Chapter 11

29 3 0
                                    


" H-hindi ko aa-alam.... "

nanlamig ang mga tuhod ko.
Mistulang hindi ako makagalaw.

Kumawala si Niccolo sakin.

" Wag mo akong iwan.. " bulong ko.
" Kailangan mo to. Sumunod ka nalang pagkatapos. " sabi nya at iniwan kamingdalawa.

Ano ba tong ginagawa nya? Akala ko ba tutulungan nya akong magmove on?
Diba dapat iniiwasan ko na sya?
Diba dapat hindi ganito ang nangyayare pero ano ba to.

Ano pa bang kailangan ko?
Kailangan ba paulit ulit akong masaktan? ipagsukdulan na hindi nya ako gusto?

Saan ba kasi ako nagkamali....

" Cy. A-alam kong huli na ang lahat. Pero hindi ko naman hinihiling na patawarin mo ako. Gusto ko lang magpasalamat..... dahil....ikaw lang yung taong naghintay sakin. Salamat sa pagiging kaibigan ko. Pero patawad, dahil sa pagbabago ko. Hindi ko na maiibalik pa yung dating ako, at kung ano mang meron tayo dati. Bata pa tayo non, wala pa tayong problema, wala tayong mga responsibilidad. Kaya wala talaga. Pero gusto ko lang malaman mo, na kaya ko to ginagawa........basta. maiintindihan mo rin. " sabi nya.

Ano bang sinasabi nya.

Talaga ba bang kailangan nya pang sabihin ang mga ganyang bagay sakin...

hindi sa dahil mahal ko sya, kundi dahil sa sinasabi nya tungkol sa pagkakaibigan naming hindi na pwede pa.

Lumapit ako sakanya.

Hindi ko kayang magalit. Hindi ako ganung tao.

" Eto lang siguro yung dapat kong marinig para tumigil na ako. " sabi ko

" At oonga pala, eto narin yung hairclip na bigay mo dati. Hindi ko na yan kailangan ngayon kaya ibabalik ko na sayo. "

ayaw ko man sabihin.... sobrang sakit man para sakin...pero kailangan ko na syang limutin.
Kailangan kong iwan lahat ng ala ala.
Kailangan kong bitawan yung kahit pinakakonting nararamdaman ko.

I know....pain soon fades and tears will just turn to memories.

Lumabas ako ng pintuan...
Pinawi ang mga luha at ngumiti.

Nakita ko si Niccolo na inaabangan ako sa dulo ng hagdanan.

" Kain na tayo. " sabi nya.

Pumunta na kaming canteen at napatingin naman samin ang buong barkada....

" May dapat kang malaman.... " sabi ni Biel sakin.
" Narinig mo na ba yung balita? " sabi ni Jaye
" Cy. engaged na si Lucas. " sabi ni Hazel.

pero unti unti.
inaabangan ko talaga kung kikirot na naman ang puso ko.

pero mukhang wala na tong nararamdaman...

" Masaya na ako para sakanya :) "

" o.o Baby sis......" sabi ng kuya.

" Para kayong mga gago. Tara na! gutom na ako. Okay lang ako. " sabi ko.

" Mabuti naman kung ganon. " sabi ni Nathan.

" Celebrateeee. " sabi nina Mark

tas umorder na kami ng makakain.

Katabi ko si kuya.

" Huyyy. Sigurado? ok lang ikaw? "
" Oonga. Pero ikaw. Mag audition ka pa mamaya ahh. "

" Yun na nga eh. Kailangan daw umisip ng linya na tatak sa judge para makapasok ako. " sabi nya.

" Eh inang. Wala ka nang pagasa. puro kasi nonsense yang nalabas sa bunganga mo. " pambabarang ko.
" Aba. nahiya naman ako sa baba mo. " sabi nya.

FRIEND/ZONE ❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon