1

37 9 37
                                    

Sakura Yamamoto
Adam Hidalgo
-
(Intro)
-
[Sakura's POV]

Ahh..cherry blossoms.
Iba talaga sa pakiramdam ng isang pure Japanese pero lumaki sa Pinas ang makikita ng cherry blossoms o Sakura sa Japanese. Nakakahalina ang makapanood ng pagbu bloom ng pambansang bulaklak ng bansang pinanggalingan ng angkan ko.
Tumayo ako at naglakad lakad habang nahuhulog ang mga petals sa paligid. Nakakatuwa talaga. Ang saya sa pakiramdam. Sana ganito na lang palagi. Ahhh..
"Sakura! Sakura alas otso na!"
Anak ng--
Bigla akong napadilat at nakita ang wallpaper kong cherry blossoms na nakadikit sa kisame ng kwarto ko. Wala ang mga naglalaglagang petals. Walang mga ibong lumilipad. Tanging picture lang ng napakagandang tanawin ang nakikita ko.
Panaginip?
Kingnabitch.
Panaginip nga.
"Sakura! Gising na! Alas otso na."
Muli kong dinig sa pagtawag sakin ni Roselia Gatmaitan,isang pure Pinay na tindera sa isang karinderya na nanay ko pala.
Ah. Alas otso na daw. Ano ngayon kung alas otso na?
Balik ako sa pagpikit. Nagbabakasakaling mapanaginipang muli ang mala paraisong lugar na iyon. Sayang naman kasi di ko pa nasusulit pagmasdan yung cherry blossoms. Kahit sa panaginip lang.
"Alas otso na."
O_O
Watdaperk!
Agad akong napabangon at napatakbo diretso sa banyo sa baba. Sa kamamadali napatid pa yung tsinelas na suot ko. Lampake! Late na ko!
"Ma! Kenez naman! Ba't ngayon mo lang ako ginising?!" Alas otso sakto yung subject namin ngayon eh. May test pa kami sa PGNC. Shaks,five minutes na paligo,ten minutes na pagbibihis,five minutes na pag-aayos,fifteen minutes na biyahe,pag minalas twenty to thirty minutes. Shet wala pa kong kain kain nun. Dalawang oras lang yung one hundred question test namin na puro enumeration at essay pa. Halos isang oras na lang akong magte test,baka di pa tapos! Argh! Nu ba yan!
"Anong ngayon lang? Kanina pa kita ginigising. Kinurot pa nga kita sa singit sabi mo wala kang pasok di ba?"
"Sinabi ko yun?"
"Oo dalian mo dyan!"
Wala kong maalala -_-
Amp!
Buhos,sabon,shampoo,banlaw. Tapos agad. Nagtapal na lang ako ng tuwalya saka dali daling tumakbo pataas--pabalik ng kwarto ko para magbihis.
"Hoy ang tanda tanda mo na nakaganyan ka pa rin--" Di ko na pinansin si mama. Masyado na kong nagmamadali eh saka bakit ba makinis naman legs ko noh. Pang model.
Oh ayun. Di ko na ikukwento yung mga ritwal na ginawa ko sa harap ng salamin basta 45 minutes akong na late sa subject. Buti na lang medyo mabait si sir Ramos di na sya nanermon at pinagtest na ako agad. At swerte ang pagong,lima lang ang di ko nasagutan! Phew.
Saktong alas diyes idinismiss kami kaya kanya kanya naman kaming larga. Bigla kong nakasalubong si Eunice.
"Girl!"
"Oh? Tapos na kayo?" Tanong kong hindi sa kanya nakatingin kundi sa lalaking makakasalubong namin. Hindi kami mag classmate ni Eunice,iba kasi yung course nya,IT. Eh ako Political Science. Nga pala fourth year na kami.
"Hindi ako pumasok."
"Gaga nito. Graduating ka na oy."
"May hinahanap kasi ako."
"Sino?"
"Si Red."
"Sino?" Ulit ko ng tanong sa kanya habang palabas na kami ng gate ng campus. Bigla syang tumigil sa paglalakad saka nagtali ng sintas kaya tumigil rin ako. Nagpatuloy sya sa pagsasalita.
"Si Red. Yung admin ng Enigma's Horror."
"Ano naman yun?"
"Ay ang tanga naman neto. Anong taon ka ba pinanganak at wala kang alam sa mundo?"
"Maka tanga ka ah. For your information kilala ko si Carrot man."
"Tsk. Ewan ko sayo." Pagkatapos nyang ibuhol yung sintas ay nagpatuloy kami sa paglalakad.
"Tuloy mo yung kwento."
"Ganito kasi yun. Alam mo yung deep web?"
"Forbidden wiki na hindi madaling i access. Parang underground market daw yun eh. Oh tapos?"
"Yung Enigma's horror,site sya na naglalabas ng mga nakalagay or makikita sa deep web na hindi mapasok ng iba."
"Weh?" Di ako naniniwalang sabi ko.
"Sabi nila meron daw death wish yung admin nun na si Red kasi nagagawa nyang isiwalat yung mga laman ng deep web na yun. Edi ba nga sabi nila pag nakapasok ka raw sa deep web nakakatakot na kasi may makakakilala sayo? Pano pa kaya yung ipagkakalat mo yung mga nandun? Baka ngayon hina hunting na yung admin ng abnormal site na yun eh."
"Ano bang laman ng deep web?"
"Ayon sa Enigma's horror..Gore. Child porn. Hired hitman. Bentahan ng mga drugs,baril. Bentahan ng mga bata or mga laman loob etc. Pero meron syang latest post na parang pinakasecret ng deep web. Yun yung 'live show'."
Napatigil kami sa paglalakad nang makarating kami sa harap ng chapel. Saglit na nag sign of the cross at nagpatuloy sa paglalakad.
"Live show?"
"Live show. Isa lang yung pinanood ko pero sobrang di na ko makatulog ng mahimbing mula nung mapanood ko yun."
Interesting. Parang nate tempt tuloy akong mapadpad sa sinasabi nilang deep web.
"Merong tatlong video na in upload si Red. Yung isa sa lalaki,isang babae pero yung pinanood ko yung sa bata. Sa video makikita mong parang may chatbox na nag appear,tapos yung name na gamit nya is Redenigmaxx na si Red for sure yung may gamit. Bawal silang mag type na mga nanonood sa mismong video na nasa deep web. May isang account lang na nagko command ng utos sa dalawang lalaking nakamaskara. Yung username ata nun Xsophj0909. So ayun,shit kinikilabutan ako. Nung nagsimula yung video,may bata,mga edad five to seven years old na naglalaro sa gitna na may parang spotlight. Madilim sa paligid nya pero tuloy pa rin sya sa nilalaro nyang video game. Nung magtype yung nagko command ng start,lumabas yung dalawang lalaking nakamaskara saka lumapit sa bata. Biglang nagtype si Xsoph ng 'Scream at him'. Edi syempre bata yun kaya natakot,umiyak. Kala ko ganun lang yung gagawin kaya di ko na sana tatapusin yung video kaso bigla na namang nag type yung di ko alam parang director ata ng live show na yun sabi nya 'Slap him'. Aba child abuse na yun sabi ko. Dahil sa na curious ako sa kung ano pang gagawin nila sa bata pinagpatuloy ko yung panunuod. Sunud sunod na yung command,'Slap him','Punch him','Kick him'. Nagiging bayolente na yung video saka kawawa na yung bata iyak ng iyak. Maya maya nag type na naman yung director. Tangina na wish ko na sana hindi ko nabasa yun kasi napamura talaga ako sa computer shop nung nabasa ko yung tinype nyang 'Take his intestines out.' Dahil napamura ako maraming tumingin sakin at nakinood. I e exit ko na sana kaya lang may nagsabi wag daw muna,bayaran nya na lang yung time ko kaya yun pinagpatuloy namin yung panunuod. Ilang minutong walang ginagawa yung dalawang lalaki habang yung bata pumapalahaw na ng iyak. Maya maya may dalawang nakabihis doktor na di makita yung mukha. May dalang gunting saka kung anu anong mga gamit tapos nagsimula na silang operahan yung bata na walang anestisya."
Nagpatuloy kami sa paglalakad habang ako ay pilit na iniimagine sa utak ko yung eksena. Isipin ko pa lang yun,naduduwal na ko. Tangna,totoo kaya yun?
Nanginginig man at ngarag ang boses ay nagpatuloy sa pagku kwento si Eunice. Ibig sabihin natatakot sya. So,totoo yun?
"K-Kitang kita sa video kung pano nilang hiniwa yung tiyan nung bata saka dahan dahang..inilabas yung bituka nito.."
"Ugh! Tangina! Totoo ba yan?! Bakit walang pumigil? Bakit di kayo tumawag ng pulis?!"
"Hindi ko alam! Ilang araw ng tapos yung nangyari nung mapanuod ko yung video!" Umiiyak na si Eunice. Takot na takot sya.
Bigla kaming napatigil sa paglalakad at naupo sa isang karinderya.
"Makikihingi po ng tubig." Magalang na pakiusap ko sa ateng nagbabantay sa karinderya na agad namang tumalima nang makitang umiiyak ang kasama ko. Dinalhan nya kami ng pitchel na may yelo saka isang baso. Sinalinan ko naman ng tubig yung baso saka agad na iniabot yun kay Eunice.
"Thank you po."
