Chapter 2 - FightSandy's POV
Sabado ngayon kaya wala kaming kailangan gawin ni kuya. Boring naman sa bahay!
"You bored?"- kuya Andy. Tinaasan ko siya ng kilay.
"What's your plan today?"di ko sinagot ang tanong niya. Halata naman kasi na nabobored ako. Tsaka kung anong nararamdaman ko, nararamdaman niya rin.
"Miss ko na ang UG eh. Tagal na rin. Punta tayo?"tanong niya. Oo nga miss ko na rin.
"Oo ba! Lika na bilis palit lang ako."
Mas mabilis pa sa leon ako tumakbo papuntang kwarto. Hmmm... pansin ko ngang biglang bumilis ang takbo ko ah.. bakit kaya?
Anyway, nagpalit na ako ng damit ko. Nakasuot ako ng purple tube, black jeans, white blazer and purple converse. Minatch ko ang suot ko sa mata ko. Galaxy kasi kulay ng mata ko. Ewan ko ba kung bakit, basta sabi ni kuya special daw kami. Yeah, kakaiba din ang kay kuya. Ang kay kuya naman ay blue green. Di ko nga alam na may nage-exist palang ganito sa mundo. O sadyang kami lang ang meron nito? Ay ewan. Sinuot ko na ang maskara kong glaxy din. Oh diba! Ako na ang galaxy!
(Yang nasa picture sa baba yung mask niya. yung mask lang po ah..)
Bumaba na ako pag tapos kong mag ayos. Nakita ko naman si kuya sa sala. Kung ang akin ay terno sa mata kong galaxy, ang kanya ganon din pero ang kanya ay blue green. Nakasuot siya ng blue green na panloob at blazer na itim, Jeans and Black converse. Mahilig kami sa converse eh hehe... Ang mask niya naman ay dark blue ata na may yellow glitters? ah basta.
(Yan naman yung kay Andy)
"You ready?" Tumango nalang ako at pumunta na ng garage.
Yes! magagamit ko na ulit ang baby ko! Namiss ko na ang motor ko eh. Parehas kami ni kuya na motor ang gamit. Sino nagturo? Edi ang magaling kong kambal na si Andy. Sumakay na ako sa galaxy kong motor. Yap! tama kayo ng basa. Kulay galaxy ang motor ko at kay kuya naman Blue galaxy ata? basta ang astig nga ng kay kuya eh.
Anyway, umalis na kami ni kuya at nagpunta na nang UG. Mabilis naman kaming nakarating. Mukhang nasa loob na sila. Wala na kasing tao sa labas.
Derederetso lang kami ng lakad sa pinto. Dahil sa kilala na kami dito, pinapapasok na kami agad agad. Pagpasok namin, naramdaman ata ng iba na may dumating kaya tumingin sila saamin. halatang nagulat sila ng nakita nila kami. At nag-umpisa na silang magbulungan. di ko alam pero naririnig ko yung bulungan nila.
"Hala! Nandito ang King and Queen Twins!"
"Ang Ganda talaga ni Queen!"
"Katakot sila!"
"Omg! Ang gwapo ni king!"
"Lalaban kaya sila? Ngayon lang ulit sila nagpunta dito"
"Nae-excite tuloy akong panoodin sila"
Yan ang mga narinig kong bulong nila. Di ko nalang sila pinansin. Kaya sila nagulat dahil minsan lang kami magpunta dito. pag gusto namin ilabas ang galit namin dito kami pumupunta or di kaya pag bored kami dun lang namin naiisipang pumunta dito.
Naupo na kami sa upuan namin. May sarili kaming upuan dito. Mukhang nakita na rin kami ng MC dito at nagulat pa.
"OH MY!! WHAT A GREAT TIMING! ANDITO ANG KING AND QUEEN TWINS! WELCOME BACK!"-MC
Bigla namang may tumawag sa kaniya at nilapitan ito saglit. bumalik na siya sa gitna at nagsalita ulit.
"MUKHANG GUSTO KALABANIN NG DEMON PRINCES AND PRINCESSES ANG KING AND QUEEN TWINS! PAYAG BA KAYO KING AND QUEEN?"tanong ng MC saamin. nagkatinginan kami ni kuya na parang naguusap sa pamamagitan ng mata. tumango kami sa isa't isa at tumayo na.
"SO MUKHANG MAGIGING MAGANDA ANG LABAN NA ITO! 2 VS 4 ANG LABAN!" Nagsigawan naman ang mga tao dito. Tsk, sana naman mapagod ako sa laban na to. "OK! GET READY! MAGSISIMULA NA ANG LABAN!" pagpapatuloy niya. At pinaputok na ang baril, hudyat na pwede nang magsimula.
Pumwesto na sila at kami naman... eto nakatayo lang, hinihintay kung sinong mauuna sa kanila.
Sinugod na nila kami at as usual kami ang nanalo at wala man lang pawis ang tumulo sa amin. Tsk. Di ko na ikwekwento. Nakakapagod magkwento tsk.
"WALA NA TALAGANG MAKAKATALO SA KING AND QUEEN TWINS!! PANALO NANAMAN SILA SA LABAN NA ITO!!" nagsigawan naman ang mga tao. tsk. nakakabingi ang ingay nila.
Nilapitan kami ng Demon Princes and Princesses. tsk as far as I know kaklase ko tong mga to. yung mga bully sa school. tsk.
"Congrats sainyo natalo niyo kami pero ito ang tatandaan niyo..." seryosong nakatingin saamin nung mukhang leader nila."Matatalo rin namin kayo." Dagdag niya pa.
"*smirk* Ok, will wait for the four of you." Malamig kong sabi at mukhang nagulat pa sila sa pagsmirk ko.
Agad naman kaming lumabas na ni kuya at pumunta na ng parkingan. Pasakay na kami sa aming motor ng may maramdaman akong may nagmamasid saamin. Mukha namang naramdaman din yun ni kuya. Nagkatinginan kami at di nalang pinansin kung sino man yun.
Sumakay na kami sa motor namin at sabay na umalis. Nang makarating kami sa tapat ng bahay, may naramdaman nanaman akong di maganda. Feeling ko talaga may nagmamasid eh. Lumingon lingon ako sa paligid. Nang napadako ang tingin ko sa madilim na gubat, dun ko lang nakita yung lalaking nagmamasid sa amin. Nasa may puno siya nagtatago.
Napansin kong naglakad si kuya papunta doon at sumunod nalang ako. Nang malapit na kami sa puno bigla itong umalis kaya hinabol namin siya. Nang malapit na namin siyang maabutan bigla itong naglahong parang bula.
Huh? Ang weird naman nun. Ano yun guni guni lang namin ni kuya?
Ngayon ko lang narealize na nasa gitna na pala kami ng gubat. Tsk. Di pa naman namin kabisado to tsk.
"Tsk. Paano na?" Tanong ko kay kuya. Nagkibit balikat lang siya. Tsk.
"Subukan nating maghanap ng daan palabas" Tumango lang ako at naglakad na kami.
Habang naglalakad may nakita kaming salamin. Kakaibang salamin ang nakita namin. Nang lumapit pa kami kesa reflection ng mukha namin ang makita, isang paikot ikot na bilog ang nakikita namin.
Naramdaman ko nalang na hinihigop kami ng salamin. Nakaramdam naman ako ng hilo. Aystt... para akong nasusuka!
Nang wala na akong naramdamang umiikot ay idinilat ko ang mga mata ko. Huh? nasan kami ni kuya? bakit parang nakaramdam ako ng saya? Ano bang nangyayare?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N:
Sorry po ngayon lang nakapag update at ang lame pa. Naging busy po kasi eh.. ngayon ko lang naisingit hehe.. Sorry din sa mga wrong grammar ko. Intindihin niyo nalang po.

YOU ARE READING
The Mysterious Girl (Slow Update)
FantasyWhat will you do kung malaman mong ang isang nobody ay isang gangster pala... A Legendary Gangster. And ohhh!!! Hindi lang yun... may isa pa siyang itinatago... At yun ang kailangan nating alamin...