Give Love A Try 4

225 6 0
                                    

After class.  .  .  .

Eto na ! Eto na talaga !

Magkoconfess na ko sakanya.

May hinanda akong surprise para sakanya eh.

Syempre baka madala sa surprise at mapa-oo ko diba? hahaha.

"Jessica ! May gagawin ka ba ngayon?" tanong ko sakanya.

"Hmmm. Wala naman. Bakit? Yayayain mo kong makipagdate noh?" cool niyang sabi.

"Oo. Yayayain sana kita makipag- Huh!? Teka. Pano mo alam?"

"Laos na yang style mo eh. Napanuod ko na yan. Oh ano? Yayayain mo nga ba ko?"  sabi niya habang inaayos yung bag niya.

"Huh? E-eh. Oo sana. P-pwede ka ba?" ano ba Kris ! Bat ba nabubulol ka!? Minos pogi points yan eh !

"Hmm. Okay. Wala naman akong gagawin eh. Sige mamaya nalang. Sunduin mo ko 7PM sharp sa bahay." sabi niya sabay alis.

Eh?

Pumayag siya.

Pumayag siya ! Yehet !

Okay !

Tinawagan ko lang yung mga friends ko para magpatulong.

Kelangan ko kasi ng tutugtog para mamaya.

Okay na yung pagkain, bulaklak saka mga pang design eh.

Idedeliver nalang.

Ang kulang nalang yung tutugtog.

Sana pumayag si Lay tumugtog ng piano tas gitara naman kay Chanyeol.

Yung iba pwede na tiga palakpak. LOL.

Jessica's POV

Ano naman kaya nakain nung isang yun at niyaya kong makipag date?

Psh.

Di kaya.  .  .  ?

No Jess. He doesn't like you.

No freaking way!

And if he do, you can't accept him that fast.

Two weeks palang kayo naging magka close noh.

What if he's like Him. You'll end up getting hurt again.

Give Love A Try (EXO and SNSD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon