Chapter 22
GRADUATION DAY!
Kath’s POV
Badtrip! Dahil sa dalawang gabi na akong hindi nakakatulog ng maayos dahil sa pagiyak. Sobrang namamaga na yung mga mata ko. Naiinis nga si Kiray sakin dahil imbis na magbeauty rest ako, bakit daw inubos ko ang lahat ng luha ko. Naapektuhan na din ang barkada dahil sa di naming pagpapansinan ni DJ. Hindi ko alam kung bakit ganito, dati naman takot akong nagagalit siya at ganon din naman siya sa akin. Bakit ngayon natitiis naming hindi magpansinan na parang hindi kami nageexist sa buhay ng bawat isa? Nasa akin pa din ang mga litrato. Hindi ko alam kung bakit ko pa itinatabi yon na dapat naman ay sinunog ko na iyon o pinunit. Masukista na ba talaga ako? Humiga ako sa kama. Talaga bang magtatapos na lang ang pinagsamahan naming ni DJ? Hanggang dito na lang ba talaga kami? Wala pa man kaming matatawag na relasyon eh nagkakasakitan na kami. Mahal kita DJ. Sobra. Kaya siguro ako nasasaktan ng ganito.
Daniel’s POV
Sobra bang sinagad ko na ba ang pasensya ni Kath? Nagalit ba siya ng sobra dahil hindi ko nirereplyan ang mga text niya? Bakit kasi nasira pa yung phone ko..ang sama ng timing? Sobrang sakit ng mga salitang sinabi ni Kath kagabi. Hindi ako ang itinuturo ng signs kaya alam niyang hindi ako ang para sa kanya. Ano ba kasi ang mga signs nayun? Hindi ba pwedeng mahal ko siya para maging kami na? bakit naunahan ako ng destiny? Kung hindi sana nagpakita kung anu man yung signs nayun nung gabing yon eh di sana bukas pwede ko na siyang ligawan? Si Quen ba talga ang para sa kanya? Hindi pa ba sapat ang matagal naming pinagsamahan para ako na lang ang lalaki para kay Kath? Siguro nga hind pa siya sigurado sa akin. Siguro nga hindi pa niya ako ganoon ka mahal para magpatulong pa siya sa langit.
Kinuha ko ang scrapbook. Kath, kung alam mo lang kung gaano kita kamahal. Ipaglalaban kita kahit pa kanino. Pero kung ayaw mo, dahil mahal kita papalayain kita. Kahit masakit. Kahit parang ikakamatay ko. Ayoko lang na makita kang nalulungkot. Ayoko lang na sa bandang huli, na pagpinilit ko ang gusto ko, magsisi ka dahil hindi pala ako ang mahal mo.
Kumuha ako ng papel.
Dear Pusa, alam mo bang aalis na ako bukas? Alam mo bang hindi totoo na sa Cebu ako magaaral dahlia ng totoo pinipilit ako ng lola ko na sa states na magtapos ng kolehiyo? Pasensya ka na kung hindi ako pormal na makapagpaalam sayo huh? Natatakot kasi akong marinig sayo na wala ka ng pakialam sakin. Natatakot akong hindi makaalis dahil sayo.Pusa, alam mo bang kaya kong talikuran ang lahat para sayo? Alam mo bang ang tanging hinihiling ko lang ngayon ay ….pigilan mo ko. Gusto ko magalit ka sakin kasi aalis na ako. Gusto ko pigilan mo ako sa pag-alis ko. Pero alam kong hindi mo iyon gagawin. Alam kong nasaktan ka sa pagalis ko noon at hindi pagkausap sayo. Inaamin ko, nagawa ko iyon dahil nasaktan din ako. Nasaktan ako ng sobra ng makitang mayiba ka pang gusto. Isa lang ang tandaan mo…mahal na mahal ka ng unggoy na ito.
Love,
Monkey
Ps.
Sana pigilan mo ko.
Itiniklop ko ang papel at inipit ko yon sa scrapbook. Inilagay ko ang scrapbook sa taas ng computer table ko.
SETTING: PICC – GRADUATION VENUE
Kath’s POV
BINABASA MO ANG
MY HEART SAYS "IT'S YOU" BOOK 1 (Kathniel FF)
FanfictionDefine LOVE? It is a 4 letter word na sobrang hirap i-define. Nakakaexcite, nakakakaba, nakakatawa..etc. The moment you fall into it, your mind paralyzes and your heart just do all the work. One emotion gives different feelings and effects. You wil...