C H A P T E R | 2 |
Meeting You
Keara’s POV
“Andrew, wag mo naman akong iwan! Wag naman ganito! Ano bang nagawa kong mali ha? Bakit ba ganyan ka?!!”
“Lea, tama na. It’s not you, it’s me. I’m sorry.”
“Andrew, please. Please. Hindi ko kayang mawala ka sa’kin. Please.”
Nakaupo ako sa bench ng isang park at nagbabasa ng libro habang may magsyotang nagtatangahan sa harap ko. Yung babae nagmamakaawang wag siyang iwan nung lalaki, tapos yung lalaki naman ayaw papigil. Ang gaganda pa ng lines, bagong bago sa pandinig.
“Andrew. Please. Magsalita ka naman. Wag mo ‘kong iwan. Please.” Ayun. Lumuhod na si babae habang hawak-hawak yung kamay ni lalaki.
“Tama na. Ayoko na.” Hinablot ni lalaki yung kamay niya na hawak ni babae at umalis na. Iniwang nakaluhod na parang tanga si babae.
Mga ilang minuto pang nakaluhod lang si babae dun habang nagiiiyak. Ts. Anong kabaliwan ba yun? Pinagmumukha na siyang tanga, pinapatunayan niya pa.
Tatayo na sana ako sa kinauupuan ko nang biglang lumapit sa’kin si babaeng nakaluhod kanina. Napataas na lang ang kilay ko. Hindi ako nagsasalita kahit na lumapit na siya sa’kin. Nakatingin lang ako sa kanya kaya siya na rin yung unang nagsalita.
“May mali ba sa’kin?” Tanong niya kaya napataas na naman ang kilay ko. Close ba kami?
“Tell me. Panget ba ako? Bakit.. Bakit ganun? Bakit kailangang iwan ako nang ganun-ganun na lang? May—” Hindi ko na siya pinatapos magsalita.
“Walang mali sa’yo. Masyado ka lang tanga.” Sabi ko.Umalis na ako sa harap niya at ibinigay sa kanya yung panyong dala ko. Ayaw ko siyang pakinggan. Naiinis lang ako. Naiinis ako sa kahinaan at katangahan niya. Naiinis ako kasi nakikita ko sa kanya yung dating ako..
Naglalakad lakad lang ako habang nagsisipa ng bato sa harap ko. Bakit kaya ang daming tanga sa mundo? Bakit kaya naging isa ako sa kanila noon? Ts. Ang panget palang tingnan ng ganun. Mukha kang ewan na masyadong desperada sa pagmamahal.
Napatigil ako sa sa paglalakad nang may makita akong malaking aso sa harap ko. Kulay itim ito at nakatitig lang sa’kin. Eye to eye contact kami. Psh. Problema nito? Naglakad ito ng marahan papalapit sa’kin, bawat isang hakbang nito palapit sa’kin ay isang hakbang ko naman palayo sa kanya. TAKOT AKO SA ASO! Buwiset. Isa pang lapit, tatakbo na talaga ako!!
“Arf!” Buwiseeeeeeeeeeeeet!!
Tumakbo na ako nang mabilis hanggang kaya ko at gaya ng inaasahan, hinabol ako nung asong malaking kulay itim. Inaano ko ba ‘to? Nakakainis! Nakakainis! Takot nga kasi ako sa aso! Nakakainis naman!! Wala ba ‘tong amo? Buwiset! Buwiset!
Takbo dito. Takbo doon. Napapagod na ‘ko. Hanggang sa.. matapilok at madapa ako. Ayos! Nakakarita. Naiiyak na ‘ko. Ayun yung aso palapit na sa’kin. Ang sakit ng paa ko!
“Bin! Hey! Come here.” Isang lalaking tumatakbo papalapit dun sa asong humahabol sa’kin kanina. Siya siguro yung amo nun.
“Ikaw talaga. Pinagod mo ‘ko.” Sabi nung lalaki sa aso niya. Pamilyar siya.
Napatingin naman siya bigla sa’kin sabay baling ng tingin sa aso niya. “Anong ginawa mo?” Sabi nito sa aso at lumapit sa’kin.
“Ilayo mo sa’kin ‘yan.” Sabi ko, hila hila kasi niya yung aso niya sa paglapit sa’kin e.
“Ah. Takot ka ba dito? Mabait naman ‘to. Hindi ‘yan nangangagat. Nanghahabol lang. Hahaha.” Sabi niya. Habang tumatawa siya na parang ewan sa harap ko, sinubukan ko nang tumayo mula sa pagkakadapa ko. Nakaya ko naman. Medyo hirap nga lang maglakad kasi masakit kaya paika-ika ata ako. Tsk.
“Huy saan ka pupunta? Teka lang!” Lumapit siya sa’kin at inilagay yung kanang kamay ko sa may balikat niya habang hawak-hawak niya yung bewang ko. Yung parang inaaalalayan ako maglakad. Inalis ko naman ito, nagulat ata siya.
“Kaya ko.” Sabi ko.
“Sus kaya raw e paika-ika nga maglakad. Mukha kang na-virginan diyan. Hahaha.” Tiningnan ko lang siya at naglakad na ulit palayo.
“Di mo na ba ako naaalala?” Narinig kong sigaw pa niya. Hindi na ako lumingon pabalik. Sa isip ko na lang siya sinasagot. Kung mga ex ko nga di ko na inaalala, siya pa kaya? Di ko naman siguro ‘to ex. Pamilyar lang siya.
“Haaaaaaaynako. Ulyanin!” Sabi nito at binuhat ako na parang sako ng bigas.
“Huy wait! Teka!! Ano ba?!! Ibaba mo nga ako!!!” Sigaw ko habang pinapalo-palo ko yung likod niya.
“Ibaba mo nga ako! Kaya ko naman sabi e!!” Ibinaba niya na ako. Ibinalibag ata yung right term, pabasta na kasi. Tiningnan ko naman siya ng masama.
“Sabi mo ibaba kita. Sige diyan ka na.” Sabi nito habang nakangisi at naglakad na palayo. Ts.
Nung medyo nakalayo layo na siya, sinubukan ko na ulit tumayo. Gaya nung una, hirap pero kaya naman. Kaso, bigla naman siyang bumalik at binuhat na naman ako nang parang sako.
“Ano na naman ba?!!”
“Hindi ko kayang makitang nahihirapan ang mga chix ko. Brick Mercado at your service! Just call my name and I’ll be there. Hahaha. Bin, tara.”
--
Brick. Right side. :)
