BTW - It's Love! Chapter 2

6.4K 251 73
                                    

BTW – IT'S LOVE!

CHAPTER 2

"My Secret – Your Secret?"

HANNAH

"Ano ba, Hannah!? Masisira 'yang keyboard sa 'yo, ah?"

Tuloy-tuloy pa rin 'tong pagta-type ko kahit napansin na 'ko ni Jenna. Ah, basta! Nakaka-badtrip talaga 'yung mag-ari ng kumpanyang 'to. I don't know if I'll be flattered or disgusted...

"Nagustuhan ng owner 'yung articles at press releases na nilabas mo last week. Very crisp and punchy daw... Good job."

"Thank you po."

"He's requesting us to produce five more articles for tomorrow since we held three important events last weekend."

TOMORROW!? FIVE!?

"Kainis talaga..." I murmured.

"Sino?" 'Yung may-ari!

"Wala. Hindi nga pala ako sasama sa inyo mamay—."

"NO WAY! Favorite resto mo 'yun, girl."

I looked at her with envious eyes. "I know... I don't have a choice." Sa sobrang seryoso nung Edward na 'yun sa deal niya, he asked me to let him manage my savings and he'll just give me the right amount of budget every day.

Though I have to admit na kahit nakakataka 'yung dedication nitong si Edward sa deal na 'to, you can't erase the fact that I also have this little hope that he can help me achieve this goal for my Pa's birthday.

Nag-uwian na ang mga kasama ko nang maisipan kong i-text si Edward. I need an additional budget for my dinner since hindi naman ako makakauwi to eat the food I've prepared para makatipid. I continued to work while waiting for his reply nang mapasigaw na naman ako sa ginawa niya!

"AHH—MMM!!"

"Seriously, woman. Ilang kape iniinum mo every day?"

Tinanggal niya 'yung kamay niyang nakaharang sa 'king bibig. Bigla naman kasi siyang umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. 'Di ko na naman siya napansin!

"AH!" iling niya pagkapalo ko sa braso niya.

"Pwede ba!? 'Wag kang nanggugulat!"

"Fine. Here..."

Inabot niya 'yung seventy pesos? Tiningnan ko siya nang masama.

"Niloloko mo na naman ba 'ko? Seventy? Gusto kong kumain ng masarap dahil sa stress ko sa boss natin." Teka... Did I see it right? Ngumisi ba siya pagkasabi ko no'n? Just my imagination... "Pinag-iinitan ata niya 'ko e!?"

He cleared his throat. "Maybe you've done something wrong?"

"Wrong... Teka? E 'di ba sabi mo okay na 'yung nangyari sa penthouse niya?" He nodded. "Oh, 'yun naman pala. Bakulaw talaga 'yung may-ari ng kumpanyang 'to. Matandang binata siguro kaya pati bitterness niya pinapasa sa junior employee niya. Makita ko lang 'yun, nako!" Sabay kain nung cupcake na bigay sa 'kin.

Natawa naman siya, and this time – I won't let it pass.

"May nakakatawa ba?"

He stopped but her mocking smile still lingers on his kissabl—LIPS! Lips only...

"Nothing," he answered then he grabbed my last cupcake and ate it.

"EHH!" iling ko sabay palo sana sa braso niya nang bigla niyang mahuli 'yung kamay ko. Inalis ko agad sa pagkakahawak niya. 'Yung dibdib ko, kinakabahan na naman. "Bakit mo kinain!?"

BTW - It's Love!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon