Grabe, ang saya na nararamdaman ko ngayon. Pati yung puso ko, hindi na mapakali, tibok here, tibok there, tibok everywhere! Hahaha.
"Andito na tayo, Mai--" pinutol ko yung sinasabi ni Kian.
"Babe." Matipid na sagot ko.
"Babe?" Takang tanong niya.
"I said call me, Babe." Sagot ko sabay kinurot ang ilong niyang matangos.
"Aray, ko babe." Sabi niya. Na nagpapa-cute pa.
"Haha. Ang cute mo." Masaya 'kong sabi.
"Syempre, maganda girlfriend ko, eh." Sabay akbay saakin.
Naramdaman 'kong uminiit yung mga pisnge ko.
"You're blushing, babe." Sabay kindat pa niya.
"No, im not." Pagde-deny ko.
"Sige na, wag na makulit, umuwi kana, at gabi na." Sabi niya saakin.
"Sige, babe." Sagot ko.
Binuksan ko na yung pintuan ng kotse at ibinaba na ang kanang paa ko.
Hindi pa ako nakakalabas ng maigi sa kotse ay, pinigilan naman ako ng kamay ni Kian.
"Bakit, babe?" Tanong ko.
"Ah, kasi.. ano, wala 'bang, ano.. yung ano.. aish!" Naguguluhan niyang sabi.
Hinalikan ko siya sa labi, dahil alam 'kong yun ang hinihingi niya.
Natawa naman ako, sa reaksiyon na ipinakita niya.
"Sige na, i love you na, babe. Bye!" Sabi ko, at bumaba na ng sasakyan.
Habang papasok na ako sa Gate ng bahay namin ay, binusinahan naman ako ng kotse ni Kian.
Napalingon naman ako sa kotse ni Kian.
At, nakita 'kong nag flying kiss pa siya saakin.
Sinalo ko naman yun, at yun ang naging dahilan ng kanyang ngiti na abot tenga. Haha.
At pumasok na ako ng Gate namin.
"Mama!" Tawag ko.
"Anak, andiyan kana pala." Sabi ni Mama.
"Kamusta?" Tanong niya pa, na may nakakalokong ngiti sa mga labi niya.
"Okay naman Ma." Sagot ko.
"Sigurado ka 'bang OKAY LANG?" Tanong niya, na nakangisi pa.
"Oo nga, Ma. Wag na makulit." At umakyat na ako sa kwarto ko.
"Di kana ba kakain 'nak?" Pasigaw na tanong ni Mama.
"Hindi na po, Ma. Sa dinami ba naman po ng pinakain saakin ni, Kian. Haha." Sagot ko.
At pumasok na ako sa kwarto ko.
Agad 'kong ibinagsak ang aking sarili sa kama ko.
"Hay, salamat." Masaya 'kong sabi.
Bzzt Bzzt
narinig 'kong pag vibrate ng phone ko.
Hala? 20 messages? Kanino naman kaya galing 'to? Hayst.
~~~
BINABASA MO ANG
Jamaica and Kian {Textserye}
Teen FictionJamaica and Kian {Textserye} Happy Readings! ;P