"Edelweiss!!"
Agad akong nagising at napabangon sa pagkakahiga ko nang margining ko ang pangalan ko. Anak ng tipaklong, ng langgam, ng butiki, ng halimaw, ng tiyanak. Ah ewan!
"Edelweiss! Samahan mo ko oh, magsho-shopping ako dali! Tapos may ime-meet lang ako sandal!"
Bakas na bakas sa maliit at bilugang mukha nito ang pagkasabik, malamang gustong gusto niya ang pagsho-shopping. Alam mo yung pakiramdam na ang sarap sarap ng tulog mo tapos bigla biglang may mambubulabog sayo? Minsan ang sarap talagang sapakin ng mga taong ganon.
"Hoy mahal na reyna! Hindi ako sasama sayo, nek nek mo! Inaantok pa ako"
Sa tindi ng pagka badtrip ko sakanya, I did said the "Mahal na reyna" word, feeling ko kasi siya ang kontrabida sa tulog ko. Yung parang ako si Sleeping Beauty tapos imbes na si Prince Charming ang gumusing sakin eh it turns out na yung bruha ang nambulabog sa tulog ko.
"Eeeehhh, dali na kasi pleaseeeeee. And by the way you really sound Jacob today, yan ba ang effect niya sayo ha? You're like the female version of him. Siguro naistorbo lang talaga kita ano?"
Yung kahit hindi mo siya tignan eh alam mong nalungkot siya. Hindi ko siya pinansin at natulog na lang ulit bahala siya sa buhay niya, hindi charot lang ulit malamang kaibigan mo matitiis mo ba?
Kahit gaano kasama ang ginawa sayo ng kaibigan mo, kung kaibigan talaga ang turing mo sakaniya then you'll forgive her right? Hindi man agad-agad, but you'll come to that point na mismo ikaw eh mapapagod din in hating your friend, ok medyo may hugot na. Back to the story na.
And we just ended up waiting for that mysterious guy na sinasabi ni Stacy. Naka chat lang daw niya sa isang app na I really don't care kung ano man yun and it turns out na parehas sila nang pinapasukan na university actually kaming tatlo, isali niyo naman ako oh. Mahal na reyna by my side is a 3rd year student taking Psychology, at base sa pinagku-kwento niya sakin si mysterious guy daw ay 5th year na, taking civil engineering.
She didn't know his name kasi ayaw sabihin ng kuya niyong pa-mysterious ang peg. Pajeje din eh no?
"Stacy ang tagal naman ni kuyang jeje este si kuyang CE"
Agad akong tinignan nito ng masama yung akala mo kinuha ko ang isa sa mga shopping bags niya para itakbo
"How many times I told you na hindi siya jeje, sadyang mahiyain lang ah"
"Mahiyain pero makikipag kita? Not a good joke though"
"Edelweiss shut up!"
Nagbehave na ang lola mo ah, minsan talaga itong bruha na to nakakatakot. Minsan nga makiki team up ako kay Jacob at gagawa kami ng plano para sa bruhang to tas-
"Hi! Are you Stacy?"
Natigil ako sa pag-iisip ng mga bagay na pwedeng gawin kay Stacy para naman kahit papaano makaganti ako. Tumingin ako sa lalaki sa may harap ko at napatulala. Joke lang, oo may itsura pero mas pogi parin yung crush ko, as in duh, malamang crush ko yun ipagtatanggol ko yun. Ay aminin diba kayo din? HAHAHA
"Hello! Yeah I'm Stacy, you must be..."
"I'm Stephen Andrew Keats"
Sabay pakita si perfect smile. Tadaaaa and they lived happily ever after, the end. Joke lang ulit anyway nilayasan ko sila dahil alam kong isa akong malaking sabit at dahil hindi sila kasama sa story ko noh. Stephen Andrew Keats is a former member of the school band, umalis na siya kasi 5th year na siya at aminin man natin oh hindi, magiging sagabal ang band para sakanya. Sayang maganda din ang boses niya pero syempre para sa tenga ko mas magaling ang crush ko.
Dahil iilan lang naman ang gusto kong puntahan ditto sa mall, namili ako kung ano ang uunahin... book store, music store or dun sa may instrument store. Sige music store muna tayo ha, titingin ako ng album dun kasi kaka-come back lang ng EXO at nagdebut na ang BlackPink, kaya habang hindi pa butas si wallet my loves eh mabuti nang unahin ko na to, medyo mabigat to sa bulsa... oh aminin diba?
Pagkapunta ko sa may instrument store ay bumili ako kaagad ng guitar string No. 1, naputol na naman kasi yung string ko at nagtataka na nga ako bakit naputol na naman eh hindi naman ako halimaw kung makapag strum. Pero habang hinihintay ko yung string eh napatingin ako san aka display na gitara at ukulele na para bang sumisigaw na "BILHIN MO KAMIIII!!!!" oo nakakatemp pero wala na tumakbo na yung pera ko at nagtago dun sa kaha ng music store.
"I'll buy this one please"
Nagulat ako sa narinig kong boses mula sa aking tabi, hindi ko siya tinignan dahil siya lang naman ata ang may ganung boses na kayang magpakaba sa akin ng todo. Dahan dahan ko siyang tinignan, may hawak siyang isang gitara na kulay pink... PINK?! Bakit pink my loves?!!
"Ma'am ito na po yung string niyo, will that be all?"
Nakatitig lang ako kay my loves at dahil nagsalita ung babae eh napatingin siya sakin. JUSKO!! NAHULI NIYA AKONG NAKATINGIN SA KANYA!!!
"A-ah oo yan lang, thanks"
Pagkabayad ko dun eh agad akong umalis. Mula sa labas ng store ay tinignan ko ulit siya, may ngiti sa kanyang labi habang tinutugtog ang napiling gitara na again ay kulay PINK. Para sa kanya ba iyon oh... may pagbibigyan siya nun? Mas ok ata sakin na tanggapin na kalahi ko siya kesa naman sa may pagbibigyan siya nun.
Lumong lumo akong lumabas ng mall nang may nagtext sa akin.
Stacy: Mauna ka na, magkasama kami ni Keith. J
Haaaay buti pa si mahal na reyna mabilis maka move on. Kelan lang kasi sinabi niyang sumusuko na siya kay Jacob, para naman daw kasing wala siyang pag-asa dun kaya ayan trinay niya yung app na yun at naghanap ng bagong boylet ang lola mo.
"Patrick!!"
"Maxine!"
A girl calling my loves, parang nanunuod ng isang loves story where in yung dalawang bida ay nagkita, nagkagustuhan and the rest is history. MAXINE, ayon sa tawag sa kanya ni my loves. Ngayon alam ko na ang pakiramdam ni Jacob tuwing naririnig niya yung pangalan ni Stacy. Ngayon sa tuwing maririnig ko ang pangalan na Maxine, nakakabingi, at nagwawala ang mga mga auditory nerves ko. Pasensya na sa lahat na may pangalang Maxine. Jusko.
AN: the photo there is Roy Kim. I don't own the picture, credits to the one who own it. Thanks😊😊