SONG # 3

2 0 0
                                    



Patrick Justine Saavedra, 4th year student taking electrical engineering. The current vocalist of the school band, the guy who I really like at ngayon kahit na ayokong isipin ay naiisip ko na... girlfriend niya kaya si Maxine? Argghhh I exactly know the girl! Maxine Adrianna Marfin, 4th year student taking Business Management major in I don't care bahala siya sa buhay niya. She's the representative of our college kapag may mga beauty pageant, ano baang laban ko sa bruhang yan?

"Oh my gosh! It's so beautiful!"

And just what I thought, para sa kanya ang gitara na binili ni Patrick. And I hate what I'm seeing. Umalis na ako at umuwi agad sa bahay.

"Hey! Bakit tulala ka naman?"

Ugh, by the way it's my nakakaasar na kuya. Red Christian Baraquel, currently working at our company, malamang saan pa ba? Kung kayo eh may sariling companya at kasing tamad kayo ng kuya ko, malamang doon kayo magtratrabaho. Easy.

"Kuya bad trip ako, lumayo ka muna kasi nangangati yung kamay ko feeling ko gusto kong manabunot today"

Agad niyang tinaas ang kanyang dalawang kamay in defeat.

"Not my hair ok? Kakaayos ko lang nito, at may date ako ngayon"

I did go straight to my room. Nilagay ko yung head phone ko sa tenga ko at pinatugtog ang mga album na binili ko kanina.

Playing: Lotto – EXO

Sa mga sandaling iyon nakalimutan kong mag-isip tungkol sakanila. Sana malimutan ko yung scene kanina bukas.

"Hey Blue! Samahan mo ako sa computer shop magpapa-print lang ako"

"Kaya mo na yan Jacob malaki ka na"

Sagot ko sakanya habng binabasa yung assignment ko. Kapag nga naman gusto mong malibang gagawin mo na yung mga dapat na gawin, keep yourself busy so you won't have to think of him. Yung kahit na tipong lumong lumo ka na pero go lang, malibang ka lang.

"Come on!"

"Babatukan kita Jacob umayos ka dyan!"

Pero tumawa lang ito at hinila ako.

"Magpapasama lang eh, halika ka na dude"

Sa sobrang higpit ng pagkakakapit niya sa akin ay wala na akong nagawa kundi sumunod.

"Jacob ang haba ng pila baka malate tayo"

"Ok lang yan kesa naman wala akong ipasa diba"

This time hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko at nabatukan ko na siya

"Aba! Idadamay mo pa ako ha—"

Agad akong napatigil sa pagsigaw kay Jacob dahil sa narinig kong tawa. Sa sobra ko atang adik sa kanya pati tawa niya kabisado ko na. yung kahit di mo pa narerealize na kanyang tawa yun eh parang automatic na yung katawan at sistema mo na titigil at saka mo pa lang marerealize na siya yun.

"Patrick ang haba ng pila dito, sa kabila na lang tayo"

Parang hindi na ata ako makagalawa dahil alam kong nasa likuran ko lang siya, magkasunod lang kami sa pila. Yung scene na nakita ko kahapon, nakalimutan ko na bigla at parang ako na talaga ang pinaka masayang bida sa kanyang istorya. Sorry na ang OA pero ganun naman talaga pag-involve si crush diba?

"Ganun din naman sa kabila eh, dito na tayo magpaprint at malalate na tayo"

Yung boses niya talaga parang may sariling I.D. na agad kong nakikilala. Hindi ko na naintindiham yumg kinukwento ni Jacob basta ang alam ko, nasa likod ko lang. mas malapit this time. Hindi yung pinapanuod ko lang siya mula sa mga practices nila, this time super abot kamay ko lang siya.

"Miss, nahulog mo oh..."

Sa tuwing naririnig ko siyang kumakanta kapag nagpapractice sila, yung tipong kahit anong badtrip mo that day parang nalulusaw yun ng maganda niyang boses at mapapangiti ka na lang...

"Miss..."

Tapos hindi mo mapipigilan na mapatingin sa maamo at gwapo niyang mukha, tapos kung minsan yung mga kinakanta nila eh feeling mo ay pang background music ng love story nyo tapos---

"Hoy Blue! Nahulog mo daw oh!"

"Wag mo kong sigawan hindi ako bingi!"

"Eh bakit hindi mo naririnig yung crush mo oh, may inaabot sayo"

Agad akong natigilan sa sinabi nito at napatingin sa likuran ko. Nakatingin ito sa akin at tila ba nagulat din sa kanyang narinig at pagkaraan ay ngumiti din ito habang hawak hawak ang isang piraso ng papel

"Ate nalaglag mo oh"

Agad kong inabot ang hawak hawak nito... at agad na tumakbo palabas.

A Song For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon