Chapter 13:

213 10 3
                                    

Napatitig talaga ako sa kanya, ang aliwalas naman kasi nang muka niya ngayong bagong gupit siya

"Bakit ganan kang makatingin sobra kabang nagagwapuhan sakin?"

Saka ko lang napansin na nakatitig pala talaga ako nang halos walang kurap nang bitawan niya ang mga salitang iyon. Narinig ko naman si Papito na bahagya ding napatawa.

"Hoy! Hindi ha! Nagulat lang ako kasi finally muka kanang tao hindi unggoy" Dipensa ko, syempre alangang ipahalata ko talagang naggwapuhan ako sa kanya edi lalo to nag assume.

"Fine" Sabi niya at naglipat nang tingin kay Papito.

"Papito, ililibot ko lamang siya sa rancho at gagamitin ko si Xander"

"Oo naman apo, sasabihin ko kay manang na magluto na para dito nadin kayo makapag hapunan mamaya, magiingat kayo ha? Khaylle magiingat ka dito sa apo ko naku" Biro naman ni Papito medyo napatawa ako pero parang wala lang kay Renny ang birong iyon.

Tiningnan niya ako na parang sinasabi niya na umalis na kami wala akong ginawa kundi sumunod nalamang.

Habang naglalakad kami ay hindi kona kinaya ang katahimika  sa daan na tinatahak namin kaya nagisip ako nang pupwedeng pagusapan para mabasag ito.

"Sino si Xander?" Tanong ko dahil kanina pa talaga ako nagtatanong kung sino yun.

"Malalaman mo tutal ay malapit na tayo"

Hayyy. May limang minuto narin ata kaming naglalakad malayo paba? Napapagod na kasi agan ako eh.

Makalipas ang dalawa pang minuto ay may natanaw akong isang matandang lalaki na nag wari ko'y nag aantay doon sa tirahan nang mga hayop. Nilapitan ito ni Renny at binigyan nang yakap.

"Magandang araw Mang Fidel! Kamusta kayo dito sa rancho?" Masiglang bati ni Renny. Mahahalata mong close sila dahil sa expression nang kanilang muka.

"Alyza! Buti naman at napadalaw ka. Maayos naman ako dito sa rancho." Masiglang tugon nang matanda

"Oo naman Mang Fidel" sabi niya at napatingin sakin naalala ata na mayroon siyang kasama. "Oo nga pala Mang Fidel  ito si khaylle" pagpapakilaka niya sa akin, agad kong inalok ang aking kamay at nakipag kamay.

"Ang ganda mo naman iha, nobya kaba ni alyza?" Parang nawawalan nako nang gana kasi halos lahat sa unang pagkikita namin ay ganoon ang tanong. Hahahays

"Naku hindi po!" Sabay naming kontra ni Renny.

"Asus osya halina kayo at ihahanda kona si Alexander" Matapos noon ay tinahak na namin ang loob.

Sa dulo nang kwarto nang bawat kabayo ay mayroong puting kabayo. Binuksan ni Mang Fidel ang gate at inilabas ang kabayo.

"Siya si Xander ang kabayo ko" Sabi sakin ni Renny.

Inaayos niya ang kanyang kabayo hindi ko alam kung saan kami pupunta at kelangan gamitin pa namin ang kabayo niya

"Saan naman tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.


"Basta wag kana magtanong sumunod kana lang" Inirapan ko nalang siya porke bagong gupit ang sungit hays. Inilabas na niya ang kanyang kabayo.

"Sakay" Makapag utos to kala mo nanay ko siya ah. Sasakay ako sa kabayo? Ayoko nga!

"Ayoko baka malaglag pako dyan!" Pagdadabog ko dahil sa muka niyang hindi katiwatiwala baka malaglag pako eh.

My Imperfect PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon