1. Indy: The Dreamer

557 8 0
                                    

Pinahid ni INDY ang luha niya sa suot na apron. Kanina pa siya nakatanghod sa gate. Baka kasi balikan pa siya nina TITA BRIANA, SHERY, at GRACY. Pero isang oras na ang nakararaan, wala pa rin ni anino ng sasakyan nila.

Debut kasi ng PRINCE, at imbitado lahat ng dalaga sa buong bayan.

Pero di siya isinama ng stepmother niya kahit dalaga naman siya. Magbantay na lang daw siya ng bahay at baka manakawan pa sila.




««««««««««

Flashback:


"Gusto ko lang namang makita kung gwapo ang prince eh," nagpapaawang hirit ni Indy sa Tita Briana niya habang inililigpit ang di-napiling mga sapatos.

"Syempre naman gwapo siya, 'no? Meron ba namang pangit na prince?! Stupid," irap ng reflection ni Shery habang nagli-lipstick sa salamin.

Inirapan din niya ito. "Wala namang nakakaalam kung anong itsura ng prince ah."

"Hay naku, you'll just be a waste of space 'no? Di ka naman mapipili ng prince to dance with him. Asa," sabat ni Gracey habang sinusuklay ng daliri ang baby bangs.

Napatingin na lang si Indy sa tita niya, last straw of hope. "Please Tita, kahit hanggang labas lang ako..."


Bata pa lang si Indy, gusto na niyang makita ang prince. Wala pa kasing nakakakita sa anak ng hari. Ewan din niya kung bakit, basta nakagisnan na lang niyang ganon. Di rin naman nagsasalita ang mga nagtatrabaho sa palasyo. Vow of secrecy something.

Maraming haka-haka sa dahilan kung bakit walang nakakakita sa prince. May mga nagsasabing may deformity raw ito. Or meron daw pangil at punumpuno ng balahibo sa mukha at katawan.

Sabi naman ng iba, napakaguwapo raw nito. Kaguwapuhang nakatutunaw na lahat ng tao mabibighani.

Gustong malaman ni Indy kung ano talaga ang totoo.

Kaya mula nang ibigay ng kartero ang invitation nila para sa 21st birthday ng prince, kinarir na niya nang husto ang pagiging kuracha para makasama sa party. Para kapag natapos na lahat ang gawaing-bahay, wala na silang maiuutos pa sa kanya.


This is it! Makikita na niya kung ano talaga ang itsura ng prince.

Sana pumayag si Tita, Lord... please...





Umiling ang tita niya. "Indy, wag ka nang makulit. Wala ka namang isusuot na damit."





End of flashback.

»»»»»»»»»»




<faint chimes sounds>



Napatingala si Indy sa pinto ng bahay.

Natigilan.

Wala naman silang chimes!



What the...?!



May kumalabit sa balikat niya. Bumulaga sa kanya ang isang MATANDANG BABAE. Napatalon siya sa gulat.


"Sino k---"   Pakpak?!


...ng tutubi?!


"Hi, Indy! Ako ang iyong FAIRY GODMOTHER," perky na bati ng matandang babaeng may pakpak ng tutubi.


Tulala si Indy.



Tinapik siya sa pisngi ng fairy.

"Okay ka lang? Naririnig mo ba 'ko? Ako si Fairy Godmother..."

Pinagmasdan ni Indy ang kumikinang nitong damit, ang wand nitong hawak, at ang life-size nitong pakpak ng tutubi.

Ba't ganyan?

Ah, siguro kalahi niya si Tinkerbell!

TOK!

"Aray!" Himas niya sa noong pinukpukan ng wand.

"Snap out of it," sagot ng fairy habang pinupunasan ang wand na dumapo sa isang oily forehead.




"Fairy godmother? Ko? Fo' realz?"

Bored na si Ninang. "Oo nga."


Na-excite, niyakap ni Indy ang fairy.

"Yes! Teka lang po ha..." at nag-ala Tazmanian Devil si Indy sa paligid ng bahay.







Maya-maya...

"Ok, game na po!" Inilapag ni Indy sa harap ni Fairy Godmother ang kalabasa, mga daga, at mga butiki.

Nag-aalangan ang ngiti ng fairy pagkakita sa hope sa mukha niya.

"Um... Indy, iha... hindi 'yan ang kailangan natin..."

Nawala ang ngiti niya.

"Eh 'di ho ba ito 'yung pinakuha n'yo dati kay Cinderella?" Iyon ang tanda niya sa kuwento.

"Oo, 'yan nga. Pero ibang kaso kasi sa'yo."

"Iba po ba? Pareho lang naman kami ni Cinderella na ulilang inaalila ng stepmother at stepsisters... gustong maka-attend sa party para makita ang prince... walang sasakyan, gown, at sapatos... So, pano pong iba?"

Natahimik si Fairy Godmother. Napabuntung-hininga.




"Indy, kay Cinderella, madali lang. Ang kailangan lang niya ay gown, karwahe, at sapatos. At maganda na siya to begin with. Eh, ikaw..."


Pinagmasdan ni Indy ang sarili.

"Mataba."


~~~~~~~~~~

Indy: Medyo CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon