Hello Loves !!!
Happy New Year sainyong lahat :)))
Ito New Year gift ko sainyo ..
Hope you'll like it loves ^___^
~ * GirlInTheRainn
***********************************************************************************************************************************************************************************************************************
Sabi nga nila..
Di mo malalaman na nagmamahal ka talaga kung di mo naranasang..
MASAKTAN
MAGSAKRIPISYO
MAGMUKHANG TANGA
MAGPAKAMARTYR
AT MAGHINTAY ng napakatagal para sa taong mahal mo. Ganun naman diba? Pag nagmamahal ka eh willing kang gawin isa jan sa mga nabanggit ko. Wala eh ganyan talaga pag nagmamahal. Minsan pa nga kung gaano ka katalino eh ganon ka kabobo sa pagmamahal.
Hello ako nga pala si Ericka Dianne Fuertez. 21 na ako. Fresh graduate sa kursong edukasyon. Ngayon ay nakatira ako sa Makati dahil sa Makati na ako magtuturo sa kadahilanang dito nakatira ang Tita ko eh sila nagpaaaral sakin kaya lumipat kami dito ni Mama. Gusto kasi nilang dito nalang kami at siyempre sila ang dahilan kung bakit ako nakapagtapos kaya payag naman ako sa gusto nila.
" Anak! Linisin mo na muna yung kwarto mo bago ka maglibot niyan ha? "
" haiynako Ma oo naman di ako palibot! Sige na maglilinis na ako "
Binuksan ko ang pintuan patungo sa bago kong kwarto at wow! De aircon at kulay violet ang kwarto ko w/c is nagustuhan ko dahil paborito ko ang Violet. Nagsimula na akong maglinis at magwalis. Pinalitan ko na din ang mga kurtina gamit ang bigay na kurtina ni Tita pati nadin ang bedsheet.
Pagkatapos noon ay binuksan ko na ang malabalikbayan box na dala ko na naglalaman lamang ng mga gamit ko.
Inayos ko lahat lahat pati yung mga teady bears linagay Ko sa lugar na kung saan ko sila gustong makita. Tanda ko na at may trabaho nako pero mahilig padin ako sa ganitong bagay. Feel ko kasi bata pa ako eh kaya ganito.
Pagkatapos kong mailagay lahat sa dapat nilang kalalagyan ay ilalabas ko na sana yung box ng mga gamit ko ng may nakita pa akong Mini Box sa loob na kulay Violet. Di ko na matandaan kung ano laman nito pero kinuha ko muna ito at inilagay sa may Table ko. Di ko muna ito binuksan dahil nagpasya muna akong maligo dahil sa sobrang pawis ko at sobrang dumi ko na din. Kung ano man laman ng box na yun mamaya ko na hahalungkatin.
~~~~~~~
Pagkatapos kong naligo ay agad naman akong nagayos at kinuha ang box na nakita ko kanina. Hindi ko alam pero pagbukas ko ng box tumulo ang luha ko ng tuloy tuloy
Nakita ko kasi sa loob picture namin ni Justin Dela Cruz.
Ang taong kababata ko, bestfriend ko, partner ko in crime at FIRST LOVE KO.
Medyo mukhang ewan pako sa picture namin dahil mukha akong bruha dahil sa booth namin nung High School kami pero ayos lang ito atleast may natitira pang picture naming dalawa. A picture can tell a thousand of memories kaya kahit ganyan lang picture na nakita ko na nakatago pa sa box na ito ay napapaiyak ako dahil memories of us came flashing back
* FLASHBACK *
" Bes ang pangit ko na! >.> Bat kasi ako pa yung ginawa niyong bruha dito sa horror booth eh!!!! " Pagrereklamo ko. Eh totoo naman kasi wala na beauty ko mukha akong di ko maintindihan -_-
BINABASA MO ANG
We're Destined
Teen FictionIt is not in the stars to hold our destiny but in ourselves.