C H A I N S O F P A I N
a story written by HannahpUsapDeal ©
I N T R O D U C T I O N
“Keara, para sa’yo oh.” Napatitig na lang ako sa isang bouquet ng bulaklak na nakatapat sa mukha ko hanggang sa unti-unting bumaba ito at bumungad sa akin ang mukha ng isang lalaki. Hindi ko maipagkakailang may itsura siya. Pogi. Matangos ang ilong. Maputi. Mayroong itim na buhok at brown na mga mata.
Ngumiti ako ng matamis sa kanya at napansin ko namang ang kanina’y kinakabahan niyang mukha ay napalitan na rin ng mga ngiting katulad ng ipinapakita ko sa kanya.
Kinuha ko ang bulaklak na nasa kamay niya. Sakto namang may basurahan sa gilid ko at itinapon ko ito doon. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat sa ginawa ko.
Naglakad na ako palayo na walang sinasabing anumang salita sa lalaking nagbigay sa akin ng bulaklak. Ramdam ko ang mga matang nakatitig sa akin habang naglalakad ako sa hallway ng school.
“Such a bitch.”
“Yeah. Akala mo naman kung sinong maganda e tinapalan lang naman ng make-up ‘yang mukha niyan.”
Napangiti ako sa narinig ko at sandaling tumigil ngunit naglakad ulit. Binalikan ko ang lugar na pinagtapunan ko ng bulaklak at kinuha ang bulaklak sa basurahan. Pumunta ako sa harap ng mga babaeng naguusap kanina at itinulak ang bulaklak ng may pwersa sa dibdib ng isa sa kanila.
“Anong problema mo?!!”
“Ayaw mo? Sorry. Akala ko sanay kang kumuha ng mga pinaglumaan at basura na e.”
“You!! Bitch!” Hinawakan ko ang kamay na dapat ipanghahampas niya sa mukha ko.
“Thanks.” Sambit ko at binitawan ko na ito. Tinulak ko siya sa kasama niya kaya napaupo silang dalawa sa sahig.
I was once.. no.. twice no.. thrice no.. a hundred times been fooled and played by others.
I’ve been cheated and betrayed.
I’ve been hurt.
And I swear this time, it won’t ever happen again.
--
Itutuloy? O itutuloy? Hahaha. Jk. Sana magustuhan niyo! ☺