Chapter 41-50

19.9K 246 19
                                    

CHAPTER 41

April 28, 20**

Monday

Mabilis ang panahon. Akalain mong 1 month nalang—tuluyan ng mawawala ang taong mahal ko. Isang buwan nalang at mawawalan na talaga ako ng pagasa para mahalin pa siya ulit. Masakit. Alam mo yung gusto mong magwala dahil ayaw lumabas ng isinisigaw ng puso mo. Ang sakit. Sasabog ang puso ko.

“Anong iniisip mo?” Tumabi siya sakin. Nasa terrace kami ng bahay ko. Iniabot niya sakin yung juice na hawak niya, ang dami niyang binibigay sakin ano?

“8 months na kaming break. Ang galing.”

“Kaya mo pa?” Kevin asked coldly. Tumingin ako sa kanya. I smiled pero iniwas niya ang tingin niya sakin. Masakit din sa part niya. Alam ko.

“Of course.”

“Sabihin mo ang totoo.”

“Fine.” I sighed. “I’m still trying.”

“Andito lang ako. Wag kang magalala.” Ngumiti siya pero hindi siya sakin nakatingin. Iniiwas niya ang tingin niya sakin. Isa ba akong masamang babae? Masyado ko bang nasasaktan ang lalaking nasa tabi ko ngayon?

“I’m sorry.” Kung nasasaktan kita.

“Bakit?”

“Dahil nagsa-sacrifice ka dahil sakin. Masyado kitang sinasaktan.”

“Wala kang kasalanan. Wala. Ako ang pumili na mahalin ka. Walang may kasalanan. Ako ang pumili nito kaya kelangang tanggapin kong masasaktan ako.” Hindi ako nakapagsalita. Pinakinggan ko lang siya. Tama na sigurong tumahimik ako. “Tsaka alam kong pareho tayo ng kalagayan. Yung—di tayo mahal ng taong mahal natin.”

“Love naman kita ah.”

“Mahal mo ako pero hindi tulad ng pagmamahal mo sa kanya. *sighs* Ikaw naman—minahal ka nga niya pero hindi na tayo nakakasiguro ngayon.” Medyo tumungo ako. Tama siya. “One month nalang.. Hindi na kita papakawalan.” He smiled weakly. Yeah—One month.

Inakbayan niya ako ng walang pasabi. Hinayaan ko siya. Bakit ba Sobrang bait ko sa kanya? Bakit ayokong saktan si Kevin kahit alam kong nasasaktan ko siya ng hindi ko alam. Bakit takot ako? Kaya ko naman siyang matutunang mahalin di ba? Kaya ko—ayaw lang ng puso ko, tama?

His Gangster Side (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon