Uncertain of the Next

40 3 0
                                    

DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

---

Maaga na naman ako pumasok. 

Hinihintay ko na naman kasi siya. 

Hinihintay ko na naman siyang dumating dito sa upuan ko sa loob ng classroom. Kunwari normal lang pero kanina pa ako naghihintay na dumating siya. Nagbabasa na nga ako para hindi ako mabagot sa kakahintay sa kanya.

Hindi ko na namalayan, mag-iisang oras na pala akong nakaupo pero hindi pa rin siya dumadating. 

"Salvia! Alam mo ba.." Bungad sa akin ng best friend kong si Lizzie. Ibinaling ko na lang ang aking atensyon at nakinig sa kanya. Pinili ko na lang na makipagkwentuhan para magpalipas ng oras at para na rin hindi siya makahalata na meron akong hinihintay. 

Nahihiya kasi akong malaman niya.

Ganito lagi araw-araw, hinihintay ko siya dumating sa umaga. Makikipag-usap sa kay Lizzie pati sa mga kaklase namin para magpalipas oras.

Narinig kong bumukas ang pinto. Nakaupo kami malapit dito kaya rinig na rinig ko ang mga yabag niya. Kahit na nakatalikod ako sa pinto, alam kong siya ang dumating kasi naamoy ko kaagad ang pabango niya. Pasimple akong sumulyap sa kanya at agad nagtama ang mga mata namin. Bumilog ang mata ko. Ano iyon? Nakatingin din ba siya sa akin? O baka aksidente lang? 

'Wag ka ngang magisip ng kung anu-ano, Salvia!

Bumilis ang tibok ng puso ko kaya ako ang unang nag-iwas ng tingin dahil baka mapansin pa niya. Tinuloy ko na lang ang pakikipagkwentuhan sa mga kaklase namin at itinawa na lang ang kabang nararamdaman ko ngayon.

Lagi na lang ganito.

Araw-araw ko siyang pinagmamasdan. 

Araw-araw akong pasimpleng tumitingin sa kanya at ngayon lang nagtama ang mga mata namin. Ano kaya ang ibig sabihin niyon? Napapansin na kaya niya na gusto ko siya? Napapansin kaya niya na may sumusulyap sa kanya kapag hindi siya nakatingin? Alam na kaya niyang merong naghihintay sa kanya sa umaga para lang makita siya? Alam ba niya na gustong-gusto ko ang amoy ng pabango niya? 

Alam ba niyang gustong-gusto ko siya?

Hay, hindi ko na alam. Ang alam ko lang ay matagal ko nang kinikimkim itong lihim ko. Simula pa lang ng unang taon ng high school namin ay meron na, hanggang ngayong 4th year na kami.

Parang crush at first sight. Syempre crush lang dahil hindi ko naman siya kakilala noon at ngayon lang kami naging magkaklase. Saka ang gusto ko kikilalanin ko muna ang isang tao bago kami magkaroon ng relasyon.

Noong una akala ko wala itong patutunguhan pero di nagtagal ay lumalago ito dahil lagi na lang akong inaasar ni Lizzie. Saka dahil mas nakilala ko rin siya.


"Uy! Bagay talaga kayo! Magaling tumugtog ng drums si Hadrien at ikaw naman magaling sa piano saka kumakanta pa. Ay! Ang sweet siguro nun! Kapag naging kayo at nagkapamilya kayo siguradong musical ang family niyo!" Natawa at napailing na lang ako. Mas advance pa siya kung mag-isip kaysa sa akin.

"Ano ka ba! Pamilya agad? Hindi ba pwedeng friends muna bago iyon? Saka wala talaga akong gusto diyan. Alam mo naman na gusto kong makilala muna yung tao bago ganun." Hirap pa akong umamin na may crush ako kay Hadrien dahil first time itong mangyari sa akin.

Uncertain of the NextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon