I. Ang mga Tao at ang Difference

34 2 0
                                    

Ang mga tao’y may kanya kanyang layunin kaya naisilang. At bahagi ng layunin na ito ay ang makagawa ng bagay na bago; isang bagay na hindi pa nagagawa ninuman. Isang bagay na masasabi mong sarili mo, iyo, at nagpapaiba sa naging ikaw. Dahil sa katotohanan, kung hindi, e mas pipiliin nila ang nauna at iikot lang ang mundo kasabay ng pag-ikot ng walang katapusang panggagaya sa mga nauna. Kaya kaugnay ng salitang tao ang salitang difference dahil ang tao ay nabubuhay lagi and obviously lagi para gumawa ng bagay na bago at pag pinahahaba lang natin ang diskusyon, suddenly ay tutungo din ito sa kongklusiyong ang tao ay kailanman hindi nagiging siya kung walang pagbabago sa kanya. Katulad ng bakla, sabihin na natin na may kakilala tayong bakla, hindi siya magiging siya kung hindi niya tatanggapin sa sarili na bakla siya at harapin nalang ang kaakibat nitong pagbabago dahil kung siya ay hindi nagging bakla, hindi na siya ‘yun. Gets? 

Uro (sa darating na dalawampung taon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon