Prologue

570 15 10
                                    


Isang tahimik na gabi sa Maynila... isang lalaki ang sumusunod sa isang binibini. Ang binibini naman... lasing na't walang napapansin sa kapaligiran niya.

Nang lumiko ang binibini sa isang madilim na eskinita ay agad na sumunod ang lalaki. Sa eskinitang iyon... magaganap ang isang karumaldumal na krimen...


"Please huwag! Maawa ka!" sigaw ng binibini.

"Huwag ka nang pumalag. Walang makakarinig sayo rito~ Huwag kang mag-alala... sa langit tayo pupunta. Bwahahahahaha!" anas ng lalaki na may malademonyong tawa...

"Please huwag! Let go of me! Please!! Let go you perverted guy!" sigaw pa rin ng babae...

"Bitawan mo siya..." wika ng isang babae.

"Wag kang makialam dito miss. O baka gusto mong sumama samin sa langit? Pagbibigyan kita! Bwahaha- huk!" hindi na naituloy ng lalaki ang kaniyang sinasabi.


Mabilis siyang nalapitan ng babae at nahawakan sa kaniyang leeg. Ang binibining kanina lamang ay hawak niya ay ngayo'y wala nang malay.

Ang lalaki... sa kabilang banda naman ay napatitig sa mata ng babae... Pula ang mga ito... Pula at may bahid ng ginto. Tanda ng kanyang klasipikasyon sa mundo nila.


"Magaan ka lang pala. Pero di bale na... lamang tiyan ka parin naman." ngisi nito sa lalaki.

"A-anong g-g-ginagawa mo?!" bulalas ng lalaki nang papalapit ang mukha ng babae sa kaniya.

"Wag kang mag-alala... sandali lang ito... parang kagat lang ng langgam" saad ng babae habang unti-unting humahaba ang mga pangil nito.

"Ano bang-- AAAAAAAAAHHHHH!!" sigaw ng lalaki.


Sinipsip ng walang tigil ng bampirang babae ang dugo ng lalaki hanggang sa manuyo ito. Pagkabitaw niya sa lalaki ay nabasag ang katawan nito... naging abo.


"AWOOOOOOOOOOOO~" alulong ng isang malaking asong nakakita sa bampira.

"AWOOOOOOOOOOOO~" alulong ng isang malaking asong nakakita sa bampira

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ngumisi lamang ang babae at agad na tumakbo palayo. Kilala niya kasi ito. Di kalayuan sa kaniya... humahabol ang napakalaking aso.

Agad na lumiko ang bampira at nagpalit ng anyo. Naging isang ibon ang bampira. Isang Phoenix. Agad itong lumipad papalayo sa lugar na iyon.


"AAAWOOOOOOOOOO~" alulong muli ng aso habang papalayo sa kaniya ang hinahabol na bampira

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"AAAWOOOOOOOOOO~" alulong muli ng aso habang papalayo sa kaniya ang hinahabol na bampira...

Hinahabol hindi dahil sa pag nanais na patayin ito... ngunit sa pangungulila. Ang ibon naman... ay umiiyak sa kabila ng paglayo nito.

Nalalaglag ang mga apoy na galing sa mga mata ng ibon. Isang Phoenix na sa isang libro lang makikita ay ngayo'y umiiyak ng dahil sa isang lobo.


Isang LOBO at isang BAMPIRA. Isang bihirang tagpo. Isang tagpo na malabo nang maulit pa. Sa paglayo ng bampira ay kalakip nito ang isang pangako...

'Oras na magkita tayong muli at muli kang lumayo sa akin... kakalimutan kong linabag ko ang batas namin. Kakalimutan kong minahal ko ang mortal naming kaaway. Kakalimutan kong minahal ko ang isang bampira. Kakalimutan kong minahal kita Ash'

Sa paglayo ng bampira... unti-unting nadudurog ang puso nilang dalawa. Ang isang Lobo at isang Bampira... kailan man hindi sila maaaring magmahalan. 

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 


Descendants
 - Red eyes with gold streaks
Akathartos - Red eyes with silver streaks
Metagogiss - Red eyes with black streaks

Escape My Reality (EXO: OT12)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon