#TMYHTMYL 1

14 0 0
                                    

Yrica's P.O.V

-Dismissed-

"Uy bes tara na baka nagpapraktis na sila" sabi sa akin ni bes sabay hatak

"Bes!" Sigaw ko naman

"Bakit bes" tanong ni Eunah sa akin, atat rin tong best friend ko na ito e, sobra

"Hindi ako pwedeng sumama sayo bes kasi naman pupunta pa akong library kasi may hahanapin akong libro" sabi ko

"Bes kaya nga may internet and bes diba may library kayo sa bahay niyo,lahat nga ng klase ng libro nandun e" sabi naman ni bes

"Punta muna akong canteen at gutom na talaga ako, sobra" sabi ko, another palusot

"Bes naman kanina ka pa kaya kain ng kain diyan" sabi niya

"Pero bes gutom pa ako" sabi ko at nag-pout na nga ang sobrang kulit na bestprend ko

"Sige na nga, titiisin ko ang aking tiyan na kanina pa nagagalit para sayo" sabi ko naman e pano no choice nag-pout na ang bes ko e

"Salamat bes" sabi niya sabay hatak sa akin papuntang gym

"Ayun siya bes o"-Eunah

"Paki ko"-ako

"Bes ang gwapo niya talaga sobra as in"-Eunah

"Edi siya na gwapo"-ako

"Ang galing niyang sumayaw bes"-Eunah

"Edi wow,siya na perfect"-ako

"Bes may sinasabi ka ba diyan?" Tanong sa akin ni Eunah

"Wala bes, ang tahimik ko nga dito e, ito nga o nag-iimagine ako kung anong masarap kainin mamaya sa bahay" sabi ko

"E parang may sinasabi ka bes e" pilit ni bes

"Wala nga bes e, baka siya, kanina pa siya salita ng salita baka siya ang naririnig mo" sabi ko sabay turo sa katabi ko, patay, di ko manlang kilala kung sino tong nasa tabi ko

"Palusot ka lang bes e" sabi niya ulit, kulit talaga nito

"Si ate kasi may kausap siya kanina sa phone e baka siya lang talaga yung naririnig mo bes" sabi ko sabay siko sa may katabi ko, siguro naman alam na niya ang sasabihin niya sa bes ko dahil sa siko ko

"Ay ate, sorry po a pero matanong ko nga po kung totoo po ba itong sinasabi ng best friend ko" tanong ni Eunah sa aking katabi at tumango naman si ate sabay alis sa tabi ko
(Walk-out lang ang peg)

"Bat nag walk-out si ateng, bes?" tanong sa akin ni bes

"Aba malay..." sagot ko saka ko kinuha ang cellphone ko

"Uy bes, ung kuya mo o" sabi ni bes

"Everyday ko namang nakikita yung pagmumukha ng kuya ko e, parang di ka na nasanay na nakikita mo siya e siya ang leader ng dance group ng krass mo bes" sabi ko habang naglalaro sa cellphone ko

"Sabagay pero bes buti ka pa ang galing ng kuya mong sumayaw pati nga ikaw e tapos ang ganda pa ng boses mo bes" sabi ni bes

"Tae bes...Nang-aasar ka ba?" tanong ko at tumingin sa kanya

"E totoo naman yung mga sinasabi ko bes e, konti nga lang nakakaalam at nakakakita ng talento mo kasi palagi mlng tinatago, pati nga ata kuya mo hindi niya alam na magaling kang sumayaw at biniyayaan ka pa ng kaygandang boses" sabi ni bes

"Tae bes...kung malalaman yan ni kuya, matotorture na is me kaya please huwag bes" sabi ko

"Okay sabi ko e" sabi ni bes

Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko at bigla ring tumayo si Eunah.

"Bes san ka pupunta?" tanong niya

"San pa ba" sagot ko at nagpatuloy sa paglalakad

"Sama ako bes, basta libre mo hahaha" sabi niya sabay hawak sa braso ko

"Palagi naman bes e" sabi ko sabay tawa

"Taemo....nililibre rin naman kita e" angal niya

"Utot mo....once a month mo maya akong nililibre" sabi ko

"At least nililibre pa rin kita kaysa naman sa wala diba" sabi niya,aba palusot pa

"Oo na...oo na...ano ba gusto mong kainin ngayon?" tanong ko habang papunta kami sa canteen

"Hindi na yan tinatanong bes" sabi niya at tumango na lang ako dahil alam ko na kung anong pagkain ang tinutukoy niya

~fAsT fOrwArD~ (house)

"Lil' sis, nakita mo ba yung bagong bili na sapatos ko?" tanong ni kuya

"Yung bang black?" tanong ko

"Oo...oo...yun nga...nakita mo ba lil' sis?" tanong niya

"Oo nandun yun sa kwarto mo e, sa ilalim ng kama mo kuya....nilagay ni manang kahapon yun e" sagot ko habang nanonood dito sa sala

"Geh, salamat lil' sis" sabi ni kuya at umalis na

'Sa wakas umalis na rin' sabi ko sa isip ko, e pano ba naman nakakainis kapag naririnig ko boses niya e hahahha......

Habang nanonood ako at kumakain na rin at the same time ay biglang sumulpot nanaman si kuya....

"Problema mo nanaman kuya?" tanong ko habang tutok na tutok sa TV

"Wala naman akong problema lil' sis e, may sasabihin lang naman ako" sabi ni kuya

"Weh...maniwala sayo....ano ba yun kuya dali na at pinapanood ko pa to o" sabi ko sabay subo sa kinakain ko

"Lil' sis may practice kami mamaya dito sa bahay, king okay lng na sana ikaw yung magprepareng kakainin namin mamaya, yung specialty mo ba lil' sis" sabi niya

"Taemo kuya.....tinatamad ako at bat kailangan na ako pa e pwede namang si manang na lang alam rin naman niya kung pano I hake yung mga cupcakes na yun e" sabi ko

"Sige na kasi li' sis" pagmamakaawa ni kuya

"Oo na....oo na...kailan ba practice niyo?" tanong ko

"Mamayang 5 pm... mag ready ka na lil' sis a...." sabi ni kuya at naglakad papuntang pinto, susunduin niya ata mga kasama niya mamaya

Nagtaka ako dahil bigla siyang huminto sa paglalakad nung nasa may harap na siya ng pintuan.

"Ano nanaman kuya?" tanong ko habang nanonood, nakikita ko naman kasi siya sa peripheral vision ko e

"Yung mga kasama ko sa pagprapractice mamaya, sina..." I cut him off

"Sina ate Mardel ba? Okay lang naman e" sabi ko habang nanonood pa rin

"Tae...hindi sila! Sina Louie kaya sarapan mo yung cupcakes lil' sis a" sabi niya sabay takbo palabas

"Taena! Sina Louie! Kuya!" sigaw ko at tumakbo palabas ng bahay

"Kuya, bumaba ka nga jan!" sigaw ko kasi naman nasa loob siya ng kotse niya

"Tumabi ka nga jan lil' sis" sabi ni kuya

"Asa ka!" sigaw ko

"Kung di ka tatabi jan sasagasahan talaga kita!" sabi ni kuya

"Bwiset ka talaga kuya kahit kailan!" sabi ko

"Anong sabi mo?" tanong ni kuya

"Wala, umalis ka na nga" sabi
ko sabay alis sa harapan ng kotse niya

Mahirap na baka banggain talaga niya ako...

______________________________

Chapter one is already done...
Yehet Oharat! /Sehun/

#parkseoror64

The More You Hate, The More You Love (On going)Where stories live. Discover now