Give Love A Try 1

1K 14 0
                                    

Kris' POV

.

.

"Dude naman. Pang bakla lang yun eh ! "

Nakakaasar naman tong pinaglihi sa bacon na to oh. Kelan ba titino yung pag iisip ng batang to ?

"Hoy ! Sinasabi mo bang bakla ako ganun!? Gusto mo upakan ko yang mukha mong kinulangan sa kagwapuhan ngayon hah !?"

Nanakot pa to kala mo naman kaya niya ko. Kala mo naman ang lakas lakas niya. Sa laki kong to at sa *cough liit niyang yan?

Saka ano daw ang sabi niya sa perpect kong mukha!?

Panget daw !? Ako panget!?

Kung makapag salita kala mo naman kung sinong perpekto Kung ako panget ano pa kaya tawag niya sa sarili niya?

Take Note: Gwapo kaya ako.

"Aba Byun wag mo ko matawag tawag na panget kung gusto mo pa mabuhay! Saka sa dami naman parusa bakit ba pagsulat pa ng istorya naisip mo huh!? Nahihibang ka na ba!?"

Sira ulo ata tong si Baekhyun eh, kahit kelan talaga hindi na naayos ang sira niya sa ulo.

Minsan nga paalala niyo saking bumili ng tornilyo. Para kasing kinakalawang nanaman utak nitong isang to eh.

Alam naman niyang wala akong kapag-a-pag-asa sa pagsulat.

Siya lang naman magaling sa ganun eh. Gusto pa ko hawaan ng kabaduyan niya =_=

Writing is not my style.

Psh.

Bish Please, I'm Handsome.

Isa pa. Gusto niya gawan ko pa ng book cover. Yung maganda daw, yung kaakit akit at hindi masakit sa mata.

Eh sa wala nga akong talent sa buhay ! Di ako marunong mag edit ng picture at mas lalong hindi ko hilig ang magsulat !

Ang alam ko lang gawin eh mag dribble at mag shoot ng bola ! Tsk.

"Takte naman Kris ! Bat ba sigaw ka ng sigaw!? Bagong hobby mo ba yan!? Di naman masyadong masakit sa tenga ano!?"

Eh hindi naman pala eh. Ano pang nirereklamo ng isang to? Daming sinasabi, pasalamat ka nga at sigaw lang ang abot mo.

"Hoy wag kang magpakasarkastiko sakin ah, Baka lumubog ka sa kinatatayuan mo pag binatukan kita ! "

Sa liit niyang yan?

*smirk*

"Ano ba kasi pinuputok niyang butchi mo eh gagawa ka lang naman ng short story!?"

Yun na nga eh !

Pinapagawa ako ng Short Story ! Gusto pa niya printed !

Anak ng tokwa naman. Dumugo na nga utak ko sa pag iisip mapapagastos pa.

Demanding talaga ng baklang mahilig sa eyeliner na to.

"Naknang teteng naman kasi Byun ! Iba nalang ! Kung gusto mo ako na gagawa ng ass. mo sa trigo sa loob ng isang linggo. Okaya eat all you can tuwing breaktime ! Wag lang yun!'

"Hmmm pag-iisipan ko" sabi pa niya habang nakalagay yung hintuturo niya sa baba.

Kala mo naman nag-iisip talaga siya ng malalim eh alam naman ng lahat ng tao sa school na wala naman siyang isip. Tch.

"Nakapagdesisyon na ko !" sigaw niya.

Psh. Kala mo naman excited ako sa sagot niya. Eh alam ko naman na pipiliin niya yung eat all-

"Magsusulat ka ng short story! Bwahahahaha" mabilis niyang dugtong sabay halakhak na parang demonyo.

E-eh!? A-ano daw? Talaga bang tinanggihan niya yung offer ko!? Aissh!

Kung si Xiumin to malamang di na mag-iisip yun. Oo na agad sagot niya. Psh.

Dapat yata sinabi ko nalang na ibibili ko siya ng latest na eyeliner baka sakaling pumayag pa to.

"Goodluck sa story mo Kris ! Gandahan mo ah ! Pati na yung book cover ! Bye bye!"

*blink blink*

"H-hoy Baekhyun ! "

Arghhh!!! Asar !

Bat ba kasi nakipagpustahan pa ko sa ugok na yun ! Eh alam ko naman na weird magparusa yung gagong lalaki na yun.

Nung last time nga nilunod ako nun sa batsa ng ilang minuto eh !

Nakakaasar !

"Hah ! ASA. Ako ? Si Wu Yi Fan ? Gagawa ng baduy na short story !? ASA pre ! ASAARRRR !"

Alam ko naman na NO choice ako kundi gumawa talaga ng bwisit na story na yan -_-

Pano may picture siya nung bata ako na naka bihis babae. Kaya talagang NO choice ako. Gusto ko pang mabuhay ng normal noh.

Ano ba kasing nakain nun at ganito yung binigay na parusa sakin?

Saka yung book cover na yun? Hah! Madami namang makukuhanan nun sa internet eh. Bakit pa ko magpapakahirap gumawa. *grin*

*beep beep*

Sino naman kaya tong nagtetext na to?

[ Message from Gagong Byun:

Hoy gagong Kris ! Wag mo na subukang kumuha ng kahit ano sa internet dahil malalaman ko yan ! Saka kilala na kita, alam kong tamad ka at ganun talaga ang balak mo kaya ngayon palang binabalaan na kita ! Alam mo na pag di ka tumupad sa usapan. Bwahahaha !

]

Oo na ! Bwisit ka !

*beep beep*

Sino nanaman ba to? Badtrip.

[ Message from Gagong Byun:

Ayy nga pala. Gusto ko next two weeks gawa na yan ! Bye Gagong Bestfriend ! Hahaha.

]

Bestfriend mo muka mo !

Nasisiraan na ba yun ng bait !?

Eh yung project nga naming poem 3weeks kong ginagawa eh ! Tapos gusto niya tapos ko ng 2 weeks yung kabaduyan niya!? Ugh !

May book cover pa ! Ano kala niya matatapos ko yun!?

Bwisit !

.
.
.
.
.
.

Sana nagustuhan niyo kahit parang ewan lang. Anyways salamat sa pagbasa :)

PS.

Sorry po sa mga bad words saka sa panlalait.

Di po ako hater ang totoo niyan eh fan po ako. Promise, mawala man eyeliner ni Baek. Kekeke

If you like this chapter please consider giving it a VOTE and COMMENT.

Give Love A Try (EXO and SNSD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon