Kabanata II

5 0 0
                                    

Halos kakasimula palang ng September ay nagkayayaan kaming magbabarkada na uminom.

"Huy kasi. Tara na uminom kina Ella. Dun sa kubo sa may apartment nila." Aya sa akin ni Trish. Sa totoo lang ay hindi naman ako malakas uminom. At madalang lang din. Nakakadala na kasi pagkatapos ng mga nangyari sa akin noong high school dahil sa alak.

"May pasok bukas." Pagdadahilan ko.

"Sus. Kelan ka pa nagkaroon ng pake sa class? Besides, 8:30 pa ang klase natin." Kakapilit ni Trish ay napasama na din ako, hindi naman kasi ako makahindi sa kakulitan ng babaeng to.

Anim kaming pumunta kina Ella. Ako, ang roommate kong si Trish, si Steff na taga kabilang kwarto pero kasing course namin, si Angela, Leslie at si Joshua na bloc mates ko. Pagkarating namin doon ay di namin napansin na nag-iinuman din ang mga high school classmates ni Ella.

"Trish. Di mo ba sinabi na dito tayo iinom?" Nagkibit-balikat lang siya at naglakad papunta doon sa kubo. Palibhasa ay kaibigan niya ang iba rito dahil na rin kay Ella.

Maliit lang ang kubo kaya lagpas sampu kami kaya sardinas talaga kami doon.

"Hoy Trish naman kase. Hindi mo sinabi agad na dito kayo. Naunahan na kayo nila Russell. Pati may curfew na dito ang bisita ng 10:30pm." Napatingin naman ako sa relo ko at malapit na mag 9.

Kinuwento ni Ella kung bakit nagkaroon ng curfew sa compound na iyon. Dahil iyon kina Renzo na pumasok sa loob ng hatinggabi. Akala ng may ari ay magnanakaw kaya naman natutukan sila ng baril.

"Sayang ang alak. Tara na inom!" Ani Angela

Lasing na ung iba nung dumating kami. Sumuka na nga ung isang lalaki na ang sa pagkakatanda ko ay James ang pangalan. Hinatid na siya ng iba niyang kasama sa apartment kaya't iilang lalaki nalang din ang naiwan dito.

Iniinom na din namin ang mixed drinks na iniinom nila.

"Oh ayan. Kaya niyo na yan. Tawagin ko lang si Lara." Sabi ni Ella at iniwan kami dun. Dahil may mga tama na din ang iba ay madaldal na sila.

"Hi. Justin nga pala. Eto naman si Micko." Turo niya dun sa katabi niya. Nagpakilala na din ung iba. Si Ian at Lara. Ung naghatid naman kay James at Gab ay si Russell at Joe.

Nang makailang baso kami ay naghuhulaan na kami ng course. "Hoy kase. CEAT ka no." Sabi ko kay Justin na batch 15. Freshie na freshie, nagiinom tong dalawang to. Dumating ulit si Russell at Joe at pinakilala ulit kami.

Si Russell ang naghalo ng mga inumin at halatang halata na sanay siya sa inuman. Nakikipagkulitan kami ni Angela kay Justin at Micko dahil sila ang pinakamadaling makasundo. Dumating din si Lara at Ella at kami ay nagpatuloy na uminom.

Halos alas-onse na nung matapos kami. Nagprisinta naman silang lahat na ihatid kami. Nung papalabas kami ay humiwalay na si Joshua at Leslie dahil sa loob pa sila ng campus. Tahimik ko lang silang pinagmamasdan. Lasing na si Russell at Justin dahil sumasayaw sila sa git ng daan at tumatalon talon na parang nagkakarate. Si Joe naman ang kasama ni Steff at mabilis na silang naglakad papuntang Raymundo. Si Trish naman ay nasa bandang hulihan at kasama niya si Ian. Nagpaiwan naman si Ella at Lara dahil dun naman sila nakatira. Kasama ko naman si Angela at nakapulupot sa kanya si Micko. Sinusuway ko si Micko pero dahil may tama na ang isang to ay tinatawanan niya lang ako. Unang hinatid si Anj dahil mas malayo pa ang dorm namin kaysa sa kanila.

Halos damdamin ko din na walang pumapansin sa aking lalaki. Alam ko naman kasi na di ako kagandahan. Maliit ako na medyo chubby, hindi kagaya sa mga kaibigan ko na ang papayat. Di ko kinakausap si Micko at sumabay ako kina Trish dahil na rin sa irita ko sa kanya. Pagkadating namin ng dorm ay nagpasalamat ako kay Ian. Di na makausap ung iba dahil wala na din ata sa katinuan.

Pagkarating ng room ay nahiga silang dalawa sa kama ko at nagkwentuhan muna kami sa mga nangyari. Nalaman ko na hindi pa pala naliligo ung Micko ng tatlong araw! Yuck! At medyo nahihiya naman si Steff kasi halata naman na gusto siya nung Joe. Maganda si Steff. Morena, makurba ang katawan at halos kahawig niya si Arya Stark ng Game of Thrones. At may boyfriend din siya sa hometown niya. Si Trish naman ay di ko mabasa. Ang huling pagkakaalala ko ay bitter pa din ito sa ex niyang si Ryan pero kulang nalang kanina ay maghawak sila ng kamay ni Ian. 

"Steff, sasabihin mo ba kay Amiel?" Pangaasar ko.

"Baka naman! Baka sumugod yon dito mula Bicol para suntukin si Joe." Napatawa nalang kami.

"Eh ikaw Tin? Sinong crush mo sa kanila?"

"Hmmm. Gwapo si Justin at Gab. Pero hindi ko crush eh." Inirapan lang ako ni Trish sa sagot ko.

"Sus. If I know, si Alex lang naman kasi ang gusto mo!" Pang-aasar niya sa akin. Matagal na kasi kami inaasar ni Alex. Mula freshie pa dahil madalas ko nga silang kasama ni Migs.

Oo nga, si Alex nga ang gusto ko. Siya lang naman eh. Kaso, natatakot ako. Once you cross the line of friendship, you can never go back.

Ang Kwento Nating DalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon