"Sorry. Graduating lang ang tatanggapin ko. Graduating students, please show me a proof that you're graduating this sem or next sem. The rest, I'm sorry." Ngumiti lang sa amin ang Professor at isa-isa nang lumabas ang mga hindi natanggap na estudyante. Sumunod naman na kami at lumabas. Pang-ilan na ba to ngayong araw? Bakit kasi ang dami daming estudyante sa unibersidad na ito ngunit kulang na kulang ang mga subjects.
Unang araw ng klase, hindi pa kumpleto ang subjects ko. Napabuntong hininga nalang ako dahil sa pagod, init, antok at inis.
"Hindi na naman tayo natanggap sa prerog." Malungkot na sabi ko sa kasama ko.
"Okay lang yan, Tin. Makakakuha din tayo ng subject." Ngiti sa akin ni Alex sabay na marahang kurot sa braso ko. Napangiti nalang ako habang kinakalma ang puso ko.
Marcus Adrian Alejandro. Isang lalaking hindi mukhang Marcus kaya Alex ang tawag namin ng mga kaibigan ko sa kanya. Nakuha ung Alex sa apelyido niyang Alejandro. Kagaya ko ay batch 2014 din siya. Parehas na kaming sophomore at halos isang taon na ding magkaibigan. Kaibigan. Yan tayo eh. Kaibigan niya ako samantalang ako, gusto ko siya. Gustong-gusto ko siya. Nagkakilala kami dahil sa kaibigan kong si Migs. Magka-course sila at magkakaklase naman kaming tatlo sa Math 17.
Nagtingin tingin pa kami ng mga GE subject na pwede namin kuhanin, nagmakaawa sa mga profs, pero wala talaga. Patapos na ang araw pero kulang pa siya ng isang subject, ako naman ay dalawa pa.
"Natanggap ako dun sa major subject ko." Masayang sabi ko sa kanya nung nabasa ko yung text sa akin ni Trish.
Nginitian niya ako. "Isa nalang kulang natin. Iniisip ko nga na sa isang major subject nalang magprerog eh. Mukhang wala ng pag-asa sa GE." Nalungkot naman ako bigla. Magkaiba kasi kami ng kurso. BS Applied Physics siya, BS Economics naman ako. Malabo talagang maging magkaklase pa kami kung hindi sa GE subjects lang. Ganito rin ang kinalabasan last sem at wala kaming klaseng magkaklase pero madalas naman kami magkasama tuwing dinner dahil narin magkalapit ang dorm.
"Edi wala na tayong class na magkaklase. Buti pa kayo ni migs, halos parehas ang sched niyo."
"Okay lang yan. May next sem pa naman. Pwede pa din naman tayo magdinner." Tugon niya sabay akbay sa akin. Jusko po. Huwag kang ganyan Alex. Lalo akong nahuhulog. Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng aking mga pisngi. Akalain mo nga naman na mahuhulog ang loob ko sa lalaking to? Ni hindi tipo niya ang type ko! Payat siya, medyo matangkad, matangos ang ilong, mapungay ang mata, medyo kulot ang buhok. Pero nga naman, kapag tinamaan ka, importante pa ba kung type mo o hindi?
Sa awa naman ng mga prof ko, nakumpleto ko ung 18 units na nakalaan sa akin ngayong sem. Sila Alex naman ay complete units din. Minsan ay nagdidinner pa din naman kaming tatlo, minsan kami lang ni Alex o ni Migs. Namimiss ko na sila. Namimiss ko na si Alex.
"O, bat ka naka busangot jan?" Tanong sa akin ni Migs habang kumakain kami sa Trese Siete.
"Miss ko na si Alex." Nakanguso kong sabi sa kanya.
"Ah ganon? Gusto mo alis na ako? Aalis talaga ako!" Pabiro niyang banta.
"Joke lang kasi. Ang GC kasi ng hinayupak na yon kaya di laging nakakasama." Natawa naman si Migs sa sinabi ko. Napakasipag kasi mag-aral ni Alex o sadyang tamad lang ako. Hindi ko kasi trip ung masyadong nagpapakasubsob sa pag-aaral at pakiramdam ko ay nauubos ang brain cells ko. "Pero alam mo ba, crush ko si Alex." Pag-amin ko kay Migs.
"Alam ko."
"Huh? Halata ba?" Kinakabahan kong tanong. Ayoko kasing malaman muna ni Alex. Kasi baka masira ang friendship namin.
"Oo? Ewan ko. Kelan mo ba siya nagustuhan?"
"Last sem lang kami naging close pero ung nangyari sa amin last year, dun siguro nagsimula yon."
-*- almost a year ago (December 5, 2014) -*-
Masaya ung sem ender namin sa Math 17. Mamimiss ko si Sir Allen at ung polo niyang laging fit sa kanya kaya nakikita ang kaniyang tiyan. Mga kaklase kong sabog palagi. Mga taong naging ka-close ko at tropa ko na rin. Napagpasyahan naming magkakaibigan sa recit section na sabay sabay kumain ng dinner. Sumama din ung bloc mates ko sa ibang section. Dahil na din sa hindi kami kasya sa jeep, naglakad kami palabas ng campus.
May kanya-kanyang kwentuhan, asaran at biruan. Mamimiss ko sila. Isa sila sa mga unang naging kaibigan ko dahil na din at freshie pa kami. Nasa likod lang ako habang naglalakad ng tahimik. Mamimiss ko sila. Kahit na ang tamad ko pumasok at malamang sa malamang ay uulitin ko ang Math 17 next sem, mamimiss ko sila.
Unti-unting pumatak ang luha ko. "Shit. Naiiyak ako." Pinupunasan ko na ang mukha ko pero wala pa din.
"Tin! Bakit ka umiiyak?" Lumapit sa akin si Trish.
"Hindi ko alam." Pilit kong sabi sa pagitan ng mga hikbi ko.
"Alam mo namang naiiyak din ako kapag naiiyak ka eh." Sa pagsabi niya nun ay mas lalong bumigat ang pakiramdam ko at kasabay nito ay paglakas ng iyak ko. Putangina self. Ano na naman ba ang problema mo? Pagod na ako. "Lyka! Migs! Si Tin naiyak." Agad namang lumapit sa akin si Lyka at inalo ako. Sumabay lang sa akin si Migs sa paglalakad at hinayaan niya lang akong umiyak.
Malalim na ang paghinga ko kasi pinipigilan ko talagang umiyak. "Tin!" May bumulong at kalabit sa akin. Tinanggal ko naman ang panyo ko at hinarap siya. Si Alex.
"Oh." Inabot niya sa akin ang isang paragis. Para itong palay na bulaklak na damo. Hindi ko alam, pero sa kabila ng pagtulo ng luha ko, tumawa ako.
"Alam mo ba, kadalasan ay bulaklak ang binibigay ng lalaki sa babaeng umiiyak?" Natatawa kong sabi.
Napailing nalang siya, "Hayaan mo na. At least napatahan kita diba?" Ngumiti siya sa akin.
-*- end of flashback -*-
![](https://img.wattpad.com/cover/91142576-288-k21195.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Kwento Nating Dalawa
RomanceAno nga ba ang mas masakit? Ung itatanong mo sa sarili mo kung minahal ka ba talaga o Ung minahal ka nga, iiwan ka din pala