Chapter 1

48 3 0
                                    

C H A P T E R | 1 |

I’ll make you mine, I swear.

Brick’s POV

“Damn!! That girl!! Buwiset!!” Sigaw ko pagkaupong pagkaupo ko sa counter ng bar.

“Easy lang, dude. Hahaha.” Tinapik ako ni Gio sa balikat ko habang nakaplaster ang napakalaking ngiti sa mukha niya. Tangina. Masayang Masaya ang gago.

“Tigilan mo ‘ko diyan sa ngiti mo. Baka masapak kita. Ulol.”

“Hahaha! Masyado ka naman, pare—Op teka. Sagutin ko lang ‘to.” Sabi niya at umalis na sa harap ko. May tumawag kasi sa kanya. Gig na naman yun pustahan. May banda kasi ‘yan. Pinagpala sa boses e. Ayos lang, pinagpala naman ako sa mukha. Wala nga lang tinira sa boses ko.

Naiwan akong magisang nakaupo sa may counter ng bar habang iniikot ikot ang laman ng basong hawak ko. Tangina. Nabubuwiset pa rin ako sa nangyari kanina. Tss. Ikaw ba naman mapahiya sa buong school niyo dahil lang sa isang babae? E okay lang sana kung pangkaraniwan lang akong lalaki e, yung sanay nang mabusted? Di kapansin pansin. E, pota! Sa itsura kong ‘to? Habulin ng mga babae’t lahat irereject pa? Tangina lang. Mahangin na kung mahangin pero nagsasabi lang ako ng totoo. Di pa ‘ko nakakaranas mareject sa buong buhay ko! Ngayon pa lang! Putanginang ngayon pa lang!!

“Hoy, pare. Alis na ‘ko. Akina pera ko.” Bumalik na pala si Gio. Tss. Binunot ko na ang wallet ko sa bulsa at ibinigay sa kanya ang P5000 niya. Para saan yun? Dahil talo lang naman ako sa pustahan namin. Pag hindi ako nireject ni Kiesha ba yun? O Kryzelle? A malay ko ba sa pangalan nun! Pinagtanong lang naman naming kanina pangalan nun e tas nakalimutan ko na ngayon.Basta yung babaeng binigyan ko ng bulaklak. Pag hindi ako nireject nun, may limang libo ako at pag nireject, edi may limang libo ‘tong si Gio. E sa kamalas malasan e nakuha pa ‘kong ireject nung babaeng akala mo kagandahan e hindi naman. Hayup.

“Yun oh!Salamat, pare. Hahaha.”

Ahhhh!! Buwiset talaga!! Kung sino ka mang babae ka, humanda ka sa’kin. I’ll make you mine, I swear. You don’t  fvckin’ mess with Brick Mercado.

Keara’s POV

“Anong ginagawa niyo dito?”Tanong ko sa isang babaeng nakaupo sa couch ng condo ko.

“Anak..”

“Busy ako. Marami pa akong kailangan gawin. Makakaalis na kayo.”

“O-okay..” Tumayo na siya at humakbang papalayo. Hindi ko na kailangang ihatid pa siya, kaya na niya sarili niya. Kung ako nga nakaya ko sarili ko sa murang edad nang iwan niya kami ni Papa dati, siya pa kaya? Matanda na siya. Psh.

Napansin ko naman ang isang box na iniwan niya sa couch na inupuan niya. May card din na nakapatong kaya kinuha ko ito at binasa. Happy birthday, Keara. Yan ang una kong nabasa at hindi ko na pinagaksayang basahin pa ang mga susunod na nakasulat. Ano bang mapapala ko? Lumabas na lang ako para makapagpahangin.

--

Keara. Right side. :)

Chains Of PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon