BTW - It's Love! Chapter 1

20.8K 405 139
                                    



BTW – IT'S LOVE!

CHAPTER 1

"Today is a good day."


HANNAH

"25...4...33...12...41...53! Okay, here, Ate. Sana manalo naman ako this time."

"Sana nga po, Ma'am. Good luck po."

Who knows? Baka ako pa ang next na maging milyonaryo sa Pinas. Naglakad ako pabalik sa kinatatayuan ni Jenna, my friend since highschool. Obviously, her expression cannot be painted once again. Alam ko naman na ayaw niyang gumagawa ako ng ganito. Sayang lang daw sa effort.

"Ano? Tapos ka na mag-aksaya ng huling pera mo?"

Inakbayan ko siya. "Girl, kapag ako tumama sa lotto – aambunan kita kaya 'wag ka ng harsh sa 'kin. Okay?"

"Whatever. Tara na at kanina pa nagte-text sa 'kin si Ma'am Carmi."

Yes, as usual – back to my real world again. One year and a half na since maka-graduate ako at makakuha ng junior position bilang Communication Coordinator sa isang kilalang advertising company dito sa Pinas. Everything's going my way not until ang mayabang na ako ay magpaalam sa 'king mga parents to let me experience being independent. Tipong, I'll have my own space for myself like a grown up should be. Kaso lang... It's not easy as I imagined.

I didn't expect na life would be so hard to live. Paying your own bills at pati ang kakainin mo daily? No one told me that it would be a disaster. Nangako pa naman ako kay Papa na ibibili ko siya nung limited edition home theatre for his birthday – four months from now.

"Alam mo wala kang kadala-dala. Naloko ka na nga sa online paluwagan scam na 'yan tapos ngayon e itataya mo 'yang pera mo?" Ngabuntong-hininga siya. "You're a lost case."

"Wala na 'kong ibang way para mabili 'yung birthday gift ko."

"Ewan ko sa 'yo."

"Okay lang 'yan. Sweldo naman bukas."

Nakarating na kami sa office at hindi pa man ako nakakaupo sa pwesto ko eh pinatawag na 'ko ng superior ko. Lately, sunod-sunod ang pinapatawag dahil mukhang apple of the eye ng owner ng kumpanya ang department namin ngayon simula nang dumating siya from London.

"Sorry po. Aayusin ko na lang po."

"You should dahil ang owner ng company ang nakakita ng mali na 'yan, and he's not happy. Pati ako mapapagalitan sa incompetence n'yo."

After kong masermonan, lumabas na rin ako para ituloy ang trabaho ko. I checked again those materials na kailangan ng mga boss ko para sa presentation nila. Apat na beses ko na rin binasa 'yung mga sinulat ko para wala ng masabi 'yung may ga-benteng mata na owner ng company namin. Lahat ng mali, kita niya!

Pababa kami ng cafeteria para mag-meryenda ng mga office mates ko habang topic na naman nila ang owner ng company. Minsanan lang kasi dumating 'yun at puro may mga higher position lang ang nakakakita sa kaniya. In disguise mode siya palagi. Sabi nila, style niya raw 'yun to observe company's performance.

"Tingin n'yo? Ilan taon na siya?"

"40!"

"Tingin ko 47 ganyan..."

"Mali kayo, guys. Nakausap ko si Kuyang janitor at ang sabi niya, mas bata siya sa inaakala ng lahat. I bet 35."

"Ikaw, Hannah? Ano'ng hula mo?"

BTW - It's Love!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon