Habang kasayaw ko ang pinakama-mahal 'kong babae sa buong mundo, ay hindi ko mapigilang mapangiti, sa sobrang saya na nararamdaman ko ngayon.
Gaano man kahirap sa akin noon na paghintayin siya ng matagal, para makilala ako, ay bawing bawi naman nun ang mga ligaya na natanggap niya ngayon, na nanggagaling saakin.
Isang surpresa na, magbibigay ng memorya, isang napakatamis at nakakapag pasaya na memorya.
Tanging siya lang ang umiiwan ng ngiti sa mga labi ko.
Ang mais na ba? Ganyan talaga ako sa babaeng mahal ko, talo ko pa ang bata kung maglambing.
"Hmm.." narinig 'kong sinasabayan niya ang mga bawat himig ng kanta.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ko sakanya, habang yakap yakap ko parin siya.
"Huh? Ano kaba, okay lang ako. Masaya lang talaga ako ngayon." At nakita 'kong magsisimula ng tumulo ang mga luha galing sa mapupungay niyang mata.
At agad 'kong kinuha ang panyo ko sa bulsa ng pantalon ko.
At pinunasan ko ang mga mata niya. At yun ang naging dahilan kung bakit napahinto kami sa pagsasayaw.
"Bakit ka umiiyak? Hindi kaba masaya sa surpresa ko sayo?" Tanong ko, habang pinupunasan ang kanyang luha.
"Hindi ah, gustong gusto ko nga 'tong lahat eh. I appreciate it all. Masaya lang talaga ako. Kasi, hindi ko naramdaman 'tong nangyayari saakin ngayon, since then.. ngayon lang talaga. Ang OA ko noh? Hahaha. Salamat pala, ha? Kasi pinasaya mo ako ngayon, hindi lang ngayon, kahit pa noon ay pinasaya mo na ako. Sa mga simple mong efforts? Yung pagbibigay mo ng mga tsokolate at bulaklak, yung pagluluto mo ng sinigang saakin? Lahat yun, ay Appreciated ko." Sabi niya na may mga ngiti sa labi.
Lumuhod ako sa harapan niya, dahil hindi ko na talaga matiis.
Hinawakan ko ang kamay niya, at hinalikan 'yon.
"Jamaica Rolando, will you be my Girlfriend?"
"I know, masiyadong mabilis ako ngayon, hindi man lang tayo nagsimula sa pagiging magkaibigan, pero alam ko sa sarili ko na, ang bawat pagtibok ng puso ko, ay dahil yun sayo, Jamaica."
Nakita 'kong abot tenga ang mga ngiti niya ngayon.
At nakita ko rin ang mapupula niyang pisnge, na mas lalong nagpapa-ganda sa mukha niya.
"So, ano na?" Tanong ko ulit.
"Bilisan mo at nangangalay na ang mga binti ko." Pabiro 'kong sabi.
"Hintay nga lang, ano kaba. Nakita mong dinadamdam ko pa 'tong moment na 'to eh. Atat ka ata? Hahaha." Sabi niya.
At bago pa man niya sagutin ang tanong ko ay tumingin siya sa Mama niya.
At napalingon din ako sa pwesto ng Mama niya, at biglang sumaya ang puso ko, dahil sa sagot ng Mama niya.
Nakangiting tumango lang ang Mama niya na naluluha pa sa sobrang saya.
Tiningnan ako ni Jamaica, kinakabahan ako sa mga tingin niya saakin. Para 'bang ayaw niyang sagutin yung tanong ko?
Biglang tumulo ang pawis galing sa noo ko, dahil sa kaba ng isasagot niya.
"Hmm, so Kian Reyes, sinasagot na kita. Sinasagot na kita, hindi dahil sa mahal kita, o kung ano pa man, hindi rin dahil sa masiyadong nagmamadali ako, pero dahil gusto pa kitang makilala ng mabuti." Sagot ni Jamaica na nakangiti.
"Huy, sabi ko oo na, pwede mo na ako maging girlfriend."
"Uy, tayo na. Hahahaha."
Pasunod-sunod niyang sabi.
"YES!" At binuhat ko siya sa sobrang saya.
"Sorry, natulala lang ako sa sobrang saya na dinadama ko." Sabi ko pa.
Hindi ko na napigilan at niyakap ko na siya.
"Maraming salamat, Maica.."
"You're welcome, Babe." Sabay kindat niya pa saakin.
At nagtawanan lang kaming dalawa.
Hay. Parang ayoko ng tapusin pa 'tong gabi na 'to, dahil sa sobrang saya na ipinaramdam mo saakin ngayon, Jamaica Rolando. <3
~~~
A/N: 11/27/16 hehehez! Masiyado 'bang nagmadali si Kian kay Jamaica? Haha. Sorryna. Eh, sa gusto ko nang mag sweet moments sila eh. :'D hahaha. Update ulit ako mamaya, pakihintay nalang po guys! Labyuu mwaaa! :*
BINABASA MO ANG
Jamaica and Kian {Textserye}
Подростковая литератураJamaica and Kian {Textserye} Happy Readings! ;P