"H-Hindi ko na alam kung anong gagawin ko..namin..habang pinapanood namin yun isa isa kaming nag-iiyakan. Biglang may lumabas sa screen..tinatanong kung gusto ba naming makitang mamatay yung bata. Sinumpa kong gusto kong idiin yung salitang no..pero nanunuod lang ako..at lalo akong napaiyak nung um-oo si Red. P-Pinatay ko na yung computer pagkatapos nun..ayokong makitang patayin nila yung bata..bata pa yun!" Humahagulgol na pagtatapos nya sa kwento. Bigla akong napamura. Kung totoo yun,sinong gagawa ng mga ganung nakakatakot na bagay?
"B-Bakit mo hinahanap si Red?"
"Kasi..alam nya kung paanong makapasok dun..baka pag nakapasok ako dun sa web na yun baka masabi ko yun sa mga pulis at--"
"Wag! Tanga ka ba?!" Bigla akong napatayo na ikinatingin ng ibang napapadaan sa harap namin.
"Bakit mo sasabihin yun sa iba?! Alam mo bang bawal maglabas ng kahit anong information tungkol dun? Ok sana kung makukulong ka lang eh,pano kung hindi mga pulis yung magpahanap sayo? Pano kung yung mga taong nandun sa web yung magpa trace sayo tapos--" Kusa akong napatigil sa pagsasalita nang makita kong titig na titig sya sakin.
"Ipapatay ako?" Sya na ang nagtapos sa sinabi ko. Bigla akong napabuntung hininga. May mangilan ngilan pa ring napapatingin sakin dahil sa biglaan kong pagsigaw kanina kaya yumuko na lang ako't bumalik sa pagkakaupo. Gusto ko mang sabihing hindi ganun yung mangyayari--hindi ko maiaalis yung posibilidad na hindi yon malabong magkatotoo kung magsusumbong sya sa mga pulis at may ibang makaalam na pumasok sya dun. Hindi biro yung pinasok nya. Tsk,ano bang sasabihin ko?
"Umuwi ka na." Tanging nasabi ko sa kanya. Walang sali-salita'y agad kaming tumayo at tinahak ang daan pauwi--
/Kriiiiiing./
Bigla akong napamulat ng mata at napatingin sa maingay na alarm clock. Alas kwatro ng madaling araw. Ano yun? Teka,panaginip rin ba yun? Ano bang napanaginipan ko? Sino ba yung kausap ko? Teka,kanina nanaginip ako tungkol sa cherry blossoms ah eh anong--
"Mamamatay ka na.."
Sino yun?
M-May tao ba dito bukod sakin?
"Sino yan?"
"Mamamatay ka na.." Mula sa kung saan ay may nakita akong tao..naka itim at hindi ko makita ang mukha pero kitang kita ko nang tamaan ng sinag ng buwan ang hawak nitong--kutsilyo.
B-Bakit..
Bakit sya may kutsilyo?
Anong gagawin nya?
"A-Anong gagawin mo?"
Dahan dahan..naglakad ito palapit sakin. Habang iwinawagayway sa ere ang hawak na patalim. Alam ko kung anong balak nyang gawin pero hindi ko maikilos ang buo kong katawan para tumakbo't humingi ng tulong. Ni walang tinig na lumalabas sa bibig ko kaya kahit gusto kong sumigaw ay hindi ko magawa.
T-Tulong..
Tulungan nyo ko.
Nang isang metro na lang ang lapit nya sakin ay saka sya tumigil..at doon ko lang nakita yung mukha nya..
Si papa.
H-Hinde..
AAAAAAHHH!
~Blag!~
O_O
"Anong--"
"Sakura? Sakura bangon na." Dinig kong boses ni mama mula sa baba. Teka..panaginip na naman? Ilang beses ba akong mananaginip sa isang araw? At ito? Totoo na ba 'tong pagbangon ko?
Tumayo ako at tumatakbong bumababa papunta kay mama. Sa kamamadali,napatid pa yung suot kong tsinelas. Deja vu. Pero bukod sa napatid kong tsinelas,kasabay din nun ang pagkadulas ko sa ikatlong palapag kaya--
~Blag!~
"Aw!" Masakit. Masakit? Walang duda,gising na nga ako. Hindi na to panaginip. Masakit ang pwet ko.
Agad akong tumayo at hinimas himas ang masakit kong puwet habang hinahanap si mama. Ayun,nasa kusina pala at nagsasangag.
"Oh,kain na."
Nagmumog ako't agad na naupo sa mesa. Sa wakas,di na to panaginip.
Saka ko lang naalala. Wala akong kilalang Eunice. Wala kaming alarm clock sa bahay. At hindi ko kilala yung tatay ko. Sino kaya yun?
"Ano,masarap ba?"
Natigil ang pagnguya ko sa sinangag na may itlog nang humarap si mama at may hawak na kutsilyo.
Saka nanlaki ang mga mata ko.
Bigla ko ring naalala,oo nga pala..isang taon nang patay si mama..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I fell in love with a criminalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon