He's my Boyfriend

46 9 3
                                    

At narating nga nila ang golf club. Sinalubong agad sila ng crew. Malamang siya din ang may-ari ng golf club na ito. Magtataka pa ba siya?

"Ikaw din ba ang may-ari ng golf club?", usisera niyang tanong kay Adam. Curious lang naman siya eh.

Ngumiti ito sa kaniya at tumango. Kinuha ang kamay niya at pumasok na sa sila sa loob. Parang may kuryente na dumadaloy ngayon sa katawan niya. Ewan ba niya kung ramdam din nito. Tiningnan niya ang magkahawak nilang kamay. Kinikilig na naman siya.

My gosh makalaglag panty din naman ang smile nito eh. Kakainis naman.

"Nandito na ba siya?", tanong nito sa crew, kasabay nila kasi itong naglakad eh.

"Opo sir mag-iisang oras na po siya dito sir.",tugon naman ng crew kay Adam.

Narating na nila ang area kung saan pwedeng maglaro ng golf. Napaka-green ng area at ang ganda. May namataan na silang naglalaro ng golf na lalaki, may mga kasama ito. Ang tagahawak ng payong at ang tagahawak ng coat nito.

Ng makalapit na sila ay nagsalita agad si Adam.

"Mr. Fernandez, I'm glad you're still here.",anito na nakangiti. Napahinto sa paglalaro ang tinawag nitong Mr. Fernandez at lumingon sa kanila.

Laking gulat niya ng mapagsino ang tinawag nitong Mr. Fernandez. Shocks naman! Ninong niya ito eh!

"Hannah? Why are you here?", tanong nito sa kaniya. Nabigla din ito pagkakita sa kaniya. At mas lalong nabigla si Adam na magkakilala sila.

"Ah t-tito n-nandito ka rin pala..?",nabubulol na sabi niya dito. Ngumisi siya dito, at napakamot na lamang siya sa batok.

"Ahh, Mr. Fernandez, she's with me.", sabat naman ni Adam.

Tinaasan siya ng kilay ng ninong niya. Kita sa mukha nito na hindi ito makapaniwala na magkasama sila ni Adam. Kinakabahan na talaga siya, paano kung isumbong siya nito sa Papa niya. Naku!!

"Yes, tito magkasama kami.",kabado na talaga siya. Matalik na kaibigan ito ng Papa niya kaya malamang isusumbong siya nito kung sasabihin niya na kinaladkad siya ng lalaking ito dito para makabayad siya sa utang niya.

Grrrrrr......what should i do?

"And why is that?", para abogado itong umasta. At sinisipat siyang mabuti kung ano ang sasabihin niya.

"Tito, Adam here is my boyfriend, nandito kami para maglaro ng golf.", sabay ngiti niya at kunyapit sa braso ni Adam. Nabigla man ito ay hindi nito ipinahalata.

Naku naman at napasubo na talaga siya. Bahala na si batman sa kaniya.

"Talaga hija? Does your father know about this? Im happy for you, atlast may boyfriend ka na.", masayang bati nito sa kaniya, at mabilis siyang niyakap ng ninong niya.

"Tito hindi pa nila alam ni Papa, kaya please pwede bang ako na ang magsasabi sa kanila? By the end of this month papasyal kami doon.", sabi niya ng bahagyang nakangiwi.

Lagot na talaga. Mas lumalim pa ata ang pagsisinungaling niya.

"Okay sige hija. By the way Mr. Figueroa hindi natuloy ang meeting natin kanina.",baling nito kay Adam. Nakatingin lang kasi ito sa kanila at nakikinig ng kanilang usapan.

"Ahh..yeah.. about that..."

"Ah, tito pasensya na about it, ako ang may kasalanan. Kasi...kanina muntik na akong madisgrasya. Kaya pinuntahan agad ako ni Adam.",agaw niya sa sasabihin pa sana ni Adam. Dagdag pagsisinungaling na naman. Tumango-tango ang ninong niya ng nakangiti.

Something to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon