CHAPTER 1

288 5 0
  • Dedicated kay Emjei Adinu
                                    

CHAPTER 1

      Fourth high school si James ng mapagdesisyunan ng kanilang barkada na sumali sa camping ng kanilang school gaganapin ito sa isang bundok malapit sa kanilang paaralan.

     Hindi mahilig sumama si James sa mga ganitong aktibidades ng kanilang school ngunit dahil na rin sa impluwensya ng kanyang mga barkada ay napilitan itong sumama.

     Dumating ang araw na aakyat na sila ng bundok ngunit bago sila umakyat isang malakas na ihip ng hangin ang kanilang nasagap nangilabot ang kanilang katawan at mula sa likuran nina james ay may sumulpot na isang matanda at ito’y nagbanta

  “Mag-ingat kayo mga anak may aswang dyan ang mabuti pa ay wag na kayong tumuloy  mapanganib sa lugar na iyon”

     Ngunit ito’y di pinansin ng kanilang taga pamuno tinuloy nila ang kanilang pag-akyat.

    “binalaan ko kayo nasa huli ang pag-sisi tandaan niyo ito mga anak”

       Noong una sila ay masaya pa pero nung lumalim na ang gabi biglang umulan at hindi nila namalayan na sila ay nagkahiwa-hiwalay.Ang barkada nina James ay kung saan-saan na napunta.

      “ Hoy pare san na tayo napunta?” ( Tony- isa sa mga barkada ni James )

       “ Pare di ko rin alam” ( james)

      Patuloy na naglakad amg barkada ng bigla na lang may narinig silang putok ng baril. Nabulabog ang nanahimik na bundok dahil sa pag-putok ng baril na iyon.Alam nina James na ang pag-putok na iyon ay galing sa kanilang taga-pamuno.Muli silang nag kasama-sama.

       Ilang beses nangyari sa kanila ito at napag-isipan ng kanilang mga guro na tumigil na sa parting iyon ng bundok. Swerte naman na nakahanap sina James ng maliit na kubo at dun sila nagtayo ng kanilang tent.

      Bago sila matulog ay nag- bonfire muna sila ngunit sa tuwing sisindihan nila ito ay umaambon at isang malakas na hangin ang dumarating.Napag- desisyunan nila na huwag ng ituloy ang bonfire.Bumalik na sila sa kani-kanilang tent at natulog na.

      Ngunit bago pa lamang hihiga si James ay may tumawag sa kanya.

       “James nagwawala yung kaklase natin”

       “ Pare nakaka badtrip ka hah matutulog na’t lahat eh nakuha mo pang mag-biro”

       “ Pare hindi ako nagbibiro totoo ang sinasabi ko lumabas ka na diyan”

         Bago pa man makapag-salita si James ay may narinig na siyang nagsisigaw at sa mga oras na iyon ay walang pakundangan na lumabas si James sa kanilang tent.

the mountain ghost ( a short story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon