Chapter 3: I let her go...

71 1 0
                                    

...

Tinititigan ko lang siya, pero hindi niya ako pinansin, hindi ba siya natatakot sakin?

Nahalata na niyang tinititigan ko siya kaya lumingon siya sakin.

Nagkatitigan kaming dalawa, parang tinutusok ang puso ko.

Hindi ako pwedeng magkamali...

Si Jaime.

Si Jaime ba to?

"Yuegen?"

mahinang tanong niya.

Nang marinig kong binigkas niya ng pangalan ko agad ko siyang niyakap.

"Ikaw nga... Bakit ang tagal mong nagpakita? I've really miss you Baby girl."

bulong ko sa kanya, habang niyayakap ko siya ng mahigpit.

"I still love you." bulong ko.

"Hoy! Yuegen! Ikaw ba yan? wow new look! hoy sino yang pinupormahan mo?!" sigaw ni Jhake, at sinira ang moment namin ni Jaime.

"Sino ba... Is that you??? Jaime? Jaime Alcantara"

nagulat si Jhake ng lumingon si Jaime sa kanya.

At hinila niya palayo sakin si Jaime at niyakap niya rin.

[Nagseselos si Yuegen pero hindi lang pinapahalata.]

"Kamusta kana? dito karin ba mag-aaral? Saan ka na nakatira? Bumalik kana ba sa lola mo? ok ka lang ba? parang pumayat kana, baka naman may sakit ka?"

sunod-sunod na tanong ni Jhake sa kanya.

"Ok lang ako, thank you sa inyo pero kailangan ko ng mauna baka ma-late ako. Bye."

paalam lang ni Jaime samin.

Bakit parang nagbago siya, hindi na siya yung Jaime na palaging tumataw't ngumingiti.

Wala man lang siya reaksyon sa mga binulong ko.

Bakit?

Tumakbo lang siya. Pero hinabol siya namin ni Jhake.

"Jaime wait?!"

Sigaw ni Jhake at pinigilan siya.

"Sabay na tayong mag-lunch mamaya?"

tanong ni Jhake.

"Sige... bye na, late na ko."

mahinang sagot niya at tumakbo palayo samin.

Hindi man lang siya ngumiti, ni hindi man lang niya ko pinansin.

Bakit?

"Ah... Yuegen mabuti nalang nakita, kung hindi, hindi ko nakita at na yakap si Jaime. By the way gusto ko rin mag-sorry sayo, yung nangyari sa bar wala akong matandaan pero sabi ni Henry na sukahan raw kita."

sabi ni Jhake.

Walang matandaan?

Hindi mo ba talaga matandaan yung mga sinabi mo?

"Sige, alis na rin ako may class pa ko." sagot ko at tinalikuran siya.

Pa as if pa kong may klase...

Eh wala pala

Hay saan ako tatambay?

Doon nalang sa Food Court, para makapag-breakfast narin.

Hindi parin ako makapaniwalang bumalik na si Jaime.

Pero parang iniiwasan niya ko.

Baka naiilang siya sakin dahil sa Kiss na yun.

Book 1: My Five BFFsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon