Chapter 1- meeting

77 2 2
                                    

Ako si Ethyl, isang third year student at part-time worker sa isang cafe. Nag tatrabago ako bilang 

waitress dun. At sa school naman, di ako kapansin pansin. "Lying low" ba kung baga.

At School

Nag mamadali ako papasok sa classroom ng matalik kong kaibigan, Si Adonis

[A/N: alam ko weird pangalan nya :P] sobrang tagal na naming magkaibigan. Mga 14 years na,

di talaga kami pinaghihiwalay kasi sobrang kilala na namin ang isa't isa.

"Oh, Ethyl? Ano ginagawa mo dito? Para kang hinahabol ng tren dyan ah?" -Adonis Sabay tawa sya ng malakas. "Lika kain tayo!" Lumapit ako at binatukan sya. "ARAY NAMAN!"

"Loko ka, di mo pa ako pinag sasalita, aalis na agad tayo, upakan kita dyan eh." -Ako at tinulungan syang magligpit ng gamit nya. Napakabagal kase kumilos nitong lokong to eh.

"Bakit? ayaw mo nun? Libre na nga kita ng lunch eh!" -Adonis sabay ng pout at puppy dog eyes. Loko ka ah.

Habang naglalakad na kami papuntang cafeteria, may nakabangga sakin at ako pa yung nalaglag! Epal much ah!

"Tumingin ka sa dinadaanan mo ah!" Sigaw nya sakin. Aba, makapanigaw tong lokong to ah!

"Sorry, di kita nakita eh. Pasensya na." Sabi ko nalang para walang away.

"Ethyl, wag kana pumatol dyan, yan yung pinag uusapan kahapon na si Raven, baka sugurin tayo nyan eh." Bulong sakin ni Adonis habang tinutulungan nya ako tumayo.

"Anlaki ko dito di mo ako makita! Ano ka bulag!?" Sumigaw sya lalo. HD much!? Umiinit na dugo ko. Kala kung sino eh no!?

"Kitang nag so-sorry  na nga diba!? Ikaw pa may ganang magalit!?" Sumigaw din ako. Wag nga daw patulan diba? Kulet talaga :P

"Ako ba talagang hinahamon mo!?" -Raven

"Hindi, Hindi, Kausap kita!" -Ako

"Ethyl, halika na." -Adonis sabay hatak sya sa jacket sleeve ko. Halatang kinakabahan na.

"Wait lang Adonis. Andami kasing Epal sa mundo eh!" -Ako sabay tingin sakanya ng masama at tumalikod nalang ako at muntik na makabangga ng isa pa.

"Ethyl, nakikipag away ka ba dito?" tanong sakin ng nakaka kilig na boses na pamilyar sakin. kuya Max? Si kuya Max nga!! *kilig*

"Ah, Eh, hndi po kuya Max! Nag sosorry lang po at paalis na po kami ni Adonis. Bye kuya Max!" -Ako sabay hatak kay Adonis at kumaripas ng takbo. (meron bang word na ganun? kumaripas?)

Nang wala na kami ni Adonis, tumingin naman si Kuya Max kay Raven. "Anong problema nyo ni Ethyl, Raven?" -Max 

Tumalikod si Raven at naglakad na palayo. "wala naman."

Yan.. Nasa canteen na kami kumakain. Si Adonis di pa din maka get-over dun sa nangyari kanina. Pero ako, nag iisip ako ng plano at naalala ko yung nangyari noon nung niligtas ako ni kuya Max. tapos biglang lumakas yung kabog ng dibdib ko. Talagang hinahangaan ko yun si Kuya Max.. Isa syang Senior. Samantalang ako, Junior palang.

"Let's eat." -Adonis

Nung hindi ako sumagot, biglang kumalabog yung lamesa namin at bumalik na ako sa reality.

"Sabi ko let's eat. tapos dinedma mo lang ako. Ang sakit naman nun.. " -Adonis at biglang humawak sa dibdib nya para dagdag effect.

"Sira! Napaka drama mo!" Biro ko sakanya at pinalo sya ng mahina sa braso at tumawa nalang sya at kumain.

"Eh kasi, kanina pa nag launch yung utak mo eh. Natarating na yata sa Pluto. Eh, nag alala ako baka di ka bumalik. Kaya ginawa ko yun para bumalik ka dito sa Earth." Sabay ngiti hanggang tenga ang loko.

"Loko ka talaga." Sabi ko at kumamot ng ulo at kumagat sa pizza nya.

"Anyway, as I was saying, bakit ayaw mo nalang sya i-confront?" Nag suggest ang loko! paktay tayo dyan!

Ano kaya sinuggest ni Adonis? Abangan po sa Chapter 2- Plan. :) 

Comment and vote nalang po please. Salamat po sa mga bumasa. (if ever na meron. Chos!)

Mr. Simple But Heartbreaker (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon