YBMH 4

256 19 1
                                    

Pinasyal ko siya sa kompanya namin. Kaso nga lang ay nainis ko kay tita Glenda. Eh,kasi naman may pinagawa siya sa akin about Ricaforte's and Lambert's kaya siya na yung sumama kay Mr. Garths.

''Bree!''

It was tito Bogdan. Pinsan ni dad. Pabalik na sana ako ng office noon dahil may tawag daw sa akin at hinihintay ako. Inakbayan niya ako at pasimpleng binulungan.

''Can I ask you a favor?''

Tinaasan ko siya nang kilay. Alam ko na ang ganitong eksena eh. Makiki - usap sa nang number sa bagong sekretarya ni tita Glenda sa Ricaforte Building.

''A.yo.ko.'' inirapan ko siya at deretso lang ang lakad.

''Bree naman. Di ko pa nga nasasabi ang favor ko eh.''

''Tito, matanda ka na. Bata pa ako. May pa favor - favor ka pa. Ay naku!''

Sinundan niya ang lakad ko at inakbayan ulit ako. Bakit ba nandito siya? Gayong dapat nasa Gym nila siya. Pagpapalaki nang muscles at pagpapapogi lang naman ang alam niya. May anak na siya, ang kaso ay nasa nanay nito ang bata. Kesyo, hindi niya naman daw mahal yung nanay kaya nagtatago siya ngayon. Bakit naman nandito siya sa Lambert's building?

''Okay, sayang. Ili - libre pa naman sana kitang pumunta sa Run for a Cause namin ni kuya Lorvin. Sayang din yun kung magbabayad ka pa.''

Nanlaki ang mata ko at natigil sa paghakbang.

''Kasama ang charities ni Raffy?''

Tumango siya habang may ngisi sa mukha. I crossed my arms into my chest at tiningnan siya ng deretso sa mata.

''Fine. Anong pabor ba kasi yun?''

''Kaya ikaw ang paborito kong pamangkin eh!''

Hinila niya ako sa kili kili niya at sabay na ulit kami naglakad. Nauntog tuloy ako sa matigas niyang braso. Run for a cause. Paano ko ba mahihindian ang hiling niya, gustong gusto ko yun eh.

''Alam ko kasing kilala mo yung bagong representative ng Garth's Auto Lab. Yung mataray na kapatid nang CEO? Reto mo naman ako. Balita ko kasi magiging sister company na ninyo yon.''

Kinurot ko siya sa gilid.

''Ouch! Masakit yun ah! Wala kang galang, tito mo ako!''

Hinimas himas nito kung san banda ang kinurot ko.

''Ayoko nga. She's a bitch with pretty face lang. Ang pangit nang ugali niya, tito! Isa pa, may pakpak ba talaga ang balita?jusko!''

''Pero maganda naman. Bree ---''

Nagitla kamiang may tumikhim sa likod namin. And it was Mr. Garth. Nanlalaki ang matang napatingin ako sa gawi ni Tito Bogdan. My god! Narinig niya ba kami?

Pomormal naman ang mukha ni kuya at sadyang inarko niya pa ang kaniyang dibdib at pina bakat ang muscles sa braso. Sa lagay niya ay mukha siyang si Jhonny Bravo. Gusto kong tumawa ng malakas pero di ko na ginawa.

''Aalis na ako Miss Lambert.''

I blew a deep breath nang maisip na hindi niya kami narinig. Palipat lipat ang tingin niya sa amin ni Tito.

''Uhmm -- what about hot coffee Mr. Garth?''

Eh, sa ayaw ko pa siyang umalis eh.

''Okay.'' Sagot niyang nanatili ang singkit na mata kay tito.

Napangiti na ako ng tuluyan. At tuluyan na ring nawala sa isip ko ang tawag na naghihintay sa akin.

Pormal akong humarap at tumingala kay tito.

You're Breaking My Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon