I leave you today

8 1 0
                                    

I leave you today [Zale]

written by: PRIMEIDEE

-0-0-0-

Lahat ng tao may pagmamahal, kahit yung pinakamasamang tao sa mundo. 'Yun nga lang, yung sa ibang tao, nakatago.

Why do we feel love?

Para sa akin, likas nasa atin 'yon. Naniniwala ako na may iba't ibang uri ng pagmamahal at ang pag-ibig ang pinakamataas na uri no'n.

Teka nga! Bakit ba tungkol diyan ang sinasabi ko? Tss. -_-

Zale Aragon, an easy-go-lucky girl and that's me. Palagi nilang sinasabi na dapat daw pinagpaplanuhan ko ang future ko. Why do I have to do that? May nakakaalam ba ng future? Kahit ano pwedeng mangyari. I'm 23 years old, graduate of Communication Arts and I'm a writer. Ulila na ako at wala akong kapatid. My parents died three years ago and I can't easily move on. Bakit sila namatay? That's because of a plane crash. I missed them to the point na gabi-gabi na lang akong umiiyak.

I don't have boyfriend or best friend. I'm alone. But I always feel love from God. I know He will send someone for me. And He did.

Binasa ko ulit ang sulat na ibibigay ko sa kanya mamaya. Actually, ang haba nito. Hindi ko alam kung babasahin niya ba ng buo.

Dear Colt,

Hi.

You're Colt Valdemor, my savior and my knight in shining armor, literally. Why? You saved me when I almost got in to a car accident. Tumatawid ako noon when a reckless and troublesome driver almost hit me. Fortunately, you're there. Kinabig mo ako para hindi ako masagi ng kotse and that's our first meeting.

"Libre kita ng ice cream." 'Yan agad ang lumabas sa bibig ko ng pinaupo mo ko sa bench. Nakahuma na ako mula sa muntik ng mangyaring aksidente. Bumili ka ng tubig noon at binigay sa akin. Ang tagal mong nanahimik.

"Saan?" bigla mong sinabi after I drank.

"Huh?" tanong ko naman.

"Sabi ko saan mo ako ililibre ng ice cream," sagot mo.

"Ah, kahit saan. Basta may ice cream." Mukha akong timang kasi nakatingin lang ako sa bote ng tubig na binigay mo sa akin.

"Salamat nga pala... sa pagliligtas mo... sa akin," pahinto-hinto ko pang sabi.

Tumango ka lang then you said na dapat sa susunod mag-ingat na ako. Tapos biglang may tumawag sa'yo at nagpaalam kang kailangan mo nang umalis. Hindi pa kita nalilibre ng ice cream e. And I don't even know your name.

Natitig na lang ako sa likuran mo. You're wearing a white polo na naka tupi ng kaunti yung sleeves hanggang siko, black slacks and a pair of black shoes. I wonder who you are. Plus, ang gwapo mo talaga. Nakatitig nga yung mga babae sa'yo no'n e.

Second time around, after a week, nagkita ulit tayo. That time, hinahanap ko sa library ng Celestine Hall yung flash drive ko kung saan nakalagay yung article na ipapasa ko sana. Deadline na ng araw na iyon but unfortunately naiwanan ko ata sa library and I don't know where I left it. Mga kalahating oras na akong naghahanap sa pwesto kung saan ako gumawa pero hindi ko makita. Then you came and help me to find it. Nahanap mo sa ilalim ng isang bookshelves. Pero dahil nagmamadali ako, nakapagpasalamat lang ako sa'yo at hindi ko na naman natanong yung pangalan mo.

You saved me again.

Summer came. I went to Palawan for a vacation and coincidentally, nandoon ka din for unknown reason. Nagkasabay tayo sa pagchecheck in sa magkaparehong hotel and went to the same resort. Nagkatawanan pa nga tayo dahil pangatlong beses na natin magkita pero hindi pa rin natin kilala ang isa't isa. You suggested na 'wag na lang natin sabihin yung mga pangalan natin sa isa't isa at natawa ako dahil doon pero I decided to rode on your trip. Tinawag na lang kitang 1 at ako naman si 2. Sabi mo magbabakasyon ka rin and naisipan nating magsama na lang for one day kasi we both don't have companions. Sumakay tayo sa iba't ibang rides, try different activities and food trip. That's one of the happiest days of my life. Dapat gagawin natin 'yon the next day pero something came up.

I leave you todayWhere stories live. Discover now