#TMYHTMHYL 6

0 0 0
                                    

Luke's P.O.V

Masyado akong pabitin sa Chapter 5, ganyan talaga pag gwapo palaging nahihintay.

"Si ano ung ano na pumunta kanina sa ano niya dahil na ano siya kay ano" sagot ko

Nakakatawa yung mga mukha nila. Takte! Priceless mga pipol hahaha.....

"Ano?" sabay sabay nilang sabi

"Basta yung ano" sabi ko

"Maano ba yan Kuya Luke" sabj naman ni Kert at natawa sulang dalawa ni Clyde

"Aba'y gagong mga green minded to a" sabi ko sa kanila

"Paano mo nalaman na yun yung iniisip namin Kuya Luke kaya ibig sabihin green minded ka rin kasi...." may sasabihin pa sana si Clyde nung biglang pinalamon ni Azi yung buong cupcake sa kanya

"Hmmm, hmmmm, hmmmm" hindi makapagsalita si Clyde dahil sa cupcake

"Don't talk when your mouth is full" sabi nanaman ni Alex

"Full of what?" natatawang tanong ni Kert

"Ewwwww, nakakailan ka na sa akin Kert a" nandidiring sabi ni Alex

May future talaga tong dalawang to e......

"Gusto mo ba dagdagan ko pa?" nakangising tanong ni Kert

"Psh, sino na ba kasing nag-bake ng cupcake na to?" tanong ni Mauie

"Yeah" pagsang-ayon ni Louie sa sinabi ng ate niya

"Mag-ate nga talaga" bulong ko

"May sinasabi ka ba?" tanong ni Mauie

"Aba'y wala, sasabihin ko na dapat yung nag-bake pero parang ayaw mo at tinarayan mo pa ako" pagpapalusot ko

"Just spill it" sabi niya

"Si Yrica" sagot ko agad

"Wow galing talaga ni Yrica" sabi ni Alex at lahat sila ay nagbibigay ng good compliments tungkol sa kapatid ko

Tumingin ako sa direksyon ni Louie, taena, pakshet, para siyang isang rebulto na hindi gumagalaw. Manequine Challenge lang ang peg hahahahha.

"What the heck!, bat di niyo agad sinabi!" sabi ni Louie sabay bato sa cupcake sa tray

"Maka what the heck ka jan Louie, pakipot ka pa kasi e" sabi ni Kert

Matapang rin tong kumag na to e.

"What the! Ang pangit ng lasa!" sabi ni Louie

Natawa naman kaming lahat dahil linunon niya muna yung cupcake ma nasa bunganga niya tsaka kukunwaring humahawak siya sa dila niya at diring diri.

"Pakshet! Kaya naman pala ganun yung lasa e, nasa taong nagbe-bake, kanina ko pa pinagtitiisan yung cupcake e" sabi ni Louie sabay inom ng juice

"Hahahaahahaha" puros tawa lang kami

"Hindi pala masarap a e halos ikaw na nga yung makaubos sa mga cupcake e" pang-aasar ni Azi

"Oo nga tol, grabe naman yang pagtitiia na yan" natatawang sabi no Clyde

"Grabe ka tol, sasabihan mo na pangit yung lasa ng cupcake e linunon mo yung nasa bunganga mo kanina" sabi naman ni Kert

"Kanina nga e sarap na sarap ka jan sa pagkain ng cupcake ni Yrica e" sabi naman ni Alex

"And you actually ate a dozen of cupcake my dear brother, pagtitiis pa rin ba ang tawag mo jan?" pang-aasar ni Mauie

"Grabe ka kay Lil' Sis ko a, nalaman mo lang na siya ang nag-bake, binato mo na yung cupcake" sabi ko naman

Louie's P.O.V

Kanina pa nila ako pinagtatawanan at kanina ko pa tinitignan yung cupcake na binato ko na nasa tray na ngayon. Shet! Nasasayangan ako ng sobra!

"Psh" sabi ko sabay upo

Tangna gusto ko pa talaga kumain ng cupcake e.

-Few minutes ago-

Kanina ko pa pinapanood sina Ate Mauie na kumakain ng cupcake at kanina pa ako inom ng inom ng juice. HUTANGINERS!
"Shit sarap!" napamura pa ang gagong si Kert habang sarap na sarap sa pagakin ng cupcake

"Oo nga tol, heaven" sabi naman ni Clyde at nagsitawanan silang lahat

"Kuya Luke, pahingi naman ng cupcake iuuwi ko sa bahay, kakain ko dun" sabi ni Alex

"Oo nga Kuya Luke!" sabi naman nila except for Ate Mauie

Yes! Kapag kumuha si Ate ng cupcake ibig sabihin I can eat it in the house without them teasing me. Ate should get at least a box of that cupcake.

"Ikaw Mauie" sabi ni Kuya Luke

You should say yes and I bet Ate Mauie can't just say NO to that delicious cupcakes.

"Huwag na siguro, hindi naman ako masyado sa sweets e and sino namang kakain niyan if my lil' brother doesn't like it, sabi niya nga, he doesn't like sweets, masasayang lang yan sa bahay" sabi ni Ate

Gumunaw ang mundo ko dahil sa sinabi ni Ate Mauie kay Kuya Luke.

"Pero gusto ni manang ng cupcake, paborito niya ang sweets ate, just get at least 2-5 boxes of cupcakes" sabi ko ay nagsitawanan silang lahat

Problema nitong mga to. Effective naman siguro yung palusot ko.

"Pero diba may...." may sasabihin pa sana si Ate Mauie nang biglang binato ko sa kanya yung unan

"Just give us 5 boxes of cupcakes Kuya Luke, don't mind my Ate" sabi ko na nakangiti pa

Panira naman kasi si Ate ng plano e. Gugutumin ba ako nitong ate kong ito!

"O sige tag fa-five boxes kayo" sabi ni Kuya Luke

"Anduga naman Kuya Luke! 10 boxes ng cupcake na ang kina Ate Mauie pag ganun" sabi ni Alex

"So" sabi ko at natawa nanaman sia

May topak ata tong mga to e, padala ko nga mamaya sa Mental Hospital.

-Fast Forward-

Mauie's P.O.V

Pagdating na pagdating namin ng bahay ay kinuha agad ni Louie ang mga box ng cupcakes.

"Hate sweets pala a" sabi ko nung nakaalis na siya

______________________________

Chapter 6 is done!

#parkseororo64

The More You Hate, The More You Love (On going)Where stories live. Discover now