Bad Cinderella

9 1 2
                                    

Kasalukuyang nililinis ni Ella ang sala ng bahay nila habang kumakanta ng "Ella, ella eh eh eh! Under my umbrella! Ella, ella eh eh eh--- Ay putangina!" Napatigil lamang siya sa pagkakanta ng Umbrella ni Rihanna ng hilahin ng kapatid niyang bruhilda ang earphones niya.

Punyeta naman oh-oh! Ramdam na ramdam ko na bes eh.

"Hoy, wag ka ngang feeling! Hindi ka prinsesa!" Sigaw ng bruhilda niyang kapatid habang tumatasik ang laway.

Puta, ang baho! Di pa yata 'to nagtu-tooth brush!

"Anong pa-prinsesa? Tangina nililinis ko na nga 'tong bahay araw-araw, tapos ako pa 'tong pa-prinsesa? Pakyu ka girl!" Sigaw ni Ella sa bruhilda niyang kapatid sabay alay ng middle finger niya sa kanya.

Nakaka-leche nga naman daw kasi.

"Eh basta! I wan't you to clean my room right now!" -Bruhildang Kapatid

"Ha? Kakalinis ko lang nung bodega ah!" -Ella

"Anong bodega? Yung kwarto ko! YUNG KWARTO KO!" Sigaw uli ng bruhilda niyang kapatid habang tumatalsik ulit ang laway.

Pota, kanina pa 'to ah! Papaliguan ako ng laway? Papaliguan ako ng laway? Pak ganern?

"Ayt. Akala ko kasi bodega eh. Peace yow." Sabi ni Ella sabay alay ng kamay niyang naka-peace sign.

Eh sa akala ko bang bodega yung kwarto niya sa sobrang kalat.

"Basta, clean my room right now!" Sigaw ng bruhilda niyang kapatid gamit ang lengguwahe ng ingles.

"Ulol. Wag kang mag-english. Ang pangit pakinggan sa tenga. Nakaka-putangina. Manahimik ka. Leche." Malutong na sabi ni Ella. Napasimangot nalang ang kanyang bruhildang kapatid sabay padabog na umakyat sa taas.

Alamang umakyat sa baba 'di ba? Umakyat nga eh. Bopols niyo naman.

"Boombayah! Yah yah yah boombayah! Yah yah yah boombayah yah yah yah yah yah! Boomboomba-boomboomba oppa!" Kanta ni Ella. Pero napatigil lamang siya sa paglilinis at napatay ang speaker ng may kumatok sa pintuan. Binuksan niya ito at nakita si...

"Bakit mo 'ko tinatawag? Mangungutang ka na naman ba?" Tanong sa kanya ng taong na sa harapan niya ngayon. At 'yung taong 'yon ay sa malamang, hindi pa nagtu-tooth brush katulad ng bruhilda niyang kapatid.

Pero teka, tinatawag? Mangungutang? Anu daw?

"Ha? Ano kamo? Tinatawag kita? At tsaka, mangungutang? Ulul."

"Eh sa sabi mo kasi bumbay-ah."

Boombayah.

Boombay---

Bumbay-ah.

Putangina.

"Ulol! Lumayas ka sa harapan ko! Maligo ka muna bago ka magpakita! Ang baho-baho mo! Kita mong naglilinis ako ng bahay eh! Mangangamoy basura na naman 'tong bahay! Layas!" Sigaw ni Ella sabay palo ng walis tingting doon sa bumbay.

Nang matapos ang pangyayaring 'yon, nagsimula muli siyang maglinis ng sala at nagpatugtog naman ng kantang Very Very Very ng IOI.

"Neiou neomu neomu neomu. Neomu neomu neomu neomu neomu neomu--- Puta." Napatigil uli siya sa pagkakanta ng may kumatok sa kanilang pintuan. Pero tinuloy niya uli ang pagkakanta at binuksan ang pinto at saktong kinanta niya ay...

"Neomu neomu neomu---"

"Ano? Ina mo ina mo ina mo? So tangina ko? Gago ka pala eh! Maglinis ka na lang ng kwarto ko! Ulul." Sabi ng kanyang isa pang bruhildang kapatid saktong pagpasok nito.

Kung hindi pa naman tanga't kalahati 'yun pa ang kinanta.

'Yan tuloy, nakidagdag pa 'yung isang bruhilda.

Putangina dis layp.

"Hayyy, nakakaputangina lahat talaga ng tao dito sa bahay. Leche." Sabi ni Ella sa kanyang sarili at pinagpatuloy na lamang ang paglilinis at hindi na muli pa nagpatugtog ng kanta.

Baka may mangyari na naman daw kasing karantaduhan at kapunyetahan.

***

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 09, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bad CinderellaWhere stories live. Discover now