shakehands pa ako sa kanya kanina! Urghh

Nagpagulong- gulong ako sa hinihigaan ko ngayon. Ayaw kasi mawala ng ngiti ko e! OA na ba?

Tumigil ako sa paggulong- gulong nang napagod na ako. Hingal ako ng hingal hanggang sa napako ang tingin ko sa bucket lists ko. Specifically, sa last number, #21 at napaisip.

Ito ba yung sinabi ni Master na i- let go ko to see more beautiful things? Kailangan ko na talagang i- let go siya? Nanikip ang dibdib ko, parang hindi ko kaya. 8 years. Walong taon ko siyang hinintay, walong taon kong dinadala siya sa dibdib ko.

And then, Yandro came into my mind again, our encounter earlier. But shockingly, wala na akong naramdamang kilig o giddiness tulad nang naramdaman ko kani- kanina lang. May multi- personality disorder ata ako. Tss

Pero as I stared at that number longer, memories flooded into my mind.

FLASHBACK...

Lumabas kami ng kaibigan kong si Mara sa room para bumili ng snacks. Break time e. Masaya kaming naglalakad sa hallway papunta sa canteen nang may lalaking nakatingin sa direksyon namin o sakin? Weird. Tiningnan ko siya, sakin nga siya nakatingin! Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya at patuloy na lumakad papuntang canteen. Pagpasok ko sa canteen, bumili ako ng mani. Paborito ko e! Napatingin uli ako doon sa hallway, nandun pa rin yung lalaki. Nakatingin pa rin, pero di naman siguro sakin ano? Wag assuming. Lumabas na kami ng canteen. Madadaanan namin kung saan siya naroroon at habang papunta kami dun sa direksyon na yun, napansin kong nakatingin pa rin siya. SAKIN. Problema niya? Habang papalapit kami, mas lalo kong nakikita ang mga mata niya. Those big beautiful black eyes are staring back at me. Or I was just imagining or assuming. But for the first time in my whole life, my heart beat faster than normal.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 22, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Japan: Skinny LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon